Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Lady Pills: Tamang pag-inom, benepisyo at side Effects

$
0
0

Lady pills paano inumin at anu-ano ang benepisyo at side effects na mararamdaman sa pag-inom nito.

Mababasa sa artikulong ito:

Ano ang Lady Pills? Side effects ng pag-inom ng Lady pills Benepisyo ng pag-inom ng Lady pills Tamang pag-inom ng Lady pills Ano ang Lady Pills

Ang Lady pills ay isa sa mga contraceptive pills na ginagamit ng karamihang Pilipinong babae. Dahil maliban sa mura ito sa halagang P50.50 kada pakete ay marami ang babaeng nagsasabing hiyang sila sa paggamit nito. Dagdag pa na mabibili ito sa mga drugstores o botika sa buong bansa.

Kung titingnan at kung babasehan ang presyo ay maihahalintulad ang Lady pills sa Trust pills. Una, dahil pareho ang manufacturer ng dalawang pills.

Pangalawa, tulad ng Trust pills ito ay isang combined oral contraceptive na mayroong 28 piraso ng pill sa isang pakete. Ito ay may 21 active beige tablet pills na may taglay na levonorgestrel 150 mcg at ethinyl estradiol, 30 mcg. Habang ang 7 white tablet pills naman nito ay nagtataglay ng 40 mg na lactose.

Pareho rin ang active ingredient na taglay ng Trust at Lady pills. Sila’y may taglay ng dalawang active ingredient. Ang isa ay ang ethinyl estradiol, isang synthetic version ng estrogen at levonorgestrel na artificial form naman ng hormone na progestin.

May dalawang bagay lang na pinagkaiba ang dalawang pills. Una ang dosage ng hormone na levonorgestrel sa Lady pills ay mas mataas ng 25 microgram sa Trust pills. May taglay ring iron ang Trust pills habang lactose naman ang taglay ng Lady pills.

Ang Lady pills ay ginagamit bilang contraception at panggagamot sa menstrual disorders tulad ng dysmenorrhea, premenstrual syndrome, at menorrhagia.

Tinuturing din itong emergency contraceptive pills kung saan maaari nitong mapigilan ang pagbubuntis kapag nainom sa loob ng 72 hours matapos ang unprotected sex.

Image from MIMS

Side effects ng pag-inom ng Lady pills

Ang oral contraceptive pills ang isa sa mga inaral at sinaliksik mabuti sa kasaysayan ng modern medicine, at matagal nang itinatag ang kaligtasan ng pag-inom nito.

Ilan sa mga side effects na pwedeng maramdaman ng babaeng umiinom nito ay: Pananakit ng ulo Pananakit ng tiyan Pagduduwal Pagsusuka Pananakit ng puson Pagbabago sa appetite Breast tenderness Pagbabago sa timbang Libido o kawalan ng gana sa sex Depressive moods Problema sa atay

Karamihan ng kababaihan na nagamit nito ay hindi naman nagkakaroon ng problema kahit matagal nang umiinom ng pills. Pero maaari pa ring mag-abiso ang mga doktor para sa kaligtasan at panganib ng matagalang gamit ng birth control ayon sa iyong medical history.

Gayunpaman, karamihan sa long-term birth control methods ay naglalaman ng hormones, at maaaring magdulot ng mga problema sa isang tao.

Depende ito sa medical history, edad, at pangkabuoang kalusugan. Maaaring mag-abiso ang doktor sa ilang pasyente ng mga pills na dapat iwasan.

Kung ang birth control pill ay nagdulot ng mga side effects, magpakonsulta sa doktor at magpalit ng pills hanggang sa mahanap ang pills na hiyang sa’yo.

Benepisyo ng pag-inom ng Lady pills

Tulad ng ibang pills ang Lady pills ay ginagamit upang mapigilan ang pagbubuntis. Umeepekto ito sa pamamagitan ng pagpigil sa ovary ng babae na mag-release ng egg cell.

Pinapakapal rin ito ang vaginal fluid ng babae na hinaharangan at pinipigilan rin ang sperm cell ng lalaki na marating at ma-meet ang egg ng cell babae.

Binabago rin nito ang lining ng uterus ng babae dahilan upang hindi kumapit dito ang fertilized egg at pagsimulan ng pagbuo ng sanggol.

Maliban sa mga ito ay ginagawa rin nitong regular ang monthly period ng isang babae. Iniibsan din nito ang sakit na dulot ng regla o dysmenorrhea. At binabawasan ang tiyansa ng isang babae na magkaroon ng ovarian cysts at nilulunasan ang acne.

Dagdag pa ng users ng Lady pills napansin nilang mas kuminis ang balat nila habang ginagamit ito. At mas lumaki ang kanilang suso.

Ang ganitong pills ay ginagamit din bilang gamot sa mga sakit tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at endometriosis o uterine fibroids. Sinasabing nakakapagpababa rin ito ng risk sa pagkakaroon ng ovarian cancer, uterine cancer, at colon cancer.

Tandaan din na ang paggamit ng contraceptive na ito ay hindi nagbibigay ng garantiya na maproprotektahan ang isang babae sa pagkakaroon ng sexually transmitted disease.

