Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5469

Madalas bang mag-sneeze si baby? Hindi ito dapat kaagad ikabahala, ayon sa mga experts

$
0
0

Doble ingat talaga ang parents sa kanilang mga anak, lalo kung kakapanganak pa lang at nasa yugto pa na newborn babies ang inaalagaan. Kung minsan, ang simpleng sneeze lang ng mga baby ay dahilan na para mataranta ang mga magulang at nababahala na baka may sakit ang kanilang mga anak.

Ayon sa experts hindi raw dapat sobrang mag-alala sa pagbabahing ng baby. Narito ang ilang dahilan kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

Why baby sneeze? Ito ang sabi ng experts tungkol dito Mga tips para palaging malinis ang ilong ni baby Why baby sneeze? Ito ang sabi ng experts tungkol dito

Sensitive ang mga bagong silang na sanggol, kaya nga ibayong pag-iingat ang ginagawa ng mga magulang para sa kanila. Sa lahat ng bahagi ng kanilang katawan kinakailangan palagiang mino-monitor. Maaari kasi silang tamaan kaagad ng anumang sakit kung napapabayaan ang kanilang health.

Siguro ay isa ka sa mga parents na nababahala rin kaagad sa tuwing makita lang ng may rashes ang baby, namumula o kaya naman kahit simpleng pagbahing lamang. Iyong iniisip na siya ay tatamaan kaagad ng sakit.

Ayon sa mga eksperto hindi raw dapat maging dahilan ang pagbabahing ng pagkabahala.

“Fortunately, frequent sneezing is absolutely normal and usually nothing to be concerned about.”

Ang pagbahing daw ng baby ayon sa mga eksperto ay paraan nila upang malinis ang kanilang ilong dahil sila ay mga primarily nose breathers. Ito ang karaniwang breathing pattern ng mga newborn babies.

Mula sa pagsilang sa kanila, humihinga sila gamit lamang ang ilong at unti-unting humihinga na sa bibig sa bawat araw na sila ay tumatanda.

“It’s a natural reflex that babies are born with like the rooting reflex and startle reflex; and as they begin to breathe more through their mouth, they won’t necessarily sneeze as often.”

Image from Baby smile photo created by jcomp – www.freepik.com

Ginagawa raw nila ang pagbabahing upang maalis ang ilang germs at particles mula sa kanilang nasal passages. Ito ang way ng mga sanggol para mapanatili nila ang flow ng air sa kanilang mga ilong.

Wala kasi silang kakayanan pa na mag-snort at suminga kaya ang tanging paraan upang malinis ang kanilang nasal passages ay sa pagbabahing lamang.

Maliliit ang ilong ng mga sanggol kaya maliliit din ang nasal passages nila. Madaling bumara ang ilang maliliit na bagay sa kanilang ilong kaya kinakailangan nilang mag-sneeze para mawala ito. May mga pagkakataon pa ngang napupunta ang gatas at laway nila sa nasal passages sa tuwing sila ay dumedede.

Hindi kasi nila nalulunok ang halos lahat ng ito kaya napupunta ang iba sa kanilang ilong. Isa pa ay ang pagkakaroon nila ng dry air, nagiging cause ito upang bumahing sila nang madalas.

Hindi naman dapat na mag-worry sa kanilang pagbabahing palagi, ayon sa mga eksperto. Sa kabilang banda, kung ang kanilang pagbahing ay may kasamang ibang sintomas, dapat nang ikabahala ito dahil baka mayroong na itong iba pang kondisyon.

Halimbawa na lang kung ang sanggol ay edad 3 buwan pababa na may baradong ilong at rectal temperature na higit 100.4 may mainam na kumontak na sa inyong doktor.

Ganito rin sa mga sanggol na infant pataas, kung sakaling sila na ay nilalagnat, hindi kumakain nang normal at kung umuubo ay mas mabuti nang humingi ng payo sa mag eksperto.

Sa kahit anong edad ng iyong anak, kung nakakaranas na ng hirap sa paghinga ay kailangang i-consider ito bilang emergency at pumunta na sa inyong doktor.

BASAHIN:

Ano ang heart murmurs sa mga baby? Sanhi, sintomas, at lunas para rito

How long before my baby’s hair becomes thick? 9 hacks for your baby’s hair growth

Baby poop changes when starting solids: Age, color, consistency, and what it means

Mga tips para palaging malinis ang ilong ni baby

Dahil nga nose breathers ang mga sanggol dapat panatilihing malinis parati ang kanilang mga ilong para makahinga sila nang maayos. Madalas kasing bumabara ang kanilang nasal passages kaya nagkakaroon sila ng stuffy nose. Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan para palaging malinis ang ilong ni baby:

Huwag manigarilyo o iwasan ang mga naninigarilyong malapit sa sanggol Panatilihing malinis ang bahay at walang mga alikabok Iwasang magpabango o sprayan ng pabango ang iyong anak Huwag gumamit ng hair spray malapit sa kanya Gumamit ng saline drops upang matanggal ang mga mucus sa kanyang ilong Umiwas sa pagbili ng mahimulmol na gamit para sa kanila Maaaring gumamit ng bulb syringe o nasal aspirator upang dahan-dahang matanggal ang malalaking mucus Maglagay ng humidifier sa tuwing siya ay tulog upang mamoisten ang hangin sa paligid Huwag gamitin ang mga devices na panlinis sa ilong aggresively Hangga’t hindi naman hirap huminga ang baby huwag papakialaman ang kanilang mga ilong

Verywell Family, Healthline


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5469

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>