Mga magulang narito na ang mga dapat niyong malaman tungkol sa mga sanhi, sintomas at gamot sa kuliti ng iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
Posibleng sanhi ng kuliti sa mata ng bata Gamot sa kuliti Nakakahawa ba ang kuliti?Bilang magulang, ayaw natin na mayroong bagay na nakakasagabal sa kalusugan ng ating mga anak, seryoso man ito o hindi. Isa sa mga sakit na pwedeng magdulot sa’tin ng pag-aalala at pagkabahala ay kapag tinubuan ng kuliti sa mata ang ating anak.
Tayo ngang matatanda ay nahihirapan kapag nagkakaroon nito, paano pa kaya ang mga bata?
Gamot sa kuliti | Image from Freepik
Ano ang kuliti sa mata?Ang stye o kuliti sa Tagalog ay masakit na namumulang bukol sa may talukap ng mata. Ito ay sanhi ng infection sa sweat glands sa ating eyelids. Ang impeksyon na ito ay karaniwang dahil sa bacteria na Staphylococcus aureus.
Maaari itong matagpuan sa itaas o ibabang bahagi ng eyelid, o kaya naman sa loob o labas ng eyelid.
Ang talukap ng ating mata ay maraming oil glands. Kailangan kasi ito para manatiling lubricated ang ating mga mga at hindi manuyo.
Minsan, maaaring magkaroon ng pagbabara sa mga oil glands na ito. Posible ring mahalo ito sa dead skin cells at bacteria. Kapag nangyari ito, namumuo ang fluid sa isang oil gland at hindi makalabas kaya parang namamaga ito na parang pantal o tigyawat.
Kapag nagkaroon ito ng infection, pwede itong mamula at lumaki. Sa ibang kaso, halos hindi na mabukas ng maayos ang mata na may kuliti.
Bagama’t kahit sino ay pwedeng magkaroon ng kuliti, mas madalas raw itong nararanasan ng mga bata.
Sinong pwedeng magkaroon ng kulitiMas malaki ang posibilidad na magkaroon ng kuliti ang mga sumusunod:
Hinahawakan ang mata nang hindi naghuhugas ng kamay Naglalagay ng contact lens nang hindi nagdi-disinfect o naghuhugas ng kamay Hindi nagtatanggal ng makeup sa gabi Gumagamit ng lumang makeup sa mata May blepharitis, ang pabalik-balik na pamamaga sa gilid ng talukap sa mata May o seborrheic dermatitis o rosacea, isang kondisyon sa balat na nagiging rason ng pamumula nito Mayroon diabetes Nakakahawa ba ang kuliti?‘Di gaya ng sore eyes, hindi naman talaga nakakahawa ang pagkakaroon ng kuliti. Subalit dahil mayroong fluid na lumalabas mula sa mata, maaring kumalat ang bacteria sa bagay na ginagamit ng taong may kuliti, tulad ng kanilang unan o tuwalya.
Kaya kapag ginamit mo ang unan o tuwalya ng taong may kuliti, maaaring pumasok rin sa iyong mata ang bacteria at magkaroon ng impeksyon.
Mga sintomas ng kulitiLarawan mula sa Shutterstock
Maaaring iba-iba ang senyales ng kuliti sa bawat bata. Pero ilan sa mga karaniwang sintomas ng kuliti ay ang mga sumusunod:
Pamamaga ng eyelids Pakiramdam na parang napuwing o mayroong maliit na bagay sa loob ng iyong eyelids Pamumula at pamamaga ng talukap ng mata at paligid nito Pangangati sa bahagi ng mata na may kuliti Pananakit sa bahagi ng mata na may kuliti Parang may kulay yellow na fluid na lumalabas mula sa mataAng sintomas ng kuliti ay mayroong pagkakahalintulad sa sintomas ng ibang sakit. Kaya maas magandang kumonsulta pa rin sa doktor upang makumpirma kung kuliti nga ba ito.
Ang isa pang kundisyon na maaaring makapagbigay ng pamamaga sa talukap ng mata ay ang tinatawag na chalazion.
Ang chalazion ay nangyayari kapag nagkakabara ang oil glands sa talukap ng mata. Di tulad ng kuliti, walang nararamdaman na pananakit. Pareho lamang ang paggamot sa kuliti at chalazion.
Komplikasyon sa kuliti at kailan dapat dalhin sa doktorKadalasan ay hindi naman seryoso ang pagkakaroon ng kuliti at hindi ito nagdudulot ng permanenteng sugat sa iyong mata. Subalit minsan, pwede rin itong magdulot ng mas seryosong impeksyon sa balat na tinatawag na cellulitis. Kapag nangyari ito, reresetahan siya ng iniinom na antibiotics.
Kapag masakit na ang mismong mata ng bata o nahihirapan na siyang makakita, kailangan na talaga siyang dalhin sa doktor. Gayundin, kapag ang bata ay may lagnat, hindi pa humuhupa ang kuliti at gumagaan ang pakiramdam sa loob ng dalawang araw, at kung lumala ang pamamaga at lumagpas na sa talukap ng mata papunta sa ibang bahagi ng mukha, kumonsulta na agad sa inyong doktor.
BASAHIN:#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nakagat ng ipis ang bata?
Babala ng isang ina: Ugaliing maghugas ng kamay bago hawakan si baby
Sore Eyes sa mga bata: Mga mahalagang kaalaman
Gamot sa kuliti | Image from Freepik
Ano ang gamot sa kuliti?Ayon kay Dr. Angelica Tomas, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, kapag mayroong kuliti ang bata, pinapayo talaga nila na kumonsulta ito sa isang ophthalmologist para makasiguro.