Image from Freepik

BASAHIN:

Trust pills: Benepisyo, side effects at presyo

10 na maling paniniwala tungkol sa pag-inom ng contraceptive pills

Contraceptive pills, mabisa bang gamot para hindi mabuntis?

Tamang pag-inom ng Lady pills

Samantala ang tamang pag-inom ng Lady pills ay dapat simulan sa unang araw ng regla o menstruation ng isang babae. Saka tuloy-tuloy na inumin ito araw-araw at hanggat maari sa parehong oras.

Ang regla ay maaring dumating dalawang araw matapos inumin ang kulay beige na tablet pills. At kailangang magsimula ng panibagong pakete sa oras na maubos na ang huling puting tablet pill.

Kung sakali namang malimutang uminom ng isang pill sa oras ay agad na inumin ang missed pill kapag ito ay iyong naalala. Dapat ito ay hindi lalagpas ng 12 oras mula sa scheduled time ng iyong pag-inom.

Saka inumin ang sumunod na pill sa parehong oras, Nangangahulugan ito na maaring uminom ng dalawang pill sa isang araw. Siguraduhin lang na ang mga susunod na pill ay iinumin sa parehong oras na araw-araw.

Sa oras naman na makalimutan mong uminom ng dalawang active pills sa una o pangalawang linggo ng pag-inom ng Lady pills ay uminom ng tig-dalawang pills sa isang araw sa loob ng dalawang araw na magkasunod.

Saka ipagpapatuloy ang pag-inom ng mga natirang pills ng isa kada araw sa parehong oras. Mas makakabuti ring gumamit ng back-up birth control method tulad ng condom sa mga susunod na pitong araw para makasigurado.

Image from Freepik

Kung nakalimot namang uminom ng 3 active beige pills ay agad na komunsulta sa iyong doktor ng dapat gawin. Dahil maaaring ipagpatuloy mo ang pag-inom ng pills sa mga susunod na araw.

O kaya naman ay kailangan mo ng itapon ang tirang pills at magsimula ng panibagong pakete. Ito ay nakadepende sa araw na sinimulan mo ang paggamit ng Lady pills.

Sa ganitong pagkakataon, mas mabuting umiwas munang makipagtalik o gumamit ng back-up contraceptive method tulad ng condom.

Sino ang maaaring gumamit ng levenorgestrel + ethinyl estradiol pills?

Ang paggamit ng levenorgestrel at ethinyl estradiol pills ay nakakapagpataas ng panganib sa pagkakaroon ng blood clots, stroke at heart attack.

Lalo na kung ikaw ay mayroong high blood pressure, diabetes, high cholesterol, o kung overweight. Mataas ang panganib ng atroke o blood clot sa unang taon ng pag-inom ng birth control pills.

Mataas din ang panganib nito kapag muling gumamit nito matapos huminto ng apat na lingo o higit pa.

Huwag gumamit kapag naninigarilyo.

Mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng blood clots, stroke at heat attack kung ikaw ay naninigarilyo. Mas tumataas ang panganib habang tumatanda at habang lumalakas sa paninigarilyo. Huwag gumamit ng combination birth control pills kung ikaw ay naninigarilyo at nasa higit 35 taomng gulang.

Huwag gumamit kung buntis.

Tigilan ang paggamit ng pills kapag buntis o magsabi agad sa doktor kapag napag-alaman na buntis o hindi dinatnan ng menstruation ng dalawang beses. Kung ikaw naman ay bagong panganak, maghintay muna ng apat na lingo bago ulit gumamit ng pills.

Huwag ding gumamit ng birth control pills kung ikaw ay may: Hindi nagamot o nacontrol na high blood pressure; Sakit sa puso; Circulation problems (lalo na kung dahil sa diabetes); History ng hormone-related cancer, o breast cancer, uterus/cervix, o vagina; Hindi pangkaraniwan na pagdudugo na hindi pa napapakonsulta sa doktor; Sakit sa atay o liver cancer; Umiinom ng gamot para sa Hepatitis C na may ombitasvir/paritaprevir/ritonavir (Technivie).

Ang paggamit din ng pills na ito ay nakakapagpababa ng produksyon ng gatas kaya’t huwag magpasuso habang umiinom ng pills na ito.

Dapat tandaan

Ang Lady pills ay maari ring gamitin bilang emergency contraceptive. Ngunit para mas magabayan tungkol dito mas mabuting magtanong muna sa iyong doktor.

Dahil ang pills na ito ay hindi maaaring basta inumin ng isang babae. Lalo na ang mga nagpapasusong ina, may varicose veins at blood clot history sa pamilya. Pati na ang may mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, liver disease, breast at cervical cancer.

Kaya bago gumamit ng contraceptive na ito ay makipag-usap muna sa iyong doktor. Dahil siya lang ay may sapat na kaalaman sa tamang paggamit nito na angkop sa katawan at kalusugan mo.

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas

WebMD, Watsons Ph, Drugs.com. WebMD, MIMS Ph, Cleveland Clinic, Medical News Today

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>