Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all 5501 articles
Browse latest View live

Baby development and milestones: your 2 week old

$
0
0

By now, it must have just started to sink in that those tiny hands you felt fluttering in your belly just two weeks ago are yours in real life to kiss and hold. That’s right – you’re mommy to a beautiful 2 week old baby!

Here’s a glimpse of 2 week old baby development and milestones.

2 Week Old Baby Development

Physical Development

By now, your 2 week old baby would have regained the weight he lost during his first week. However, his head probably still looks quite large in relation to the rest of his body. Don’t worry – he’ll fill out beautifully over the next few months.

He may have a little bit of hair, or lots of it. If his hair is patchy, you should see it filling out over the next month or so.

You will also notice that baby can grip onto your finger quite strongly. This is known as the palmar grasp reflex. To learn about other reflexes in your newborn, click here.

Umbilical cord care might still be needed if baby’s stump has not fallen off yet. Keep the stump and the surrounding area as dry as possible, and it should fall off this week.

Cognitive Development

At two weeks, your baby will start reacting to sound and light, startling at loud noises. Though their vision has still not developed that well, you will notice them gazing at your face or their daddy’s face.

Your little one won’t have much of a personality yet and you may think all he does is sleep, eat and poop! However, in reality, all that yummy breastmilk is fuelling his brain development as he spends his time moving between sleep, and being quiet-alert and active-alert.

All that sleep your baby does right now is also helping his brain and body grow. By this week, you sweet baby can recognize your voice and even your smell! He also loves being touched and held by you.

Mommy, did you know that research has found out that holding your baby can actually help fuel brain development and help them grow faster? That’s right! So please shower your 2 week old baby with plenty of cuddles and kisses.

2 Week Old Baby Development

Nutrition and Health

Your baby is very very happy with your breastmilk, and this is absolutely all he needs at this age to meet all of his nutritional requirements. There’s no need to supplement with anything else, including water and juice.

By now, your milk would have come in and you’d probably have an established breastfeeding pattern.

It’s likely that your 2 week old baby is nursing every 1.5 to 3 hours, for approximately 15 minutes on each breast. Having said this, there’s no need to time your baby’s feeds. Feed your baby on demand and know that when you do, you’re not just nourishing him, but also providing comfort and security.

If you are struggling with breastfeeding issues, please contact your pediatrician without delay. Your doctor can help you get back on the right track.

In terms of 2 week old baby health issues, colic is probably the most common problem you’ll encounter. It may be caused by incorrect latching while breastfeeding, where newborns end up sucking more air than milk, which causes their tummies to fill with gas.

This eventually goes away but their uncontrollable crying even after a feed will indicate they may have colic. If it persists, seek medical advice.

In terms of vaccinations, your 2 week old baby should have got the following at birth:

  • BCG : Immunization against Tuberculosis
  • Hepatitis​ B – first dose: Immunization against Hepatitis B

Do note: Two to three weeks after BCG vaccination, a small red lump usually appears at the injection site. This lump may increase in size and develop into an ulcer with a crust forming over it. A scar remains after the crust falls off. This is a normal reaction and not a side effect.

Look out for these health conditions in your two week old baby, and seek medical advice without delay if you spot them:

• Jaundice

If your baby has a yellow tinge on the face or chest, they might be suffering from jaundice. It is very common for newborns to go through this. This can be taken care of with some light treatment and increased breastfeeding, but best to consult a doctor.

• Skin Rashes

It is very common for babies to spit-up after a feed. The resulting dampness on their neck and chin might give rise to rashes. Be sure to gently wipe baby’s face after a feed or spit up, taking care to clean the creases of his neck.

• Blocked Tear Ducts

This is also quite common among newborn babies, however nothing to worry about. Your doctor may suggest eye drops, or that you just wait for a week or so until it goes away.

Newborn Care

Your newborn is still very fragile, so care must be taken especially for duties like carrying and/or bathing him. His neck should be supported at all times as it is still not strong enough to support his head.

In order to encourage his neck muscles to develop, you could start some tummy time as early as now, but for very short periods, and always under your watchful supervision.

At this age, baby still doesn’t need to be bathed every day as you might rob their skin of moisture by doing this. And this could lead to dry skin and rashes. Unless the weather is very hot, stick to a bath every other day. A gentle rub down with a damp, soft washcloth will be adequate on the other days.

2 Week Old Baby Development

Newborn Safety

Your 2 week old baby might have nails that look like they’ve been perfectly manicured. As pretty as they are, those pointy nails could cause some serious damage to baby’s tender skin if she startles and scratches her own face.

Use a baby nail cutter to gently trim them while baby sleeps or breastfeeds. Or you could gently bite them off with your teeth! Use mittens if all fails.

Baby’s head is still very delicate, and the soft-spot on top of it is very vulnerable. Be extra careful when you or other caregivers wash his head, and do not allow older siblings to touch baby’s head. Never leave your newborn alone with older siblings.

Remember to always lay your baby down on his back to sleep, to prevent the risk of Sudden Infant Death Syndrome. Avoid placing heavy bedding and soft toys in his crib or cot too.

New Parent Wellness

Yes, as much as you are excited to become a new parent, you may feel the blues. As much as you lavish care and love on your 2 week old baby, you need to look after yourself too, mommy.

Due to hormonal changes and lack of sleep, you may feel overwhelmed and irritable. This is normal. But this is also why compassion and support from family and friends will be of utmost importance during this phase.

By week 2 of your baby’s life, you would have figured out what works best for you in order to get some rest: Sleep when the baby sleeps or take turns to stay up the night so that both parents share the load and maintain their health.

Remember, this is a self-discovery journey and each parent goes through different experiences. Comparisons with others will only make it worse. Feeling guilty may come to you very easily in terms of not being good enough or missing out on a few minute details. But remember this is not the case.

If you feel like you just cannot cope, or struggle with feelings of overwhelming sadness, please, please reach out to your doctor without delay. 

 

Also Read: Baby development and milestones: your 3 month old

Republished with permission from: theAsianParent Singapore

 

The post Baby development and milestones: your 2 week old appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.


Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-2 buwan

$
0
0

Ngayong unti-unti mo nang nakikilala ang iyong munting anghel, at nakakagamayan mo na ang pagiging magulang, mapapansin mo din na ang iyong baby ay may sarili nang personality at ugali, at kaya nang iparamdam at ipakita ang ayaw at gusto niya. Ano nga ba ang mga development ng baby 2 buwan? Ano ang mga pagbabago na pinagdadaanan niya, at anong mga milestones ang dapat na nararating na sa stage na ito?

