Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Pregnancy Test: Kailan dapat gumamit ng PT para malaman kung buntis

$
0
0

Ilang araw bago malaman na buntis ang isang babae? Pagkatapos makipagtalik, ilang araw bago malaman na buntis ka? 1 week delayed buntis na ba? Malamang ito ang mga katanungang bumubuo sa isipan mo kung ngayong nag-aalala ka kung nagdadalang tao ka nga ba.

Sexually active ba kayo ng partner mo at naghahangad na makabuo? Malamang ay excited na kayong malaman kung may i-e-expect ba kayong baby matapos ang siyam na buwan.

Marahil ay gusto mo na agad bumili ng pregnancy test (PT) kit para malaman agad kung nagbunga ba ang inyong pagmamahalan. May ilang mga bagay na kailan tandaan bago ka mag-take ng pregnancy test at aalamin natin iyan sa artikulong ito.

Ilang araw bago malaman na buntis ang isang babae?

Sa mayroong regular na menstruation, ilang araw nga ba bago malaman na buntis ka?

Ang missed period ang unang palatandaan na maaaring buntis ang isang babae. Kaya nga sa araw na ine-expect mo sanang magkakaregla ka na at hindi dumating, mapapatanong ka ng: “Buntis na nga ba ako?” Ang sagot dito? Maaaring mayroong laman na nga ang tiyan na baby pero maaari ring wala namang nabuo.

Para naman sa may irregular menstruation, ilang araw bago malaman na buntis ka? May kahirapan itong tukuyin. Para sigurado, may isang paraan lang para masagot ang agam-agam nating ito.

Ito’y sa pamamagitan ng pregnancy test kit na common nang ginagawa ng mga nacucurious kung buntis nga ba sila. Mayroong two way na maaaring gawin ng babaeng nais malaman kung siya ay buntis.

Maaring sa pamamagitan ng pagkuha ng sample sa dugo o ang blood test. Ito ay madalas na ginagawa sa mga clinic o ospital. Isa sa paraan din naman ay sa pamamagitan ng urine test. Ito naman ay ginagawa gamit ang over-the-counter pregnancy test na puwedeng gawin kahit pa nasa bahay lang at mag-isa ka.

Ayon sa mga eksperto, may mga pagkakataon na maaring hindi maging accurate ang resulta ng home o over-the-counter pregnancy test.

Ito ay dahil sa iba’t ibang factors, katulad na lang ng mga sumusunod: Maaaring mali ang paraan ng pagkuha ng ihi dahilan para magresulta sa maling impormasyon. Masyadong maaga na nagtetest at hindi kaagad nadedetect ng pregnancy kit kung buntis ba o hindi.

Kaya naman mahalagang malaman kung kailan o ilang araw bago malaman na nagdadalang-tao ang isang babae. Dahil ito rin ang araw na kung kailan dapat magsagawa ng pregnancy test upang makumpirma ang pagbubuntis.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Trending Articles