Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-3 buwan

$
0
0

Sa 3 buwan na development ng baby, mas mulat na siya sa kaniyang mundong ginagalawan. Hindi na rin “newborn” ang tawag sa kaniya. Siya na ay isang ganap na “infant.”

Ayon sa World Health Organisation (WHO), sa ika-28 na araw mula pagkapanganak ng bata, mas mataas ang panganib sa kalusugan at mortality niya, kaya’t dapat na doble at mas maigting ang pag-iingat at pag-aalaga.

Kahit pa umabot na si baby sa susunod na lebel, marami pa din itong dapat na matutunan. Patuloy kang mamamangha sa kakayanan na bawat araw ay natututunan niya.

 

3 Buwan development ng baby: Physical development

Upper-body strength
Sa 3-buwang gulang, mas malakas na ang neck muscles niya kapag nakadapa, at kaya na niyang suportahan ang ulo at dibdib niya gamit ang braso at kamay.

Lower-body strength
Kapag nakadapa, malakas na ang pagsipa at pag-iinat ng bata, dahil malakas na ang katawan niya, lalo ang lower body.

Neck strength and control
Ang leeg ni baby ay malakas na din, at kayang kaya na niya ang sarili niya, lalo na ang ulo niya, kapag kinarga ng patayo.

Hand-eye coordination
Masaya siyang naglalaro ng “close-open”—bukas sara ang kamay, at nakakapalakpak. Inaabot niya na ang mga bagay sa harap niya, at patuloy na dinidiskubre ang paligid niya gamit ang mga kamay.

Kamay sa bibig
Magiliw niyang inaabot lahat ng kaya nyang abutin, dinadakma at mahigpit ang hawak. Pagkatapos ay isusubo ito, o titingnan. Siguraduhing lahat ng mga bagay sa abot-kamay niya ay ligtas at walang maliliit na pwedeng maisubo at makabara sa lalamunan at paghinga niya. Alamin ano ang mga choking hazards at ilayo o itago ang mga ito.

Pag-ikot
Magsisimula na siyang magtangkang umikot at dumapa kapag nakahiga, o humiga kapag nakadapa, kaya’t siguraduhing hindi siya iiwan nang mag-isa sa kama o changing table at baka mahulog siya.

 

3 Buwan development ng baby: Sensory development

Pandama o touch
Mahilig na siyang humawak at kumapa ng mga bagay bagay sa paligid niya. Makakatulong na bigyan siya ng mga bagay na may iba-ibang texture.

Pandinig
Mapapansing naibabaling na niya ang ulo sa direksiyon ng ingay o tunog na naririnig. Ngumingiti rin siya at tumatahan sa pag-iyak kapag naririnig ang malumanay na boses ni Mommy o Daddy, at saka napapangiti. Kagigiliwan niya ang pakikinig sa mga musika. Subuking paringgan siya ng iba’t ibang uri ng tugtog o musika, lalo na ang classical music na mabuti rin para sa brain development ng mga sanggol.

Paningin
Tingnan ang bata sa mata at titingnan ka din niya. Mahilig din siyang tumingin sa salamin, at pagmasdan ang sariling reflection.

 

3 Buwan development ng baby: Cognitive development

Cause and effect
Mapapansin na kapag tumitingin si baby sa mga laruang nakasabit tulad ng crib mobile, dadakmain at hahampasin ito, at papanoorin niyang gumalaw. Dito niya natututunan ang konsepto ng cause and effect, at gagawa ng libo-libong koneksiyon sa kaniyang utak, habang natututo ng bagong kakayahan.

May mga sinusundang bagay (gamit ang paningin)
Kapag may bagay na gumagalaw sa harapan niya, sinsundan ito ng tingin ni baby. Gumagana ang mga mata niya para mag-focus sa mga gumagalaw na bagay, tulad ng laruan o kamay.

Palangiti na
Sadyang kay tamis ng ngiti ni baby, pero hindi na ito para kay Mommy at Daddy lang. Madalas na siyang ngingiti sa mga tao na makikipag-usap at makikipaglaro sa kaniya.

Palakaibigan
At dahil nga palangiti ito at masayahin, magtatangka na rin itong makipag-“kaibigan” sa mga nakikita o nakikilala niya, pati na sa sariling reflection sa salamin.

Emosiyonal
Ngayon ay sinusubukan na niyang maintindihan ang mga emosyon at paraan ng komunikasyon ng mga nakikilala niya. Iniisip niya ang koneksiyon ng sinasabi sa kaniya at mga nakikita niyang facial expressions.

 

3 Buwan development ng baby: Speech development

Komunikasyon
Hindi na pag-iyak lang ang paraan ng pakikipag-usap ni baby ngayon. Kaya na niyang bumigkas ng mga pantig tulad ng ba-ba-ba, da-da-da.

Baby talk
Kapag madalas na kinakausap ang bata, mabilis itong matututong magsalita. Bawat salita, bawat tunog ay mahalaga sa pagkatuto niya. Basahan din siya at kantahan, dahil ito ang masaya at mas epektibong paraan ng pagkatuto ng pagsasalita at expression.

Baby games
Ang interaksiyon na dala ng paglalaro ay mahalang bahagi ng development. Anong mga laro ang dapat na ipakilala kay baby sa edad na ito?

Once Upon A Time
Hindi man niya naiintindihan ang mga salita, hindi man ito nakakabasa pa, ang pagbabasa sa kaniya sa murang edad ay magtuturo sa kaniya ng mga tunog, salita, at language na dapat niyang matutunan sa kinabukasan. Dagdag pa dito ang simula ng pagkagiliw niya sa pagbabasa at mga libro.