 

Physical development ng baby 2 buwan

  • Neck muscles at head control
    Ang 2-buwang gulang na bata ay mas may kontrol na sa buong katawan niya, at kaya nang itaas ang ulo nang walang suporta, kapag nakadapa. Maiging bigyan siya ng “tummy time” para lalo pang lumakas ang neck muscle at head control niya.
  • Mas maayos na koordinasyon
    Pagmasdan din, at kaya na niyang mag “push-up” kapag nakadapa. Mas maayos na rin ang galaw ng kaniyang kamay at paa kapag kumakawag, lalo kapag natutuwa o naglalaro. May koordinasyon na ang galaw ng katawan niya, sa madaling salita.
  • Pag-ikot
    Mag-ingat kapag nagpapalit ng diapers, lalo na kapag nakahiga si baby sa changing table o kahit sa kama, dahil mabilis na itong makakaikot at magtatangkang dumapa. Baka biglang kumawag at mahulog.
  • Napapakalma ang sarili
    Habang patuloy siya na nagpapalakas ng sucking reflex niya, ito rin ang panahon kung kailan isinusubo niya ang mga daliri at minsan pa ay buong kamay, para kalmahin ang sarili. Ito ang tinatawag na “self-soothing.”
  • Grasping o paghawak ng mahigpit
    Napansin mo din bang marunong siyang kumapit at humawak sa anumang maabot niya? Ito ang natural na grasping reflex niya, at ngayon pa lang niya natututunang magpakawala o bumitiw kapag may hawak siya. Magiliw din siyang kumakawag at kumakaway pa nga.
  • Naglalaway
    Dahil nagde-develop din ang salivary glands ni baby, madalas ay naglalaway siya at basang basa lahat ng madampian nito—bib, leeg, mukha, damit, pati si Mommy at Daddy. Hindi naman ito hudyat ng pagngingipin, na medyo ilang buwan pa bago mangyari. Natural lang ito sa kaniya ngayon.

 

Sensory development ng baby 2 buwan

  • Paningin
    Habang lumalaki si baby, nakikita na niya ang nasa 60cm mula sa mukha niya, at nakakaaninag ng mga kulay. Maaakit siya sa mga maliwanag na primary colors at malinaw at malalaking mga hugis o drawing.Bagamat mahihirapan siyang pag-ibahin ang magkaka-kulay tulad ng orange at pula, mabuting pakitaan siya ng mga laruan, libro at larawan na black at white, o iyong mga may high-contrast patterns.
  • Pandinig
    Sa edad na ito, natutukoy na ng bata ang boses ni Mommy at Daddy, at iba pang mga boses ng mga madalas na nasa paligid niya. Giliw din siya sa mga tugtog at iba pang mga tunog na naririnig sa paligid, kaya’t nakakatuwa siyang kausapin palagi.Kapag may naririnig siya, lalo na ang boses ng mga magulang at kapatid, lilingon ito sa direksiyon kung saan nanggagaling ang boses.

    Nahehele at napapakalma din siya kapag naririnig ang mga pamilyar na boses, lalo kapag umiiyak ito. Kaya kausapin siyang lagi—at kantahan din!

 

Cognitive development ng baby 2 buwan

  • Nakakilala ng mukha
    Mapapansing tumititig na si baby sa mga mukhang nasa harap niya. Nakakilala pa nga siya ng mga pamilyar na mukha kaya’t bigla itong ngingiti, tatawa o hahagikgik. Ipakilala na rin ang konsepto ng object permanence—makipaglaro ng “it-bulaga” o peek-a-boo kay baby, at tiyak ay sobrang tuwa nito.
  • Pagngiti
    Ito ang tuluyang tutunaw sa puso ng mga magulang—ang matamis na ngiti ni baby. Hikayatin siyang ngumiti pa at tumawa palagi sa pamamagitan ng pagngiti rin at pagtawa. Ipakita at ipadama ang tuwa at saya at siguradong magiging magiliw na bata siya habang lumalaki.
  • Naiinip na siya
    Maniniwala ka bang ang batang paslit na hawak mo ay biglang mag-iingit o magwawala, dahil gusto niyang sabihin sa iyo na naiinip na siya at gusto niyang maglaro na? Bored na siya at understimulated, kaya nag-iiiyak na.
    Pakiramdaman at alamin kapag bored na si baby, at maging alisto sa kung ano ang pwede ninyong gawin na ikatutuwa niya.

 

Speech at language development ng baby 2 buwan

  • Babytalk
    Pag-iyak pa din ang pangunahing paraan ng komunikasyon ni baby, pero makakaringgan na rin siya ng iba’t ibang tunog sa edad na ito. Mahalagang pakinggan ang mga tunog na naririnig at sa kaniya, at alamin kung ano nga ba ang gusto niyang sabihin ng mga ito. Kausapin siya, kahit pa hindi pa siya tuluyang nakakaintindi. Ang mga una at patuloy na pakikipag-usap sa kaniya ang magiging unang pundasyon ng pagsasalita at pakikipag-usap niya.Kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat mong sabihin sa isang 2-buwang-gulang na bata, subukan ang mga sumusunod:
  • Makipag-usap kay baby. Turuan siyang makinig at hikayatin siyang sumagot—kahit pa puro tunog lang ang mga ito, o kaya ay tango at ngiti lang ang sagot niya.
  • Magsalita ng mabagal, at malinaw, at hayaang pag-aralan ng bata ang buka ng bibig at galaw ng dila mo habang nagsasalita.
  • Gayahin ang mga tunog o “salita” na binibigkas ni baby, kahit pa ito ay “Ba ba” o “Na na” lamang.
  • Ang mga baby ay gumagamit din ng mga gestures o kawag ng kamay at paa, tulad ng pagpalakpak o pagkaway, sa pakikipag-usap. Kahit hindi mo maintindihan, patuloy pa ring sumagot at makipag-usap kay baby, lalo kapag siya ang nag-umpisang makipag-usap.
  • Gayahin ang facial expressions niya at ngumiti kapag ngumingiti siya para mahikayat ang komunikasyon.
development ng baby 2 buwan

Mga kailangan tandaan tungkol sa development ng baby: 2 buwan

Pag-aralan kung paano malalaman kung masaya o malungkot, gutom, pagod o inaantok si baby.

