Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

LOOK: Unique gender reveal announcement ni Valerie Concepcion sa kaniyang ipinagbubuntis na baby boy!

$
0
0

Valerie Concepcion may unique baby gender reveal announcement sa ipinagbubuntis niyang anak nila ng mister na si Francis Sunga.

Mababasa dito ang sumusunod:

Valerie Concepcion unique baby gender reveal announcement. Pagbubuntis ni Valerie. Valerie Concepcion unique baby gender reveal announcement

Larawan mula sa Facebook account ni Valerie Concepcion

Nitong nakaraang Mother’s day ay inanunsyo ng aktres na si Valerie Concepcion na siya ay nagdadalang-tao sa anak nila ng mister niyang si Francis Sunga. Ang announcement ay ginawa ng aktres sa kaniyang Instagram account kalakip ang pictorial nila ng mister na kung saan ibinida niya ang kaniyang baby bump.

Sa kaniyang Instagram parin ay ibinahagi rin ng aktres ang unique na paraan para i-reveal ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis. Makikita sa isang video na nakaupo ng magkaharap at naka-blindfold si Valerie at Francis. May lumapit para lagyan ng pintura ang kamay ng mag-asawa. Saka nila ipinahid ang kamay nila sa mukha at katawan ng isa’t-isa. Ang pintura kulay blue o asul na palatandaan na baby boy ang ipinagbubuntis ni Valerie.

View this post on Instagram

A post shared by Valerie Concepcion 🇵🇭🇬🇺 (@v_concepcion)

Nang alisin na ang blindfold ng mag-asawa ay makikitang very happy sila sa na-reveal na gender ng kanilang baby. Lalo pa’t si Valerie at Francis ay parehong may anak na babae sa nauna nilang mga naka-relasyon.

“We are overjoyed to share this special moment with all of you! It’s with immense happiness and excitement that we announce the gender of our upcoming bundle of joy.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Valerie tungkol sa naging gender reveal ng kaniyang baby na itinaon rin nila ang paglabas nitong nakalipas na Father’s day.

Larawan mula sa Instagram account ni Valerie Concepcion

Pagbubuntis ni Valerie

Ayon pa kay Valerie, ay pasikreto nilang hinihiling ni Francis na boy sana ang ipinagbubuntis niya. At napaka-swerte niya ganoon rin ang kanilang mga anak ni Francis na ito ang kanilang ama.

“Daddy Francis had been secretly hoping for a baby boy, and our prayers have been answered! 🙏🏼 👶🏻 💙 Happy Father’s Day, my love @franchise_33! 😘 Our two princesses and little prince are lucky to have you as their dad. ❤”

Larawan mula sa Instagram account ni Valerie Concepcion

Si Valerie nagpasalamat rin sa mga nag-cocongratulate sa kaniya at kay Francis sa kanilang pagbubuntis.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>