Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5481

10 recommended baby bottles ng mga Pinay moms

$
0
0

Best baby bottles for gas and colic ba ang ang hanap mo? Narito ang mga baby bottle brands na inirerekumenda ng mga Pinay moms!

Image from Freepik

Best baby bottles for gas and colic Ano ang gas at colic sa mga baby?

Ayon sa mga health experts normal sa mga baby na maging gassy o kabagin. Sa isang araw nga daw ay nasa 13-21 beses sila kung umutot. Isang palatandaan na maraming hangin o gas sila sa kanilang tiyan. Ito ay dahil umano sa madalas na ginagawa ng mga sanggol. Tulad ng pagdede sa suso man o sa bote. Pagsipsip ng pacifier at pag-iyak na dahilan upang sila ay makalunok ng mas maraming hangin.

Kapag ang sanggol ay may colic o kabag ay mas nakakalunok rin daw ito ng mas maraming hanggin. Dahilan upang siya ay magkaroon ng mas maraming gas sa tiyan.

Palatandaan na gassy si baby

May mga palatandaan namang makakapagsabi sayo kung gassy si baby. Ito ay ang sumusunod:

Siya ay dumidighay o nagbuburp. Gusto niya lang ay magpakarga ng magpakarga. Ang tiyan ay bloated o tila malaki at matigas. Siya ay iyakin. Utot siya ng utot.

Kahit nga daw mamula ng mamula si baby kakaiyak, walang dapat ipag-alala. Lalo na kung sa una ay mukha naman siyang happy at magiging biglang fussy o irritable sandali. Ito ay palatandaan rin na gassy si baby at wala namang seryosong bagay na dapat ipag-alala.

“If your baby is generally happy and only fusses for a few seconds while passing gas, that’s a sign that it’s normal. Even if they turn red and make noise, it doesn’t mean that it bothers them. If they’re happy in between episodes and not too distressed during them, there’s probably nothing wrong.”

Ito ang pahayag ng pediatrician na si Dr. Jennifer Shu.

Image from Freepik

Palatandaan na may colic o kabag si baby

Kung si baby naman ay iyak ng iyak na umaabot na ng ilang oras sa buong araw, ito ay palatandaan naman na siya ay may colic o kabag.

Ayon sa mga doktor, ito ang mga palatandaan na colicky o may kabag si baby.

Si baby ay umiiyak ng tatlong oras sa isang araw. Ito ay nangyayari ng tatlong araw sa isang linggo. Minsan ay nangyayari ito ng sunod-sunod sa loob ng tatlong linggo. Ang kaniyang pag-iyak ay nagaganap sa parehong oras araw-araw. Madalas sa hapon o bago mag-gabi. Umiiyak siya na hindi dahil siya ay gutom o may basang diapers. Siya ay umiiyak habang itinataas o isinisipa ang kaniyang binti. Isinasara ang kaniyang kamao habang ginagalaw ang kaniyang mga braso. Sa kaniyang pag-iyak ay isasara o mas lumalaki ang kaniyang mata habang nagsasalubong o bumabaluktot ang kaniyang kilay. Utot siya ng utot o isinusuka ang gatas na nadede niya. Naiistorbo ng pag-iyak ang tulog at pagdede niya. Madalas ay bigla niyang hahanapin ang nipple o gustong sumuso. At bigla nalang iiyak at magigising sa oras na makadede ng saglit o magsimula na ang sucking.

Madalas sisimulang maging kabagin ang baby sa unang 2 at 3 linggo ng kaniyang buhay. Mas magiging madalas ito kapag siya ay nasa 6 na linggo na at unti-unting mawala kapag siya ay mag-tatatlong buwan na.