  • Baby cues
    Hindi pa siya nagsasalita, pero kaya niyang sabihin sa mga magulang niya kung ano ang ayaw at gusto niya.Positive cues:
    – Nakatingin sa mukha
    – Iginagalaw ang mga kamay, braso at paa
    – Akmang umaabot ang mga kamay
    – Tumitingin sa direksiyon ng gustong kausapin
    – Nakangiti
    – Masaya ang facial expression

    Negative cues:
    – Umiiwas ng tingin o lumilingon sa iba
    – Umiiyak
    – Nagsusumpong
    – Umuubo
    – Lumiliyad
    – Malikot ang katawan, namimilipit
    – Nakangiwi o hibi
    – Humihikab

  • Pagtulog
    Nasa 15 hanggang 16 oras ang dapat na tulog ng bata sa bawat araw. Karaniwang gumigising ito sa bawat ikatlong oras, pero hindi pa niya kayang matulog ng diretso sa gabi, bagamat may mga sanggol na kaya na ito sa edad na 2 buwan.
    Habaan ang pasensiya para matulungan ang bata na matulog nang mag-isa at hindi hinehele. Hayaan siya sa kaniyang crib o kama kapag tulog, o ibalik siya dito kung nakikitang inaantok na habang hinehele, hindi kapag tulog na siya.Sleep cues:
    Nakangiwi o nakahibi
    – Nag-iingay, na parang pusa o mas maingay dito
    – Humihikab
    – Kinukuskos ang mga mata
    – Malikot at kinukusot ang mukha o tainga, sumisipa, kumakawag
    – Clingy o gusto ng yakap o karga
    – Humihingi ng gatas o gustong dumede

    Kapag napansin ang mga ito, at mukha nang pagod o inaantok si baby, maagap na asikasuhin ang bata at tulungan siyang mag-relax bago pa tuluyang magwala dahil sa pagod at frustration.

    Mahalagang patulugin ang bata nang nakahiga para maiwasan ang panganib ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS). Tanggalin ang mga soft objects sa crib o paligid ng bata, tulad ng unan, kumot, at stuffed animals para maiwasan ang pagtakip nito sa mukha ng bata, na makakapigil sa paghinga niya habang tulog.

Mga larong pwedeng gawin

  • Music Time
    Dahil gumagaling na ang pakikinig niya, kinagigiliwan niya ang pakikinig ng iba’t ibang tunog lalo na musika. Magpatugtog ng mga iba’t ibang music na masaya at kantahan din siya.
  • “Here Fishy, Fishy”
    Dahil unti-unting nadedevelop ang paningin ni baby, ang simpleng paglalaro ng mga isda na lumalangoy sa tubig ay napakalaki na ng magagawa para sa development ng paningin niya. Mas makakatulong pa kung iba-iba ang kulay at laki ng mga isda na papanoorin niya.
  • Ehersisyo ni Baby
    Mag-invest sa isang maayos na baby gym mat para sa “tummy time” ng bata.Hanapin ang mga sumusunod na katangian:
    – Maliwanag at makulay ang mga disenyo
    – May dangling toys o mga laruan nakasabit
    – Mga laruang may tunog o tugtog
    – May baby-safe mirror
    – May padded base na malambot at may iba-ibang texture
    – Umiilaw

    Makipaglaro kay baby at ipakita ang iba’t ibang malalaro niya sa gym mat.

    Popular na laruan: Fisher Price Rainforest Friends Musical Gym, Skip Hop Alphabet Zoo Activity Gym, Playgro Grow With Me Garden Gym

Kailan dapat mag-alala

Lahat ng baby ay may iba-ibang bilis ng pagkatuto at paglaki. Bawat bata ay “unique”. Kung nag-aalala, may mga red flags na pwedeng tingnan:

  • Hindi sumagot o tumitingin sa pinanggagalingan ng tunog o music; hindi nagugulat kapag may malakas na ingay tulad ng binabagsak na pinto o malakas na tugtog. atbp.)
  • Hindi sinusundan ng mga mata ang mga bagay na gumagalaw o ginagalaw sa harap niya
  • Hindi ngumingiti sa tao, kahit kilala pa niya
  • Hindi inilalagay ang mga daliri o kamay sa bibig
  • Hindi naitataas ang ulo kapag nakadapa

Kumunsulta agad sa pediatrician kapag may napansing delay o kung may ipinag-aalala tungkol sa paglaki at development ng baby 2 buwan.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/baby-development-2-month-old/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-2 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Does my child have the right height and weight?

$
0
0

From the moment we become parents, we are instantly hardwired into ensuring that our children are developing well. At times, we catch ourselves comparing our children with other kids – their classmates, cousins, even siblings. It’s hard to ignore when we notice our children are not the same height and weight as their peers. Have you ever quickly checked how your child’s height fares next to his or her friends? Have you noticed that your child is slightly underweight?

Stunted growth is a reality among many children, and is defined by the Food and Nutrition Research Institute (FNRI) as a lack of proper height for a child’s age, while underweight children are those that fall below the standard weight for their age. In the Philippines, the Food and Nutrition Research Institute (FNRI) has stated that cases of stunted growth and underweight in children are matters of “medium to high level” national concern.

Should you be worried?

According to the FNRI’s 2015 Updating of the Nutritional Status of Filipinos study, 1 out of every 3 children in the Philippines aged five to ten years old is affected either by stunted growth or underweight when measured against the World Health Organization’s Child Growth Standards Median.

As parents, we need to be more educated about the effects of stunted growth and being underweight. They can lead to more serious consequences such as poor cognition and educational performance.

Below is the average height and weight chart per age for Filipino children based on FNRIWhat can you do about stunted growth and being underweight?

The urgency of Filipino children’s nutritional state was addressed in the halls of the Senate recently, when “Healthy Nanay and Bulilit Act” co-author Sen. Loren Legarda, stated in a privilege speech that, “Good nutrition for mothers and babies at pregnancy and infancy stage is crucial to sustain a sturdy foundation for a child’s well-being.”

According to the FNRI, despite the first 1,000 days of a child’s life being crucial for addressing maximum growth potential, ideal height can still be achieved if proper nutrition is practiced throughout the child’s development years. It is important that as parents, we ensure that our children get proper nutrition through a balanced diet consisting of nutrients vital for optimal growth.

