Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5469

Parang naduduling si baby? 7 sintomas na dapat itong ikonsulta sa doktor

$
0
0

Napapansin mo bang naduduling sa baby? O ‘di kaya naman ay tila banlag sa mata? Ano ano nga ba totoo sa likod ng pagka-duling ni baby?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sintomas ng pagiging duling ni baby
  • Mga sanhi ng pagka-duling ni baby
  • Mga lunas para sa cross eyed babies

Nagtataka ka ba kung bakit paminsan ay nagiging duling o cross eyed ang iyong baby? Huwag mangamba dahil ito ay senyales na nagde-develop ang muscles ni baby. Dito rin nila matutunan mag focus sa mga bagay na naka paligid sa kanila.

Kadalasan ang pagiging cross eyed ni baby ay titigil na pag sila ay nasa 4-6 months na.

Maaari ring isa o dalawang mata ang nagiging cross eyed at ang pag cross nito ay pwedeng tuloy-tuloy. Sa uulitin, ito ay normal dahil hindi pa fully developed ang brain at eye muscles nito. Maaari pa itong mag-improve sa darating na panahon.

Ano ang banlag o strabismus?

Ang Strabismus o misalignment ng mata ay kadalasang nangyayari sa newborn babies. Pwede rin itong mangyari sa mga nakatatandang bata.

Ayon kay Dr. Brian Mohney, M.D, pediatric ophthalmologist ng Mayo Clinic Children’s Center ng Minnesota, 1 out of 20 kids ang nakakaranas ng Strabismus. 2-4 percent naman ng mga baby ang nagkakaroon ng esotropia, at 1 to 1.5 percent naman ay may exotropia.

7 sintomas at uri ng banlag na mata sa bata

Ayon sa American Association for Pediatric Ophthalmology and Strabismus,mayroon iba’t ibang klase ng Strabismus o pagiging cross-eyed narito ang mga senyales na maaari mong obserbahan sa iyong anak.

1. Esotropia (inward turning)

Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa o parehong mata na inward ang tingin papunta sa ilong. Ito ang pinakakaraniwang uri ng strabismus at nakakaapekto sa pagitan ng 2 hanggang 4 na porsyento ng mga bata.

2. Exotropia (outward turning)

Ang uri ng strabismus na ito ay, isa o dalawang mata ang nakatingin outward sa kanilang tainga. Tinatawag din itong minsang “wall-eye”. Ito ay nakakaapekto sa 1 hanggang 1.5 porsyento sa mga bata.

3. Hypertropia (upward turning)

Ito ay kapag ang mata ay misaligned, ang may deperensyang mata ay mas mataas kaysa sa normal na mata. Nangyayari ito sa 1 out of 400 na babies o bata.

4. Hypotropia (downward turning)

Ito ay ang kabaliktaran ng Hypertropia, ang may deperensyang mata naman ay mas mababa kaysa sa normal na mata.

Iba pang klase o senyales  ng cross eyed ng isang baby.

5. Infantile Esotropia

Ayon sa American Academy of Ophthalmology, hanggang 1 out of 50 babies ang pinapanganak ng may ganitong disorder. Ang mga kasong ganito na hindi naireresolba sa loob ng 4 months na pagkapanganak kay baby ay kailangan na ng medical treatment.

6. Accomodative Esotropia

Ito ay ang resulta ng malalang farsightedness at madalas nangyayari ito pagkatapos ng isang taon. Ito ay maaaring lumabas ng paunti-unti pero kalaunan ay magiging tuloy-tuloy na.

7. Pseudostrasbismus

Dahil karamihan ng babies ay mayroon malawak na nose bridge at extra na skin fold sa kanilang inner corners ng mata, minsan ay napapagkamalang cross eyed ito kahit hindi naman. Ang mga baby na may pseudostrasbismus ay kadalasang lumalabas lamang sa edad na 2 hanggang 3 years old.

Ayon sa mga doktor, hindi lahat ng strasbismus ay nakikita.

Maaaring tingnan o dalhin sa pediatrician ang baby kung sila ay nakakaranas ng,

  • Madalas na pag squint o pag-blink ng mata dahil sa maliwanag na ilaw. Maaaring ito ay senyales na mayroon nang double vision ang iyong baby.
  • Ang pag-ikot o pagtagilid na kanilang ulo ay maaaring senyales na sinusubukan nilang i-line up ang isang bagay sa kanilang paningin.

Ano ang mga sanhi na nagreresulta ng pagiging banlag sa mata ng baby?

Ang strabismus ay sanhi ng eye muscles na hindi gumagalaw o nagpa-function ng sabay. Narito ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito:

  • Mga baby o bata na mayroon kapamilya na may history ng strabismus. Kadalasan sa magulang o kapatid na nagkaroon nito.
  • Ang mga batang farsighted, malabo ang mata.
  • Mga baby na nagkaroon ng trauma sa mata – halimbawa ay galing sa surgery ng cataract. (ang mga sanggol ay maaaring magkaroon din ng katarata)
  • Ang mga baby na mayroon neurological at brain development issues. Nagbibigay ng senyales ang mga nerves sa mata papunta sa utak upang ma-coordinate ang paggalaw nito.