Paano maiiwasang maging gassy at colicky si baby

Ilan nga sa mga paraan na inirerekumenda ng mga doktor upang maiwasan ang gas at colic kay baby ay ang sumusunod:

Subukang panatilihing mas mataas ang posisyon ng ulo ni baby kesa sa kaniyang tiyan sa tuwing dumedede. Sa ganitong paraan ay dumederetso pababa sa kaniyang tiyan ang gatas na kaniyang nainom. Padighayin si baby habang o matapos pasusuhin o padedehin. Masahiin si baby o bigyan siya ng warm bath. Inirerekumenda rin ng mga doktor na kung nagbobottle-feeding ay palitan ang boteng ginagamit. Dahil ito ay maaring pangunahing dahilan kung bakit siya nagiging gassy at colicky.

“If you’re bottle-feeding, switch to a slower-flow nipple.”

Ito ang payo ni Dr. Joel Lavine, isang professor of pediatrics mula sa Columbia University.

Tamang pagpili ng baby bottle?

Narito ang mga hakbang para sa tamang pagpili ng baby bottle:

1. Swak dapat ang size nito para sa inyong baby

Piliin ang baby bottle na may tamang laki para sa iyong sanggol. May iba’t ibang laki ng mga bote, kaya naman mahalaga na ikonsidera ito. Sapagkat matatansa kung gaano ba kadaming gatas ang maaaring itimpla dito sa bawat pag-feed kay baby.

2. Dapat durable at gawa sa safe materials

Mahalagang ikunsidera ang materials kung saan gawa ang bote ng iyong baby. Dapat ay FDA approved ito at hindi gawa sa mga delikadong chemicals na makakasama sa iyong baby. Siguruhing ang baby bottle ay gawa sa kalidad na materyales, gaya ng BPA-free plastics o glass.

3. Malawak o mas malapad ang nipples ng bote

Piliin ang baby bottle na may malawak na labasan o nipple upang mapadali ang pagdedede ng iyong sanggol. Ang mga adjustable nipples ay maaaring makatulong sa maayos na pag-latch ni baby.

4. Comfortable na hawakan

Pumili ng baby bottle na madaling hawakan at komportable sa iyong kamay. Ito ay importante lalo na kapag malaki na ang iyong sanggol at kailangan niya na itong hawakan mag-isa.

5. Madaling linisin

Piliin ang baby bottle na madaling linisin, tignan din kung marami itong singit-singit sapagkat kapag mayroon baka doon pa mag-build up ang mga bacteria lalo na kung hindi ito malinisan.

6. Compatibility iyong breast pump (Optional)

Kung ikaw ay gumagamit ng breast pump, siguruhing ang baby bottle ay compatible sa iyong pump para mapadali ang paglipat ng gatas mula sa pump papunta sa bote.

7. Magang nipple flow

Ang mga nipple ng baby bottle ay may iba’t ibang bilis ng pagtulo ng gatas. Pumili ng tamang bilis ng flow base sa gulang ng iyong sanggol – mabagal para sa mga sanggol, at mas mabilis para sa mas malalaki na.

8. Humingi ng recommendations sa iyong pedia

Kung hindi ka sigurado kung aling uri ng baby bottle ang nararapat para sa iyong sanggol, makabubuting magtanong sa iyong pediatrician. Sila ay makapagbibigay ng mga payo batay sa kalusugan at pangangailangan ng iyong anak.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri at pagsusuri sa mga ito, mas mapapadali ang pagpili ng tamang baby bottle para sa iyong anak.

Base sa kanilang experience ay may mga inirerekumendang baby bottle brands ang mga Pinay moms. Karamihan nga sa mga ito ay best baby bottles for gas and colic umano. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Baby bottle brands na inirerekumenda ng mga Pinay moms

Maraming baby bottle brands ang maaring pagpilian para kay baby. Pero para sa mga Pinay moms ay narito ang ilan sa kanilang inirerekumenda. Ang mga ito ay tried and tested lalo na para maiwasan ang colic at gas kay baby.