Calcium is essential for development of strong and healthy bones. Children can get it from dairy food like milk, cheese, yogurt.

Vitamin D is another vital nutrient as it contributes to the normal absorption of Calcium. Aside from nutritious foods, letting your kids play outdoors can also help them absorb vitamin D from the sun. Let them sweat a little bit, it will help them catch up and grow taller.

Protein contributes to the growth and maintenance of muscle mass. Give your children good sources of protein daily, like eggs, lean meats, poultry, and beans.

Iron is a mineral that serves several important functions, such as carrying oxygen throughout the body and in being an important element for blood production. Examples of Iron-rich foods are green leafy vegetables, beans, lentils, tofu, baked potatoes and cashews.

Fortified drinks such as milk also contain these vitamins and minerals. Give them to your child to supplement the well-balanced meals you provide.

Seek professional advice

If you notice that your child is behind his peers, it is best to seek medical and professional advice from a pediatrician or nutritionist. For more information on stunted growth and being underweight, you can also read up online from credible sources such as Food and Nutrition Research Institute and the World Health Organization.

The post Does my child have the right height and weight? appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-3 buwan

$
0
0

Sa 3 buwan na development ng baby, mas mulat na siya sa kaniyang mundong ginagalawan. Hindi na rin “newborn” ang tawag sa kaniya. Siya na ay isang ganap na “infant.”

Ayon sa World Health Organisation (WHO), sa ika-28 na araw mula pagkapanganak ng bata, mas mataas ang panganib sa kalusugan at mortality niya, kaya’t dapat na doble at mas maigting ang pag-iingat at pag-aalaga.

Kahit pa umabot na si baby sa susunod na lebel, marami pa din itong dapat na matutunan. Patuloy kang mamamangha sa kakayanan na bawat araw ay natututunan niya.

 

3 Buwan development ng baby: Physical development

Upper-body strength
Sa 3-buwang gulang, mas malakas na ang neck muscles niya kapag nakadapa, at kaya na niyang suportahan ang ulo at dibdib niya gamit ang braso at kamay.

Lower-body strength
Kapag nakadapa, malakas na ang pagsipa at pag-iinat ng bata, dahil malakas na ang katawan niya, lalo ang lower body.

Neck strength and control
Ang leeg ni baby ay malakas na din, at kayang kaya na niya ang sarili niya, lalo na ang ulo niya, kapag kinarga ng patayo.

Hand-eye coordination
Masaya siyang naglalaro ng “close-open”—bukas sara ang kamay, at nakakapalakpak. Inaabot niya na ang mga bagay sa harap niya, at patuloy na dinidiskubre ang paligid niya gamit ang mga kamay.

Kamay sa bibig
Magiliw niyang inaabot lahat ng kaya nyang abutin, dinadakma at mahigpit ang hawak. Pagkatapos ay isusubo ito, o titingnan. Siguraduhing lahat ng mga bagay sa abot-kamay niya ay ligtas at walang maliliit na pwedeng maisubo at makabara sa lalamunan at paghinga niya. Alamin ano ang mga choking hazards at ilayo o itago ang mga ito.

Pag-ikot
Magsisimula na siyang magtangkang umikot at dumapa kapag nakahiga, o humiga kapag nakadapa, kaya’t siguraduhing hindi siya iiwan nang mag-isa sa kama o changing table at baka mahulog siya.

 

3 Buwan development ng baby: Sensory development

Pandama o touch
Mahilig na siyang humawak at kumapa ng mga bagay bagay sa paligid niya. Makakatulong na bigyan siya ng mga bagay na may iba-ibang texture.

Pandinig
Mapapansing naibabaling na niya ang ulo sa direksiyon ng ingay o tunog na naririnig. Ngumingiti rin siya at tumatahan sa pag-iyak kapag naririnig ang malumanay na boses ni Mommy o Daddy, at saka napapangiti. Kagigiliwan niya ang pakikinig sa mga musika. Subuking paringgan siya ng iba’t ibang uri ng tugtog o musika, lalo na ang classical music na mabuti rin para sa brain development ng mga sanggol.

Paningin
Tingnan ang bata sa mata at titingnan ka din niya. Mahilig din siyang tumingin sa salamin, at pagmasdan ang sariling reflection.

 

3 Buwan development ng baby: Cognitive development

Cause and effect
Mapapansin na kapag tumitingin si baby sa mga laruang nakasabit tulad ng crib mobile, dadakmain at hahampasin ito, at papanoorin niyang gumalaw. Dito niya natututunan ang konsepto ng cause and effect, at gagawa ng libo-libong koneksiyon sa kaniyang utak, habang natututo ng bagong kakayahan.

May mga sinusundang bagay (gamit ang paningin)
Kapag may bagay na gumagalaw sa harapan niya, sinsundan ito ng tingin ni baby. Gumagana ang mga mata niya para mag-focus sa mga gumagalaw na bagay, tulad ng laruan o kamay.

Palangiti na
Sadyang kay tamis ng ngiti ni baby, pero hindi na ito para kay Mommy at Daddy lang. Madalas na siyang ngingiti sa mga tao na makikipag-usap at makikipaglaro sa kaniya.

Palakaibigan
At dahil nga palangiti ito at masayahin, magtatangka na rin itong makipag-“kaibigan” sa mga nakikita o nakikilala niya, pati na sa sariling reflection sa salamin.

Emosiyonal
Ngayon ay sinusubukan na niyang maintindihan ang mga emosyon at paraan ng komunikasyon ng mga nakikilala niya. Iniisip niya ang koneksiyon ng sinasabi sa kaniya at mga nakikita niyang facial expressions.

 

3 Buwan development ng baby: Speech development

Komunikasyon
Hindi na pag-iyak lang ang paraan ng pakikipag-usap ni baby ngayon. Kaya na niyang bumigkas ng mga pantig tulad ng ba-ba-ba, da-da-da.

Baby talk
Kapag madalas na kinakausap ang bata, mabilis itong matututong magsalita. Bawat salita, bawat tunog ay mahalaga sa pagkatuto niya. Basahan din siya at kantahan, dahil ito ang masaya at mas epektibong paraan ng pagkatuto ng pagsasalita at expression.

Baby games
Ang interaksiyon na dala ng paglalaro ay mahalang bahagi ng development. Anong mga laro ang dapat na ipakilala kay baby sa edad na ito?