Tandaan: Ang mga batang pinanganak na premature o may kondisyon tulad ng down syndrome, celebral palsy, at brain injuries ay mataas ang tiyansa na magkaroon ng strabismus.

BASAHIN:

10 Bagay na Dapat Malaman tungkol sa Down Syndrome

Premature babies na ipinanganak ng 22 weeks, mas malaki na ang chance na mabuhay

Baby deaths and brain injuries during labor and delivery: How can it be reduced?

Lunas o treatment para kay baby?

banlag sa mata

Larawan mula kay Daniel Frank from Pexels

May solusyon para sa cross eyed o banlag sa mata ni baby. Ito ay ang mga epektibong paraan na maitama ang paningin ni baby.

Para sa mga mild cases ng strabismus maaaring ito ang maging payo ng mga eksperto. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagsusuot ng eye glass para maitama ang paningin nito mula panlalabo ng matama. Sa ganitong paraan lilinaw ang mata ng bata.
  • Paglalagay ng eye patch sa walang deperensyang mata upang mas magamit ang matang may deperensiya. Sa ganitong paraan mapapalakas ang muscles sa deperensyang mata.
  • Eye drops. Ito ay pareho ng eye patch. Maaaring itong gamitin kung ayaw ni baby ng eye patch.

Para sa mga severe cases ng strabismus o pagkabanlag ng mata

Narito ang maaaring gawin ng doktor kapag natukoy na mayroong strabismus ang isang baby. Mahalaga na makipag-usap sa isang doktor patungkol sa prosesong mararanasan ng iyong anak.

Ilan sa mga prosesong isagawa nila ay ang mga sumusunod:

  • Surgery

Ang mga baby na madalas crossed ang mata o naduduling ay kailangan isailalim sa isang surgery. Sa ibang pagkakataon, ang mga doktor ay gagamit ng sutures upang ma-tweak at maayos ang mata ni baby.

  • Botox Injections

Habang nasa anesthesia, ang doktor ay mag i-inject sa eye muscle na may kasamang botox upang mapahina ito. Sa paghina ng muscle, maaaring pumantay ang mga mata ni baby. Ang mga injections na ito ay maaaring umulit ngunit ito naman ay may mahabang epekto.

Paalala: Ang Food and Drug administration ay wala pa sinasabi tungkol sa effectiveness at safety ng botox injections para sa mga batang 12 years at pababa.

Ano ang kailangan tandaan sa kondisyon ng pagkaduling ni baby?

Huwag masyadong mag-alala kung ang inyong baby ay naduduling minsan. Ito ay kadalasan nangyayari sa mga unang buwan ni baby.

Ngunit kung ang inyong baby ay mas matanda sa 4 na buwan at napapansin mo pa rin ang pagtitig sa iba’t ibang bagay, suriin na ito. Mayroon mga epektibong lunas o pang gamot na maaraing gamitin.

Ang strasbismus ay hindi maiiwasan, ngunit ang agarang atensyon o early detection ang sagot para sa lunas nito. Ang mga baby at batang na-diagnose at napagamot ng maaga ay maaaring magresulta ng healthy na paningin at development para kay baby.

Kailan dapat ipatingin sa pediatric ophthalmologist si baby?

Ayon kay Dr. Mohney, ang isang bata na may sintomas ng strabismus ay dapat makita sa lalong madaling panahon ng isang espesyalista sa mata. Upang maiwasan ang pagkawala ng paningin sa baby at patuloy na mawala ang pagiging banlag sa mata ng isang baby.

Ang pagkakaroon ng esotropia ay ang pinakakailangan ng agarang pansin upang matugunan at maiwasan ang masamang epekto nito, na pagkawala ng paningin.

Samanatala, ang exotropia naman ay ang paulit-ulit nangyayari subalit mabagal na progreso. Lagi lamang i-monitor ito sa paglipas ng panahon. Isang paalala na minsan ang esotropia ay hindi agad agad nakikita.

Ang mata ng bata ay maaaring maayos hanggang sa edad na 3 hanggang 4 years old. Kapag nakita ito ng doktor agad, maaari nilang maibalik sa dati ang kanilang mata sa pamamagitang surgery.

Ang amblyopia o paglabo ng mata dahil sa strasbismus tulad ng esotropia o extotropia ay maaaring maging delikado. Kapag hindi ito naagapan bago mag-9 years old ang bata ay maaari itong magresulta ng permanenteng pagkawala ng paningin.

Karamihan sa mga bata na mayroon strabismus ay dina-diagnose mula sa edad 1 hanggang 4 na taon. Mas maaga, mas maganda, bago pa man ang koneksyon ng mata at ng brain ay hindi pa fully developed.

Kaya naman mahalaga na ipatingin agad ang isang baby sa isang doktor kapag may napansin agad sa mga nabanggit. O ‘di kaya’y mas maganda na ipa-screen si baby sa pagkakaroon nito. Upang maagapan agad.

 

Source:

Healthline, MayoClinic, ClevelandClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

The post Parang naduduling si baby? 7 sintomas na dapat itong ikonsulta sa doktor appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5469

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>