Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5472

Anemia: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na ito

$
0
0

Pamumutla at panghihina ang unang sintomas ng anemia. Alam mo bang maaaring warning sign ito ng mas malubhang karamdaman?

Mababasa sa artikulong ito:

Ano ang anemia Sintomas ng anemia at mga uri nito Mga dapat kainin ng isang taong anemic Mga gamot at bitamina para sa anemic na tao

Walang pinipili ang anemia—bata man o matanda, kapag tumigil ang pagdami ng malusog na red blood cells o hemoglobin ang katawan, maaaring magkaron ng sakit na ito. Kaya namang maging aware sa mga sintomas ng anemia upang maging handa kung sakaling makakaramdam nito.

Narito ang FAQs o pinakakaraniwang katanungan tungkol sa kondisyong ito na dapat maagapan nang maaga para maiwasan na maging malubha.

Ano ang anemia?

Ito ay isang karaniwang blood condition, kung saan natitigil ang pag-prodyus ng hemoglobin o red blood cells and bone marrow, o di kaya ay “abnormally low” ang produksiyon nito, paliwanag ni Dr. Carlo Palarca, MD, isang internist.

May tatlong uri ng blood cells: white blood cells para labanan ang anumang impeksiyon, platelets para tumulong labanan ang blood clot, at red blood cells para dalhin ang oxygen sa buong katawan. Kapag kaunti o wala nang hemoglobin, walang makukuhang oxygen ang mga cells ng katawan, kaya’t manghihina ito.

Mayron ding 3 sanhi ng anemia: blood loss, pagtigil ng red blood cell production, at ang mabilis na pagkasira ng red blood cells.

Maraming uri ng anemia, at ang bawat isa ay may partikular na sanhi. Ang iron deficiency anemia ang pinakakaraniwang uri. Ang vitamin deficiency anemia naman ay ang kakulangan sa iron.

Pati na rin folate at vitamin B-12, para makapag-prodyus ng sapat na red blood cells. Kapag kulang sa mga nutrients na ito ang katawan, maaaring humina ang red blood cell production.

Ayon sa Medical News Today, may mga kaso naman kung saan ang katawan ay hindi kayang i-proseso ang bitamina, kahit na kumukunsumo pa ng sapat na B-12, kaya’t nagkakaron pa din ng vitamin deficiency anemia, o ang tinatawag na pernicious anemia.

Tanging ang doktor lang ang makakapagbigay ng diagnosis ng anemia sa pamamagitan ng physical exam at blood tests.

May panganib nga ba na magkaroon ng anemia ang buntis?

Kapag nagbubuntis, kailangan ng iron supplement para makatulong na magkaron ng sapat na red blood cells, at maiwasan ang anemia.

Nangyayari din ang iron deficiency kapag nakakaranas palagi ng heavy menstrual bleeding, ulcer, cancer at madalas na paggamit ng over-the-counter pain relievers, lalo na ang aspirin.

Ano ang pangunahing sintomas ng anemia?

Dahil nga mababa ang bilang ng red blood cells, mapapansin kaagad ang pamumutla, at sunod ay ang labis na panghihina dahil hindi maaayos ang mga organs ng katawan.

Iba-iba rin ang mga sintomas ng anemia, depende kasi sa uri ng anemia. Karaniwang mabigat ang pakiramdam, giniginaw, nahihilo, at iritable, hirap huminga at masakit ang ulo palagi.

Kapag pinakinggan ang heartbeat, maririnig na irregular ito, at madalas din ay naninikip ang dibdib. May mga nakakaramdam ng madalas na panlalamig ng mga kamay at mga paa.

Habang lumalala ang kondisyon, mas marami ang mararamdamang sintomas at mas madalas din ito.

Ang mga kababaihang nagbubuntis ay “susceptible” sa iron-deficiency anemia dahil na rin sa increased blood supply demands habang nagbubuntis.

Sintomas ng anemia: Pamumutla Panghihina Namamanhid madalas ang binti Paninikip ng dibdib, buto, tiyan at kasukasuan Pagkahilo o pakiramdam na parang hihimatayin Panlalamig ng kamay at binti May problema sa pagtaas ng height (para sa mga bata at teens) Kinakapos sa paghinga

Sintomas ng anemia | Image from Freepik

Bukod sa sintomas ng anemia, ano pa ang mga uri nito? 1. Anemia dahil sa pagkawala ng dugo

Maaaring bumaba ang iyong red blood cells dahil sa pagdurugo. Maaari itong unti-unting mangyari nang hindi mo napapansin. Ang mga maaaring sanhi nito ay:

Gastrointestinal conditions tulad ng ulcers, hemorrhoids, gastritis (pamamaga ng tiyan), at cancer Non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng aspirin o ibuprofen, na maaaring magdulot ng ulcer at gastritis Menstruation para sa mga babae, lalo na kapag malakas nang menstruation o heavy period. Maaari itong maiugnay sa hemorrhoids. Post-trauma o pos-surgery 2. Anemia dahil sa mababang produksyon ng red blood cells

Sa ganitong uri ng anemia, hindi nakakagawa ng sapat na red blood cells ang iyong katawan o hindi nito nagagampanan ang kanyang trabaho.