Once Upon A Time
Hindi man niya naiintindihan ang mga salita, hindi man ito nakakabasa pa, ang pagbabasa sa kaniya sa murang edad ay magtuturo sa kaniya ng mga tunog, salita, at language na dapat niyang matutunan sa kinabukasan. Dagdag pa dito ang simula ng pagkagiliw niya sa pagbabasa at mga libro.

Kailangan lang ng: Baby books na may makulay na larawan
Skill development: Vision, language, speech

Reach and Grab
Dahil mas malakas na ang leeg niya at may kontrol na siya ng ulo, makakatulong ang mga larong may inaabot siya at dinadakma.

Bigyan siya ngm ga makukulay na toy rings o baby rattles para hawakan at paglaruan. Siguraduhing anumang laruan, ay ligtas na isubo ni baby (hindi madumi, hindi nakakabara sa lalamunan)

Kailangan lang ng: Toy rings, baby rattles, makukulat at age-appropriate toys
Skill development: Motor skills, hand-eye coordination

Flower Power
Marami siyang nakikilala at nakikitang mga tao, at ginagamit niya ang pang-amoy para malaman kung kilala niya o hindi ang mga ito.

Mangolekta ng iba’t -ibang bagay na may amoy tulad ng bulaklak, cookies, spices, at idaan sa ilong ng bata (huwag matagal o huwag ibabad), at tingnan kung alin ang mga amoy na gusto niya o kagigiliwan niya.

Kailangan lang ng: bulaklak, spice, cookies o iba pang bagay na may malakas na amoy.
Skill development: Pang-amoy

Touchy Feely
Dahil nga gusto niyang humawak ng humawak ng kung anu-anong bagay, at sensory ang paraan niya ng pagkatuto, bigyan siya ng mga bagay na may iba-ibang texture tulad ng malambot, matigas, maligasgas, makinis, basa, at iba pa.

Kailangan lang ng: Iba’t ibang bagay na may iba-ibang texture
Skill development: Pandama, Motor skills

 

Iba pang tips

Saan man magpunta, paniguradong napakaraming mga taong may ipapayo at sasabihin tungkol sa pag-aalaga ng bata. Huwag magalala, at huwag ma-overwhelm. Salain ang mga impormasyon at magbas ng iba’t ibang artikulo at libro tungkol sa gustong malaman na paksa. Pakinggan din ang sariling instinct at sundin ang nasasaloob.

 

Growth spurt

Mabilis na tatangkad at papayat si baby dahil nga kumikilos na siya, hindi dahil kulang siya sa nutrisyon. HUwag mabahala. May unang growth spurt kasi na nagaganap kung saan ang mga buto at muscles niya ay lumalaki, at mga binti, bisig, paa, kamay ay humahaba.

 

Pagtulog sa gabi

Maraming mga baby ang kaya nang matulog ng hindi nagigising sa buong magdamag. Huwag mag-alala kung hindi pa ito nagagawa ni baby. Tandaan na iba-iba nga ang pag-abot ng milestone ng bawat bata.

May mga sumusubok ng iba’t ibang paraan ng pagpapatulog o sleep method, tulad ng Ferber method (pinapabayaang umiyak ang bata, at hindi ito kinakalong o kinakarga, hanggang mapagod at makatulog).

Sundin ang “gut feel” at kung ano ang sa tingin at palagay mo ang bagay at dapat para sa anak.

 

Huwag munang pakainin ng solids

May mga magpapayo din na pwede nang pakainin si baby ng mga solid foods (tulad ng paghahalo ng baby rice cereal sa gatas ni baby) para makatulong na makatulog siya.

Mabuti nang huwag itong pansinin o gawin, dahil ang doktor lang ang tanging makakapagsabi kung ano nararapat sa kalusugan ni baby. May mga pag-aaral na ring nagsabi na nakakasama ang mga ganitong “premature” na gawain dahil hindi pa nga tuluyang developed ang digestive system ng bata sa ganitong edad.

Kapag maaga daw pinakain ng solid food, pwedeng maging obese, o kaya ay magkaron ng allergic reaction o digestive problems ang bata. Dagdag pa ang panganib na mabulunan ito at hindi makahinga.

Sa ika-6 na buwan pa dapat pakainin ng solids si baby. Hingin ang payo ng doktor ni baby bago gawin ito.

 

Kailan dapat mag-alala

  • Kapag hindi nag-rereact sa ingay (binagsak na pinto, malakas na music, busina ng kotse)
  • Hindi tinitingnan ang sariling kamay
  • Hindi ngumingiti kapag kinakausap o nilalaro
  • Hindi sinusundan ng tingin ang mga bagay na gumagalaw
  • Hindi humahawak o dumadakma ng mga bagay
  • Hindi pa kayang itayo ang sariling ulo
  • Hindi umaabot o itinataas ang kamay para umabot ng mga bagay na nasa harap niya
  • Hindi bumibigkas ng pantig, o kaya ay hindi gumagawa ng ingay gamit ang sariling boses
  • Hindi nagsusubo ng mga bagay sa bibig
  • Hindi maigalaw ang isa o parehong mata sa iba’t ibang direksiyon
  • Naduduling pa rin (normal ito paminsan-minsan sa mga unang buwan)
  • Hindi pinapansin ang mga mukha sa harap niya, o labis na natatakot sa mga bagong mukhang nakikita

 

Kung nag-aalala sa development ng anak, ikunsulta ito sa doktor para maliwanagan. Magbasa din ng mga pag-aaral para may backgroung information tungkol dito.

Pakatandaan na hindi ito kompetisyon—kung nauna bang gawin ito ng baby ng kapitbahay niyo, kaysa sa baby mo—dahil ang bawat bata ay kakaiba o unique. Hintayin din ng ilang linggo, at baka nahuli lang ng kaunti. Kung nauna naman sa iba, hindi ibig sabihin ay mas magaling ang baby mo, o gifted na ito. Minsan mabilis, minsan nahuhuli. Basta’t gawing makabuluhan at enriching ang kapaligiran at interaksiyon ni baby, siguradong mararating niya ang mga inaasahang milestones.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/baby-development-milestones-3-month-old/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-3 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-4 buwan

$
0
0

Ito na ang big-4 ni baby! Ito ang isa sa pinakamagandang edad sa unang taon niya. Mas expressive na siya, at ikatutuwa ninyo ang ngiti, tawa at hagikgik niya sa araw-araw. Napaka-cute, di ba? Ang dami na rin niyang kayang gawin! Sa 4 buwan development ng baby, ano na nga ba ang dapat na asahan sa kaniya?

