Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5633

11 signs na nagngingipin na si baby

$
0
0

Namamagang gilagid at paglalaway ay dalawa lang sa kadalasang palatandaan na nag-iipin na si baby. Para mas maging pamilyar sa iba pang palatandaan o teething signs, narito ang 11 sintomas na dapat bantayan.

Namamagang gilagid at iba pang signs na nag-iipin na si baby

Image from Freepik

Namamagang gilagid at iba pang teething signs ni baby

1. Excessive drooling o paglalaway

Isa sa unang palantandaan na nag-iipin na si baby dulot ng namamagang gilagid ay ang paglalaway. Kaya naman sa pagkakataon na ito ay dapat maghanda ng maraming bibs at towels bilang pamunas sa kaniya.

Ang paglalaway din na ito ay maaring magdulot sa kaniya ng diarrhea o loose stools.

2. Rashes

Dahil sa matinding paglalaway ni baby ay maari rin siyang magkaroon ng rashes o red marks sa kaniyang mukha. Kaya dapat ugaliing punasan ang laway at lagyan ng baby skin cream o moisturizer ang kaniyang mukha.

3. Pangangagat

Dahil sa pressure ng papalabas na ngipin sa kaniyang gilagid ay mapapadalas din ang pangangagat ni baby sa mga bagay na kaniyang mahahawakan o maisusubo. Maaring ito ay laruan, teethers, kaniyang daliri at paa o kaya naman ang utong ni Mommy habang siya ay pinapasuso.

4. Pagiging iyakin

Dahil sa sakit ng namamagang gilagid ay magiging iyakin din si baby. Kaya kailangan lang maging mahaba ang pasensya at tulungan siyang ma-overcome ang discomfort na nararamdaman niya.

5. Hematoma

Ang gum hematoma ay ang pagdurugo ng gilagid ni baby. Ang karaniwang palatandaan nito ay ang bluish lump sa gilagid niya na hindi naman dapat ipag-alala ng mga magulang.

6. Hirap sa pagtulog

Dahil sa sakit at discomfort na nararanasan ay mahihirapan ring matulog si baby. Kaya naman para mabantayan parin siya ay hingin ang tulong ng iyong asawa at magpalitan sa pagbabantay sa kaniya.

7. Ubo

Ang pag-ubo ay isang palatandaan rin ng pag-ngingipin ni baby. Dulot ito ng matinding paglalaway na dahilan para masamid o mabulunan siya. Madalas ito ay dry cough at hindi naman isang sakit na dapat ipagalala.

8. Pag-ayaw kumain

Dahil sa sakit ng namamagang gilagid ay mahihirapan ring kumain o dumede si baby. Magkaganunman ay kailangan parin siyang pilitin para siya ay magkaroon ng lakas at hindi magkasakit.

9. Lagnat

Isa pang sintomas na nag-iipin na si baby ay ang low grade fever. Hindi naman ito nakakaalarma ngunit kung ito ay tumagal ng lagpas tatlong araw na ay kailangan ng pumunta sa doktor at magpakonsulta.

10. Diarrhea

Ang pag-iipin ni baby ay madalas na sinasabayan rin ng pagtatae o mild diarrhea. Ito ay dahil sa pagkakalunok ng maraming laway dulot ng namamagang gilagid niya. Kung ang pagtatae ay nagpapatuloy at mas lumala ay dapat agad na siyang dalhin sa doktor.

11. Namamagang gilagid

Ang pananakit ng namamagang gilagid rin ni baby habang nag-iipin ay madalas na umaakyat sa kaniyang pisngi kaya naman mapapadalas rin ang pagkakamot niya sa kaniyang mukha. Ngunit ang cheek rubbing rin ay palatandaan ng ear infection kay baby na dapat bantayang maigi ng mga magulang.

Ang mga nabanggit ang madalas na palatandaan na nag-iipin na si baby. Pero para rin makasiguro ay maari mo itong i-check sa pamamagitan ng pagkapa sa kaniyang gilagid gamit ang malinis mong daliri. Kung may papalabas na ngipin ay mararamdaman mo ito.

May mga paraan naman na maaring gawin para mabawasan ang sakit na nararanasan ni baby dahil sa namamagang gilagid at pag-iipin. Ang paggamit ng teether, pagbibigay ng gum massage o cold compress sa kaniya ay ilan lamang sa mga bagay na maaring gawin sa bahay.

Ngunit kung siya ay nakakaranas na ng matindi o malalang sintomas gaya ng extreme diarrhea at high grade fever ay kailangan na siyang agad dalhin sa doktor para matingnan.

 

Source: The AsianParent 
Photo: Freepik

Basahin: Bakit mahalagang dalhin agad si baby sa dentista kapag lumabas na ang unang ngipin niya?

The post 11 signs na nagngingipin na si baby appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5633

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>