Maaari itong mangyari kapag mayroong mal isa iyong red blood cells o dahil hindi sapat ang minerals at vitamins sa iyong red blood cells. Ang mga kondisyon na nauugnay sa mga dahilan ng anemia na ito ay kinabibilangan na:

Problema sa bone marrow at stem cell Iron-deficiency anemia Sickle cell anemia Vitamin-deficiency anemia, partikular na ang b12 o folate 3. Problema sa bone marrow at stem cell

Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng red blood cells ng iyong katawan. Ang ilan sa mga stem cell na nasa loob ng marrow sa gitna ng iyong mga buto ay maaaring ma-develop bilang red blood cells.

Kung walang sapat na stem cell, hindi ito gagana ng maayos, o kapag napalitan ito ng ibang cells tulad ng cancer cells, maaari kang magkaroon ng anemia. Ang anemia na dulot ng problema sa bone marrow o stem cells ay kinabibilangan ng:

Apalastic anemia. Nangyayari kapag walang sapat na stem cells. Lead poisoning. Nagiging dahilan ng pagkonti ng red blood cells. Thalassemia. Nangyayari kapag may problema sa hemoglobin formation. 4. Iron-deficiency anemia

Nangyayari ito kapag walang sapat na mineral iron sa iyong katawan. Ang iyong bone marroway nangangailangan ng iron upang makagawa ng hemoglobin, ang bahagi ng red blood cell na nagdadala ng oxygen sa iyong mga organ. Ang iron-deficiency anemia ay maaaring dulot ng:

Diet na walang sapat na iron, lalo na sa sanggol, bata, teenagers, at vegetarians Ilang mga gamot, pagkain, at caffeinated na inumin Digestive conditions tulad ng Crohn’s disease, o kung mayroong bahagi ng iyong tiyan o small intestine na tinanggal Madalas na pag-donate ng dugo Endurance traing Pagbubuntis at pagsususo na gumagamit ng iron mula sa iyong katawan Menstruation Chronic slow bleed na kadalasan ay mula sa gastrointestinal source 5. Sickle cell anemia

Ang red blood cells na kadalasang hugis bilog ay nagiging crescent-shape dahil sa problema sa genes. Ang crescent-shaped red blood cells ay maaaring maipit sa maliliit na blood vessels at magdulot ng pananakit.

6. Vitamin-deficiency anemia

Nangyayari ito kapag hindi ka nakakakuha ng sapat na vitamin B12 at folate na parehas kailangan upang makagawa ng red blood cells. Ang ganitong klaseng anemia ay maaaring dulot ng:

Dietary deficiency. Kung kaunti lamang ang kinakain na karne o hindi kumakain ng karne, maaaring hindi ka makakuha ng sapat na vitamin B12. Kung overcooked ang kinakain na gulay o hindi kumakain ng sapat na gulay, maaaring hindi ka makakuha ng folate. Megaloblastic anemia. Kapag hindi ka nakakakuha ng vitamin B12, folate, o parehas. Pernicious anemia. Kapag hindi nakaka-absorb ng sapat na vitamin B12 ang iyong katawan. 7. Anemia na nauugnay sa iba pang chronic conditions

Nangyayari ito sa long-standing inflammation na nakakapagpabagal ng produksyon ng bone marrow ng red blood cells sa iba’t ibang paraan.

Advanced kidney disease Hypothyroidism Katandaan Long-term disease tulad ng cancer, impeksyon, lupus, diabetes, at rheumatoid arthritis 8. Anemia na dulot ng destruksyon ng red blood cells

Kapag hindi kinakaya ng red blood cells ang stress na dumadaloy sa iyong katawan, maaari itong pumutok, at maging dahilan ng hemolytic anemia. Hindi man malinaw ang mga sanhi ng hemolytic anemia, pero ilan dito ay kinabibilangan ng

Pag-atake sa iyong immune system katulad sa lupus. Kondisyon na naipapasa sa genes, tulad ng sickle cell anemia, thalassemia, at thrombotic thrombocytopenic purpura (TTP) Enlarged spleen Bagay na nagbibigay ng strain sa iyong katawan, tulad ng impeksyon, droga, venom ng ahas o gagamba, o piling mga pagkain Toxins mula sa advanced liver o kidney disease Vascular grafts, grafts, prosthetic heart valves, tumors, severe burns, being around certain chemicals, severe hypertension, at clotting disorders Pasa sa katawan na dulot ng anemia

Larawan mula sa Shutterstock

Ang pagkakarooon ng iron deficiency anemia ay nagdudulot sa balat na mangati at madaling kapitan ng mga pasa.