Huwag mag-alala kung nagtatangka siyang itaas ang ulo niya habang nakadapa. Pinapaalam lang niya na malaki na siya.

Marami ring makikitang mga pagbabagong pisikal sa kaniya. Patuloy na bumibigat ang timbang ni baby at halos doble na rin ito sa timbang niya nuong pinanganak siya. Kaya naman di maiwasang panggigilan ang mga pisnging kay laki!

Ito rin ang panahon kung kailan dapat maghanda para sa isang emotional rollercoaster–taas baba ang energy at emosyon, mula tuwa at lungkot, at kung anu ano pa.

Ano ang gagawin? Ito ang listahan ng mga pwedeng asahang pagbabago sa ika-4 na
buwan.

4 Buwan development ng baby: Physical development

Kayang kaya na ang ulo
Magpapasikat na si baby ngayon, dahil tuwid na ang pagtayo at pagtaas ng ulo niya nang walang tulong. Isa rin siyang munting explorer dahil sobrang aktibo at likot na nito. Kapag hinawakan ng patayo, naglililiyad at sumisipa pa, kaya’t kailangang mahigpit at siguradong hindi mabibitawan ito.

Paikot-ikot na rin
Dahil sa madami siyang pakitang gilas simula ngayong buwan na ito, ihanda na ang video camera para makuhanan ang mga importanteng “firsts” ni baby. Hintayin ang pagdapa niya nang mag-isa, o pag-ikot at pagtihaya kapag nakadapa, dahil tiyak na nakakatuwang panoorin na mag-paikot ikot si baby sa kama o sa sahig. Siguraduhing malayo sa tabi ng kama, o may nakalatag na malambot na kutson kapag pinaglalaro siya sa sahig para hindi mauntog at masaktan.

Tikim-tikim din
Asahan na lahat ng mahawakan niya ay isusubo niya, sa edad na ito. Kaya’t kung mayrong mga laruang nakasabit tulad ng baby mobile, rattles, at mga laruang umiilaw at may tugtog, dadakmain ito, bubutingtingin, papaluin at isusubo pa nga. Pati nga buhok, damit at daliri ni Mommy ay “yummy” para sa kaniya!

Tandaan na kapag hawak si baby, tanggalin ang mga matatalas na alahas o accesories na suot at baka hugutin niya ito. Pati salamin ay delikado na rin sa mga mabilis na kamay ni baby. Kaya na din niyang hablutin ang hikaw ni Mommy kaya maging alisto.

Sensitibo at “heightened” ang senses niya
Magaling nang mag-focus ang mga mata ni baby, kahit pa gumagalaw sa harapan niya, lalo na’t maliwanag at makulay, at may contrast (tulad ng black and white). Ang vision niya ay 20/40 na kasi. Kung mapapansing hindi siya sumusunod sa bagay na pinapakita sa kaniya, o parang duling o banlag, ipatingin agad sa pediatrician.

Masarap na ang tulog niya!
Magandang balita! Sa ika-4 na buwan, may maayos na napping schedule na si baby.Ibig sabihin ay kaya na niyang matulog ng diretso sa buong magdamag, at mas regular na ang pag-idlip sa maghapon. Tipikal na mula 7 hanggang 8 oras ang tulog niya sa gabi. Kapag isinama pa ang 2 pag-idlip sa maghapon, minimum ang 12 hanggang 13 oras kada araw.

Kaya’t, congratulations! Makakatulog na rin si Mommy at Daddy sa gabi, nang hindi maiistorbo ng pag-iyak ni baby.

4 Buwan development ng baby: Cognitive development

Mas expressive siya
Marami na siyang kayang gawin ngayon, tulad ng kakayahang ipadama at ipahatid ang nararamdaman niya sa mga nag-aalaga sa kaniya. Maipapaalam na niya kung masaya siya o malungkot, gutom o inaantok.

Nakakatugon na siya
Kaya naman kapag niyakap, hinagkan, o binulungan siya ng mga salita ng pagmamahal, o kaya ay kinantahan, titingnan ka ngingiti, at makakakita o makakaramdam din ng tugon mula sa munting anghel.

Hand-Eye Coordination
Nag-improve na rin ang hand-and-eye coordination niya sa ika-4 na buwan. Kapag may nakita siyang bagay, inaabot niya ito (at naaabot naman niya). Dahil maayos na rin ang motor skills niya, kumakawag ito kapag may nakitang bagay na gusto niyang dakmain, at sinusundan ng mga mata niya.

Ang pinakamasaya pa ay nakikilala na niya ang mga taong palagi niyang nakikita o nakakasalamuha. Palaging tawagin ang pangalan niya at palagi siyang laruin.

4 Buwan development ng baby: Social at emotional development

Pagdating sa aspetong ito, mas marami pang nakatutuwang milestone ang magaganap sa buwang ito. Kaya na ni baby na ipahiwatig at ipadama ang nararamdaman niya, at nakakatugoon na rin siya sa pinapadama at sinasabi sa kaniya.

Ang lahat ng nakakatuwang bagay na ito, ay may kasamang luha din. Kapag kasi nakikipaglaro sa kaniya, at biglang tumigil, maaaring ma-upset si baby. Huwag mag-alala, lahat ito ay bago kasi sa bata. Maging alisto sa mga pahiwatig ng anak, para alam mo kung kailan niya gustong tumigil maglaro, o kung kailan siya ganado pang makipagkulitan.

Ang mas nakakaaliw? Gagayahin niya lahat ng facial expressions ng kausap niya. Subukang magpakita ng iba’t ibang exaggerated na facial expression at tiyak na gagaya si baby, na siyang ginagawa ng mga bata sa edad na ito.

4 Buwan development ng baby: Speech at language development

Huwag kalimutan na lahat ng nakikita sa mga matatanda, sa mga magulang at kapatid, ay posibleng gayahin ni baby. Hindi mo namamalayan ay nakukuha na niya ang mga expression, tunog, at patterns ng ugali at routine sa maghapon.

Kaya nga kapag tinawag ang pangalan niya sa pinakamalambing o kagiliw-giliw na tono o boses, gagyahin ito ni baby, sa abot ng kaya niya. Magdadaldal na rin siya, kahit di pa malinaw o buo ang mga salita.