“Nirerefer talaga namin sa ophthalmologist because they really need to check kung kuliti ba siya o ano, kasi sa gamot na ibibigay. Very important to be checked by an ophthalmologist.”Dagdag pa ng doktora, may mga kuliti na nawawala nang kusa, subalit mayroon pa rin naman na tumatagal at pabalik-balik. Kaya mas mainam na magpatingin talaga sa eksperto. Tanungin rin sa doktor kung mayroong antibiotic ointment o eyedrops na pwedeng gamitin sa kuliti ng bata.
Gayundin, pwede pa rin namang gumamit ng home remedies gaya ng paglalagay ng warm compress sa mata na may kuliti. Gawin ito sa loob ng 15 minuto 3 hanggang 4 na beses sa isang araw. Makakatulong kasi ang init para mawala ang pagbabara sa oil glands.
Habang ginagamot ang kuliti sa bahay, paalalahanan ang iyong anak na iwasang hawakan o kamutin ang kaniyang mata. Paalalahanan rin siyang laging maghugas ng kaniyang kamay at maghugas ng kaniyang mukha.
Pwede ring hugasan ang bahagi ng mata na may kuliti gamit ang tubig. Pwede rin ang bulak na nilublob sa tubig at may kaunting baby shampoo.
Gamot sa kuliti | Image from Freepik
Home remedy sa kuliti sa mataAyon sa Healthline, may mga home remedy para sa mga kuliti sa mata na pwedeng-pwedeng gawin. Ito ay ang mga sumusunod:
Warm compressMakakatulong ang warm compress para magamot o mawala ang kuliti sa mata. Sa pamamagitan nito, tinutulungan nitong mawala ang nana sa paligid ng mga mata pati na ang mga oil. Natural itong mawawala sa pagwa-warm compress dito.
Kapag ikaw ay magwa-warm compress ay gumamit ng malinis na towel o kaya naman damit at ilublob ito sa maligamgam na tubig. Pagkatapos nito, dahan-dahang idampi ito sa kuliti sa mata sa loob ng 5-10 minuto.
Tandaang dapat dahan-dahan lang ang dampi dito. Gawin ito sa loob ng 3 hanggang 4 na beses sa isang araw.
Linisin ang kuliti sa mata gamit ang mild soap at tubig.Ayon kay Dr. Michele Green, isang New York-based cosmetic dermatologist,
“The skin around the eyes is much thinner than the rest of your face. Therefore, you need to be very careful with products you apply to your eye area.”
Kaya naman dapat ang gagamiting sabon ay hypoallergenic at non-irritating.
Green advises avoiding harsh, synthetic chemicals when cleaning the eye area. Instead, she says, ingredients should be hypoallergenic and nonirritating.
Iwasan ang paggamit ng make up muna o contact lensKapag may kuliti mas magandang umiwas muna sa paggamit ng mga ito para makaiwas irritation ang mata. Tandaang senstibo ang mga mata kapag may kuliti.
Pagdadampi ng maligamgam na tea bag sa bahagi ng mata na may kulitiMakakatulong umano ang tea bag para sa kuliti sa mata. Nakakatulong umano kasi ito sa pagbabawas ng pamamaga ng mata at mayroon din itong antibactiral properties na makakatulong sa mata na may kuliti.
Ang gawin lamang ay maglagay ng mainit na tubig sa baso at ilagay ang tea bag. Pagkatapos ay tanggalin ito matapos ang isang minuto. Hintayin munang maging warm ito pagkatapos idampi sa mata na may kuliti. Gawin ito sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
I-massage ang bahagi ng mata na may kuliti para matulungan itong ma-drain ang nana o oilsDahan-dahang masahin ang bahagi ng mata gamit ang kamay. Siguraduhing malinis ang inyong kamay dahil baka ma-irritate lalo ito at mapasukan pa ng iba pang bacteria.
Kapag sumasakit na ang pagmamasahe ay itigal na ito. Makakatulong ito para ma-promote ang drainage sa kuliti sa mata.
Pag-iwas sa pagkakaroon ng kulitiPara maiwasan ang pagkakaroon ng kuliti at ang pagkalat nito, narito ang ilang bagay na dapat tandaan:
Maghugas ng kamay – Ugaliin ang paglilinis ng kamay gamit ang tubig at sabon o hand sanitizer na may alcohol bago hawakan ang mata. Ugaliin ding linisin ang talukap ng mga mata kapag naghihilamos. Pwede ring linisin ang eyelids gamit ang bulak na may tubig at diluted baby shampoo paminsan-minsan. Iwasan ang paghawak sa mata lalo na kung marumi ang iyong mga kamay. Iwasan rin ang paglalagay ng mga bagay sa malapit sa iyong mata gaya ng lumang eye makeup. Siguruhing malinis ang mga contact lens – Kung gumagamit ng mga contact lens, siguraduhing malinis ang mga kamay bago hawakan ang mga contact lens. Sundin ang tamang pag-disinfect sa mga ito. Iwasan ang paggamit ng tuwalya at unan ng iba para makaiwas sa kuliti o iba pang nakakahawang sakit.Madaling maiwasan ang pagkakaroon ng kuliti. Ang pagiging malinis sa sarili ang pinakauna at epektibong paraan para hindi magkaroon nito.
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa kuliti sa bata o tungkol sa kalusugan ng iyong anak, huwag mag-alinlangan na kumonsulta sa iyong doktor.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Mayo Clinic, URMC, Kids’ Health
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.