Ang balat na nasugatan at nagkaroon ng pasa ay maaaring magdulot ng rash-like appearance sa balat.

Maaaring masabing anemia angdahilan ng iyong mga rashes dahil sa ibang sintomas na kasama nito. Ang mababang bilang ng platelet na nangyayari kasama ang aplastic anemia ay maaaring magkaroon ng ibang sintomas na kinabibilangan ng:

Maliliit na pasa sa balat Pagdurugo ng ilong at ng gums Dugo sa dumi Problema sa paningin na dulot ng pagdurugo ng retina Heavy menstrual bleeding sa kababaihan Gamot sa mga pasa na dulot ng anemia

Kinakailangang matugunan ang underlying cause nito at maibalik ang produksyon ng blood cell ng katawan.

Ang aplastic anemia ay nauuri ng non-severe, severe, o very severe. Nakabase ito sa blood count ng isang tao at makakatulong na matukoy ang kinakailangang treatment plan. Mas malala ang kondisyon kapag mas mababa ang bilang ng blood cell.

Ang treatment para sa aplastic anemia ay kinabibilangan ng:

Blood transfusion Blood and marrow stem cell transplant Pag-inom ng medisina

Maaaring magbigay ng gamot para makamit ang mga sumusunod:

Ma-stimulate ang bone marrow I-suppress ang immune system Maiwasan at gamutin ang mga impeksyon May mga uri nga ba ang anemia na nakamamatay?

Larawan mula sa Shutterstock

Oo. Ang anemia of chronic disease ay dala ng iba pang mas malubhang karamdaman tulad ng cancer, HIV/AIDS, rheumatoid arthritis, kidney disease, Crohn’s disease at iba pang chronic inflammatory diseases.

Ang aplastic anemia naman ay isang uri ng life-threatening anemia na sanhi ng hindi sapat na pag-prodyus ng red blood cells ng katawan, impeksiyon, autoimmune diseases at exposure sa mga toxic chemicals.

Mayron ding sanhi ng kondisyon ng bone marrow tulad ng leukemia at myelofibrosis na nakakaapekto sa blood production ng bone marrow.

Namamana ba ito?

Oo, literal na “nasa dugo” ang kondisyong ito, at may mga uri ng anemia na hereditary, mula pagkapanganak o pagkabata pa lang.

May mga bata o matandan na nagkakaron ng anemia dahil sa hindi pagkain ng sapat na masustansiyang pagkain, o di kaya ay may iba pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng anemia.

Mga maaaring gamot sa anemic na tao

Ang paggamot ay depende sa kung anong uri ng anemia ang nararamdaman ng pasyente. Una na rito ang pagbabago ng mga kinakain, para masigurong mayaman sa iron at folate at iyong diet.

May mga nakukuha sa mga gamot at supplements, pero madalas din ay nangangailangan ng medical procedures, paliwanag ni Dr. Palarca.

Kung ang anemia ay sanhi ng isang chronic disease, may angkop na paggamot para sa uri ng karamdaman o kondisyon. Kung ito ay aplastic anemia, halimbawa, maaaring irekumenda ng doktor na kumunsulta sa hematologist para sa isang bone marrow biopsy para malaman kung ano ang sanhi ng anemia. May medikasyon at blood transfusions para magamot ang aplastic anemia.

Ano ang kailangang kainin para labanan ang anemia? May vitamins ba para dito?

Bukod sa mga gamot sa anemic na tao, mapipigilan ito ng mga vitamins. Kailangan ng katawan ng iron, vitamin B-12, folate at iba pang nutrients, at makukuha ito sa piling pagkain at supplements. Nalalabanan at nasasangga ang pagkakaron ng ilang uri ng anemia sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya, lalo na kung mayaman sa iron.

Mga dapat kainin ng taong anemic 1. Berdeng gulay

Masustansiya namang talaga ang mga berdeng gulay, lalo na kung dark green ito, tulad ng spinach, kale, Swiss chard at collard greens na mayaman sa folate.