Para mahikayat ang language skills development ng bata, kausapin siya palagi, pero hindi baby talk, kundi buong mga salita na parang ang kausap ay kapwa matanda rin. Ayon sa mga pag-aaral, ang malambing at parang pakanta na boses ay mabuti para sa mga batang nagsisimula pa lang makipag-usap. Makakatulong ito na makapagsalita ang bata ng mas maaga.

Gumamit ng mga kumpletong pangungusap at tamang grammar. Pati ang pagsasabi ng “please” at “thank you” ay mahalaga. Hindi niya ito lubusang naiintindihan, pero maiintindihan niya ang konteksto, at matututunan niya ang koneksiyon nito sa buhay niya, paglaon.

Kalusugan at nutrisyon
Payo ng mga doktor, gatas ng ina ang susi sa malusog at masayang bata. Magpasuso hanggang 6 na buwan, at pakainin siya ng solids paglagpas ng ika-6 na buwan.

May mga batang nagsisimulang kumain ng solids sa ika-4 na buwan, lalo na at nakakaupo na ito nang walang tulong, at kaya na ang ulo niya. Bigyan siya ng mga pagkaing may iron, at ihalo ang anumang pagkain sa gatas ng ina o formula.

Gawing malabnaw sa una, na parang gatas din, para lang masanay muna sa panlasa at bibig ni baby. Unti-unting gawing mas malapot, kapag nakikitang kaya na ni baby, at walang naging problema sa digestion.

Mga Tips para sa mga magulang
Si baby ay isang eager explorer na ngayon! Gawing baby-friendly ang inyong tahanan, para maiwas sa panganib si baby. Gawin ding sensory-rich ang paligid, para mahinang ang senses ni kulit.

Bigyan ng textures na mapaglalaruan
Gumawa ng mga sensory boards: magdikit ng steel wool, sponge, beans, at iba pang tuyo at hindi nabubulok na bagay sa isang maliit na kahoy o board, para paglaruan ni baby. Ilagay ito sa sahig o sa isang bahagi ng dingding.

Bigyan din siya ng mga libro at laruan na may iba’t ibang texture (marami nang mga feely books ngayon).

Subukan ding maglagay ng iba’t ibang bagay sa mga maliliit na ziplock bags: yelo, jell-o, monggo, cinnamon, lentils, hilaw na pasta, damo o dahon at marami pang ibang tulad nito, lagyan ng cello-tap para maisara at hindi makain ni baby ang laman ng bag, at saka ipahawak sa bata. Iwasan lang na bigyan siya ng mga bagay na masyadong maliit at baka isubo at lulunin, o di kaya naman ay bumara sa airway niya. Lahat ng paglalaro niya ay dapat “supervised”.

Basahan siya ng libro at kantahan siya
Gawing ritwal ang pagbabasa sa umaga, tanghali at gabi. Napakaraming libro ngayon na may bersiyong pakanta na din (“Brown Bear, Brown Bear” ni Eric Carle, at mga kuwento ni Julia Donaldson, halimbawa). Gawing malamig at nakakaaliw ang boses, at tiyak ay makukuha mo ang atensiyon ni baby. Gawing masaya at kagiliw-giliw palagi ang reading at music time para lubusang makatulong sa development niya.

Gawing childproof ang buong bahay
Maghanap ng mga gamit na pang-childproof ng mga sulok, kanto, drawers at iba pang bahagi ng bahay na posibleng delikado para sa naglilikot na bata. Alisin ang lahat ng mga nakakalat sa sahig, lalo na ang mga kable, pagkaing nahulog sa sahig, dumi, kalat tulad ng papel, pako, thumbtacks, at lahat ng pwedeng isubo ni baby.

Basta’t alisto sa lahat ng mga panganib at patuloy ang interaction kay baby, magiging masaya at makabuluhan ang buong 4 na buwan ng anak.

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/4-month-old/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-4 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-5 buwan

$
0
0

Narito na ang pag-ikot, paggapang, pag-upo nang mag-isa—ika 5 buwan baby development! Ano pa nga ba ang kaya niyang gawin pagsapit ng buwan na ito?

Congratulations! Nalagpasan ni baby ang unang 4 na buwan! Ihanda ang sarili sa mas marami pang exciting na milestones ng iyong bulilit. Malapit na siya sa kalahating taon ng buhay niya, kaya’t nadadagdagan pa ang adventures niya. Mas madaldal na siya ngayon, paikot-ikot sa kama, at magsisimula nang gumapang.

Narito ang maaaring asahan sa buwang ito:

5 Buwan baby development: Physical development

  • Nakakaupo na ng tuwid, mag-isa

Kinakaya na niyang umupo nang mag-isa, ng konting tulong na lang mula sa mga nag-aalaga. Iupo siya ng madalas, pero siguraduhing may mga unan o kutson na nakapaligid sa kaniya sakaling tumumba siya. May mga upuan na para sa mga batang nagsisimula pa lang umupo, tulad ng mga Bumbo chairs at high chairs para maging komportable sa posisyong ito.

  • Pagdapa at pag-ikot

Kung hindi pa ito nagsimulang umikot, bumaligtad, dumapa mag-isa, ito na ang panahon na magsisimula siyang sumubok. Gustung gusto niyang nakadapa, para kaya’t tatangkain na niyang gawin ito kapag nakahiga. Kaya naman dapat ay alisto at maingat na huwag siyang iwan sa kama mag-isa at baka mahulog ito. Kung iiwan siya nang sandali, maglatag ng kumot o kuston sa sahig at duon siya ihiga.

  • Gagapang at uusad

Gagamitin na niya ang mga binti, tuhod, kamay, braso para sa paggalaw, at kakayanin na niyang gumapang at umusad mag-isa. Dadapa ito gamit ang tuhod at braso at kamay, at uugoy pa nga minsan. Ito na ang simula ng paglilikot niya!

5 Buwan baby development: Cognitive development

Sa ika-5 buwan, magsisimula na siyang makilala ang sariling identity, at unti-unti na ring makikilala ni Mommy at Daddy ang karakter ng anak nila. Makulit, masayahin, expressive, may panahong bugnutin at emosiyonal din.