1. Dr. Browns Natural Flow

Available in Shopee for P1,490.00

Nangunguna sa mga baby bottle brands na inirerekumenda ng mga Pinay moms ay ang Dr. Browns Natural Flow. Ito ay dahil meron itong specifically designed air vent systems na nag-aalis ng air bubbles. Kaya naman sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang colic, gas at pagsusuka ng gatas ni baby. Nakakatulong rin itong maiwasan ang nipple confusion kung sabay na nagpapasuso at bottle-feed kay baby.

2. Philips Avent Classic Anti-Colic Baby Bottle

Available in Lazada for P1,099.75 set of 2

Isa rin sa best baby bottles for gas and colic ang Philips Avent. Ito ay dahil tulad ng Dr. Browns bottles meron din itong air venting system. Ang design ng tsupon nito ay hinalintulad sa nipples ng ina. Kaya naman mas nakaka-latch ng maayos si baby at nababawasan ang hangin na kaniyang nalulunok.

3. Comotomo Bottle

Available in Lazada for P1,900.00 set of 2

Ang Comotomo baby bottle ay highly recommended rin ng mga Pinay moms. Dahil maliban sa tsupon nito na tinulad rin sa nipples ng mga ina ay may double air vent feature rin ito. Kaya naman tulad ng Philips Avent at Dr. Browns baby bottle ay nakatutulong rin itong maiwasan ang gas at colic.

4. Playtex Baby Ventaire Anti Colic Baby Bottle

Available in Lazada for P1,499.00

Ang air vent feature rin ng Playtex baby bottle ang dahilan kung bakit ito inirerekumenda ng mga Pinay moms para maiwasan ang colic at gas sa mga baby.

5. NUK Simply Natural Bottle

Available in Shopee for P,1090.00

Ang NUK Simply Natural baby bottle ay may anti-colic air system rin na nakakatulong maiwasan ang colic at gas. Ang tsupon nito kapag nadede ni baby ay humuhugis ng tulad sa nipple ni mommy. Kaya naman nakakalatch ng maayos si baby at naiiwasan ang nipple confusion.

6. Tommee Tippee Closer to Nature Anti-Colic

Available in Lazada for P979.00

Ganito rin ang feature na gustong-gusto ng mga Pinay moms sa Tommee Tippee baby bottles. May super-soft nipple ito na nafleflex kapag dumedede si baby. Kaya naman nakaka-latch sila ng maayos at naiiwasan ang colic at gas. Habang ang ergonomic structure nito ay nagbibigay ng comfortable grasps sa mga baby.

7. Munchkin Latch BPA-free Baby Bottles

Available in Lazada for P1,750.00

Para sa mga newborn babies ang Munchkin baby bottles ang isa sa inirerekumenda ng mga Pinay moms. Dahil maliban sa uniquely designed nipples nito ng inihalintulad rin sa nipples ng mga ina ay mayroon itong anti-colic valve. Ito ang nakakatulong rin na maiwasan ang colic at gas sa mga baby.

8. Pigeon baby bottles

Available in Lazada for P1999.75.

Ang SofTouch™ peristaltic nipples naman ng Pigeon baby bottles ang isa rin sa dahilan kung bakit ito inirerekumenda ng mga Pinay moms. Dahil sa nakakatulong itong maiwasan ang nipple confusion. Habang sinisigurong mini-minimize nito ang air-flow habang dumede si baby upang maiwasan ang excessive gas intake at colic kay baby.

9. Farlin baby bottles

Avaiable in Lazada for P165.97.

Ang Farlin baby bottles ay may anti-colic silicone nipples rin. Kaya naman maraming Pinay moms ang inirerekumenda itong gamitin. Bonus pa ang affordable na presyo nito.

10. Baby Flo baby bottles

Available in Shopee for P99.00 each.

Pagdating sa quality at affordability, Babyflo feeding bottles ang most recommended ng mga Pinay moms. Wala man itong anti-colic features tulad ng mga naunang baby bottles, ayon sa mommies mahalaga lang ang tamang position sa pagpadede at pagpa-burp kay baby para maiwasan ang colic at gas ng mga ito.

TheAsianParent Community, Product Nation, WebMD


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5481

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>