Sintomas ng anemia | Image from Unsplash

2. Citrus fruits, beans, at whole grains ay mayaman din sa folate.

Isa sa mga dapat kainin ng taong anemic ay ang mga pagkaing mayaman sa folate. Kalad ng mga gulay, prutas, nuts o grains.

3. Pagkaing may Vitamin C

Kung isasabay ang pagkain ng berdeng gulay sa pagkaing may vitamin C tulad ng oranges, red pepper, at strawberries, mas magiging epektibo ang iron absorption.

4. Karne

Lahat ng meat at poultry ay may heme iron. Ang red meat at lamb ay pinakamainam na source ng iron. Bagamat hindi gaanong kahitik ang poultry at manok, mabuting sanhi pa rin ito ng iron. Lalo na kung kasabay sa pagkain ng berdeng gulay.

5. Atay

Isa sa mga dapat kainin ng taong anemic ay ang mga pagkaing mayaman sa iron at folate, kasama na ang iba pang “organ-meat” tulad ng puso, kidney, at dila ng baka.

6. Seafood

Anumang shellfish tulad ng oysters, clams, at hipon ay mayaman sa iron. Dagdag pa dito ang mga uri ng isda tulad ng sardinas at tuna, de lata man o sariwa, salmon, halibut, at perch. Tandaan na ang mga pagkaing mayaman sa calcium tulad ng delatang salmon, gatas, yoghurt, atbp., ay hindi dapat na sinasabay sa pagkain ng iron. Nakahahadlang ito sa absorption ng iron sa katawan.

Sintomas ng anemia | Image from Unsplash

7. Beans

Kung vegetarian at hindi makakakuha ng iron sa karne, beans ang alternatibo, bagamat rekumendado pa rin ito kahit hindi vegetarian. Nariyan ang kidney beans, chickpeas, soybeans, black-eyed peas, pinto beans, black beans, peas, at lima beans.

8. Nuts at seeds

Nariyan ang pumpkin seeds, kasuy, pistachios, hemp seeds, pine nuts, at sunflower seeds.

9. Foods with iron

tulad ng fortified orange juice, cereals, white bread, pasta, pagkaing galing sa cornmeal, at white rice.

10. Cereal

Ang almusal ang pinakamagandang oras para kumonsumo ng iron. Ang cream ng wheat o bran at oat cereal ay mayaman sa iron at magandang opsyon na kainin sa umaga.

11. Itlog

Anumang luto ng itlog – scrambled, boiled, sunny-side up – ay makakakuha ka ng sapat na iron. Maaaring sabayan ng wheat bread para mas madagdagan ang iron na ma-konsumo ng katawan. Ngunit kung ang pagkain nito ay sasabayang inuman ng kape o tea ay maaaring mapigil ang absorption ng iron.

12. Sariwang prutas

Ang pakwan ay higit pa sa isang nakakapreskong pagkain sa tag-araw. Ang isang maliit na hiwa nito ay maaaring magbigay sa iyo ng .69 mg ng iron. Habang ang isang saging ay may .36 mg.

Mga vitamins para sa anemic

Larawan mula sa Shutterstock

May mga iron supplement na maaaring inumin para madagdagan ang iron at vitamins na kailangan ng katawan upang maiwasan ang anemia at ibang sakit na maaaring maging dulot nito.

Tandaan na dapat sundin ang tagubilin ng doktor o ang label ng produkto kung kailan at gaano kadalas iniinom ang food supplement.

Kadalasang kailangan ng mga matatanda ang mga dieatary supplements na may taglay na mga sumusunod:

Vitamin B-12 — 2.4 micrograms (mcg) Folate or folic acid — 400 mcg Vitamin C — 75 to 90 milligrams

Para naman sa mga buntis o breastfeeding na nanay ay nire-require at mas marami para sa bawat vitamins.

Maaari ring ikonsidera ang pag-inom ng multivitamin

Kung concern ka patungkol sa hindi enough na vitamins na nakakukuha mo sa iyong kinakain maaaring tanungin ang iyong doktor kung ano ang multivitamin na maaari para sa iyo.

Ayon sa mga doktor, nangangailangan ng mula 150 hanggang 200 milligrams ng iron sa araw-araw. Sa umpisa pa lang na malamang may anemia, kailangang matugunan kaagad ang iron deficiency. Ito ay para malabanan ito at mabawi ang reduced red blood cells.

Walang iisang pagkain na mayaman sa iron ang makakagamot sa anemia. Siguraduhing makakain ng lahat ng uri ng pagkain para lubos ang paggaling.

Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate

WebMD, VeryWellHealth, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5472

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>