Kailangan lang ng: Baby books na may makulay na larawan
Skill development: Vision, language, speech

Reach and Grab
Dahil mas malakas na ang leeg niya at may kontrol na siya ng ulo, makakatulong ang mga larong may inaabot siya at dinadakma.

Bigyan siya ngm ga makukulay na toy rings o baby rattles para hawakan at paglaruan. Siguraduhing anumang laruan, ay ligtas na isubo ni baby (hindi madumi, hindi nakakabara sa lalamunan)

Kailangan lang ng: Toy rings, baby rattles, makukulat at age-appropriate toys
Skill development: Motor skills, hand-eye coordination

Flower Power
Marami siyang nakikilala at nakikitang mga tao, at ginagamit niya ang pang-amoy para malaman kung kilala niya o hindi ang mga ito.

Mangolekta ng iba’t -ibang bagay na may amoy tulad ng bulaklak, cookies, spices, at idaan sa ilong ng bata (huwag matagal o huwag ibabad), at tingnan kung alin ang mga amoy na gusto niya o kagigiliwan niya.

Kailangan lang ng: bulaklak, spice, cookies o iba pang bagay na may malakas na amoy.
Skill development: Pang-amoy

Touchy Feely
Dahil nga gusto niyang humawak ng humawak ng kung anu-anong bagay, at sensory ang paraan niya ng pagkatuto, bigyan siya ng mga bagay na may iba-ibang texture tulad ng malambot, matigas, maligasgas, makinis, basa, at iba pa.

Kailangan lang ng: Iba’t ibang bagay na may iba-ibang texture
Skill development: Pandama, Motor skills

 

Iba pang tips

Saan man magpunta, paniguradong napakaraming mga taong may ipapayo at sasabihin tungkol sa pag-aalaga ng bata. Huwag magalala, at huwag ma-overwhelm. Salain ang mga impormasyon at magbas ng iba’t ibang artikulo at libro tungkol sa gustong malaman na paksa. Pakinggan din ang sariling instinct at sundin ang nasasaloob.

 

Growth spurt

Mabilis na tatangkad at papayat si baby dahil nga kumikilos na siya, hindi dahil kulang siya sa nutrisyon. HUwag mabahala. May unang growth spurt kasi na nagaganap kung saan ang mga buto at muscles niya ay lumalaki, at mga binti, bisig, paa, kamay ay humahaba.

 

Pagtulog sa gabi

Maraming mga baby ang kaya nang matulog ng hindi nagigising sa buong magdamag. Huwag mag-alala kung hindi pa ito nagagawa ni baby. Tandaan na iba-iba nga ang pag-abot ng milestone ng bawat bata.

May mga sumusubok ng iba’t ibang paraan ng pagpapatulog o sleep method, tulad ng Ferber method (pinapabayaang umiyak ang bata, at hindi ito kinakalong o kinakarga, hanggang mapagod at makatulog).

Sundin ang “gut feel” at kung ano ang sa tingin at palagay mo ang bagay at dapat para sa anak.

 

Huwag munang pakainin ng solids

May mga magpapayo din na pwede nang pakainin si baby ng mga solid foods (tulad ng paghahalo ng baby rice cereal sa gatas ni baby) para makatulong na makatulog siya.

Mabuti nang huwag itong pansinin o gawin, dahil ang doktor lang ang tanging makakapagsabi kung ano nararapat sa kalusugan ni baby. May mga pag-aaral na ring nagsabi na nakakasama ang mga ganitong “premature” na gawain dahil hindi pa nga tuluyang developed ang digestive system ng bata sa ganitong edad.

Kapag maaga daw pinakain ng solid food, pwedeng maging obese, o kaya ay magkaron ng allergic reaction o digestive problems ang bata. Dagdag pa ang panganib na mabulunan ito at hindi makahinga.

Sa ika-6 na buwan pa dapat pakainin ng solids si baby. Hingin ang payo ng doktor ni baby bago gawin ito.

 

Kailan dapat mag-alala

  • Kapag hindi nag-rereact sa ingay (binagsak na pinto, malakas na music, busina ng kotse)
  • Hindi tinitingnan ang sariling kamay
  • Hindi ngumingiti kapag kinakausap o nilalaro
  • Hindi sinusundan ng tingin ang mga bagay na gumagalaw
  • Hindi humahawak o dumadakma ng mga bagay
  • Hindi pa kayang itayo ang sariling ulo
  • Hindi umaabot o itinataas ang kamay para umabot ng mga bagay na nasa harap niya
  • Hindi bumibigkas ng pantig, o kaya ay hindi gumagawa ng ingay gamit ang sariling boses
  • Hindi nagsusubo ng mga bagay sa bibig
  • Hindi maigalaw ang isa o parehong mata sa iba’t ibang direksiyon
  • Naduduling pa rin (normal ito paminsan-minsan sa mga unang buwan)
  • Hindi pinapansin ang mga mukha sa harap niya, o labis na natatakot sa mga bagong mukhang nakikita

 

Kung nag-aalala sa development ng anak, ikunsulta ito sa doktor para maliwanagan. Magbasa din ng mga pag-aaral para may backgroung information tungkol dito.

Pakatandaan na hindi ito kompetisyon—kung nauna bang gawin ito ng baby ng kapitbahay niyo, kaysa sa baby mo—dahil ang bawat bata ay kakaiba o unique. Hintayin din ng ilang linggo, at baka nahuli lang ng kaunti. Kung nauna naman sa iba, hindi ibig sabihin ay mas magaling ang baby mo, o gifted na ito. Minsan mabilis, minsan nahuhuli. Basta’t gawing makabuluhan at enriching ang kapaligiran at interaksiyon ni baby, siguradong mararating niya ang mga inaasahang milestones.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/baby-development-milestones-3-month-old/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-3 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5480

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>