  • Mabilis ang tugon at masayang pinapakita ang nararamdaman niya

Expressive at responsive na siya sa edad na ito, kaya masayang makisalamuha sa kaniya at siya sa maraming tao. Mahilig na siyang tumitig sa kausap o bumibisita sa kaniya, na parang sinusubukang intindihin ang sinasabi ng kausap. Mapapansin din na parang binabasa niya ang ibig sabihin ng mga tunog na naririnig tulad ng asong tumatahol, mga huni ng ibon, pitik ng mga daliri, at kung anu ano pa.

  • Magaling humawak ng mga bagay at dumakma

Isa pang pangunahing kakayahan ng 5 buwang gulang ng bata ay ang gumagaling na paghawak niya ng mga bagay. Mahilig siyang dumampot at dumakma ng mga laruan at pagkain, at ilipat ito mula sa isang kamay papunta sa kabila.

  • Pagtulog

Maaasahang maayos na ang pagtulog ni baby (at ni Mommy) sa buwan na ito, at hindi na nagigising sa magdamag. Mas marami na ang oras ng pahinga ng mga magulang dahil payapa na rin ang tulog ni baby. Mababawasan na rin ang pagtulog sa maghapon, kaya’t asahang mas marami nang oras para sa pag-aaruga sa kaniya sa maghapon.

5 Buwan baby development: Social at emotional development

Hindi pa man niya kaya na magpahiwatig ng pagkakaiba ng galit, frustration, at saya, sa edad na ito, kaya na niyang ipahatid ang nararamdaman at iniisip niya, lalo na ang pagpapakita ng pagmamahal at pagkagiliw sa mga nag-aalaga sa kaniya. Mahilig din siyang makipaglaro at makipaghagikgikan palagi, kaya’t samantalahin ito.

5 Buwan baby development: Speech at language development

Ang communication skills niya ay umuusbong na ngayon, at nadedevelop na ang sense of humour niya.

Mapapansin na ang mga ingit niya at ingay ay napapadalas at lumalakas din. Walang tigil na “da-da,” “ba-ba,” at “ma-ma” ang bigkas niya. Sumasagot na siya kapag kinakausap at tinatanong, sa sarili niyang lengwahe. Kapag natutuwa, napapasigaw pa nga siya.

Patuloy na basahan siya ng mga librong pambata, para mas marming salita siyang marinig at paglaon ay matutunan. Kapag kausap siya, ituro sa kaniya ang mga salita o pangalan ng mga bagay sa paligid niya at tawag sa mga ginagawa ninyo tulad ng “tulog”, “takbo”, “talon”. Tandaan na dapat ituro ang tamang salita at huwag gamitin ang “baby talk”.

  • Kalusugan at nutrisyon

Mabilis ang paglaki ng iyong baby, at madalas na itong gutom dahil nga malikot na at aktibo. Ipagpatuloy ang pagpapainom ng gatas ng ina (o formula) para sa tamang nutrisyon.

Paglagpas ng 5 buwan, patikimin na siya ng konting solids tulad ng saging o sabaw ng gulay. Patikimin lang at huwag pakainin ng marami o lagpas sa isang kutsarita sa isang araw, dahil maaaring hindi pa siya handa. Itanong muna sa pediatrician ng bata kung ano ang pwedeng ipakain o kung gaano karami.

May mga doktor na nagpapayo na painumin na ng tubig ang bata kapag malapit na sa 6 na buwan. Itanong din ito sa doktor.

5 buwan baby development

Mga Tips para sa Magulang

Makipag-usap kay baby palagi at samantalahin ang bawat minutong gising siya lalo sa maghapon. Mas maraming salita ang naririnig niya, mas marami siyang matututunan. Tawagin ang pangalan niya palagi, hanggang sa tumugon siya nang mas mabilis at magiliw.

Bigyan siya ng pagkakataon na gumapang, dumapa mag-isa, magpaikot-ikot, pero huwag na huwag aalisin sa paningin at pagbabantay para makaiwas sa animong aksidente. Childproofing ang priority ngayon sa bahay at sasakyan.

Ipakilala si baby sa iba’t ibang tao—mga kamag-anak, kalaro, kaibigan, para masanay siya sa ibang tao at para din gumaling ang communication skills niya. Kapag nasa supermarket o department store kayo, hikayatin siyang “makipag-usap” o mag-“hello” sa mga tao tulad ng kahera o salespeople.

Alamin ang mga bakuna na kailangan sa ika-6 na buwan at paghandaan na ito.

Sa ika-5 buwan, patuloy na mag-eenjoy ang buong pamilya sa pakikipaglaro at pakikipag-usap kay baby. At talaga namang kagigiliwan ang patuloy na pagtugon at paghagikgik niya. Lubus-lubusin ito at gawing makabuluhan para kay baby, at sa buong pamilya!

 

Isinalin sa wikang Filipino mula sa artikulong
https://sg.theasianparent.com/5-month-old-baby-development/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-5 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng toddler sa kaniyang ika-14 buwan

$
0
0

Simula na ng (exciting) na parenting! Ang toddler development ng 14 buwan ay nangangahulugan ng pagtatakda ng boundaries at rules—at pagpupog ng halik at yakap. Alamin ang napakaraming bagay na puwedeng gawin kasama ng iyong 14-buwang gulang na baby.

Ihanda na ang sarili sa susunod na stage ng toddler development: dito na masusubok ang pasensiya ng mga magulang. May sariling personalidad at karakter na ang iyong anak, at makikilala mo na ang ugaling nabuo sa loob ng isang taon. May sarili na siyang pag-iisip at ipapakita niya ito sa iyo—hintayin mo lang!

Panahon na para turuan siya ng rules at boundaries. Huwag mag-alala—ang “terrible two’s” ay malayo pa. Sa ngayon, nagsasanay pa lang si baby, at pupupugin ka pa ng yakap at halik.

Toddler development ng 14 buwan: Physical Development

Nakakatuwang panooring maglakad na parang bibe ang iyong 14-buwang gulang. Basta’t patuloy na hihikayatin siyang maglakad, para tuluyan siyang masanay. Sa ngayon, Malakas na ang loob ni baby na maglakad nang walang tulong. Ito ang tanda ng mabilis na pag-unlad ng gross motor skills niya. Panuorin din kung paano niya hilahin ang sarili para tumayo, mula sa pagkakaupo.

Bantayan lang siya dahil magsusubok na din itong umakyat ng hagdan kapag naisipan niya. Kapag bored ka o pagod, magpatugtog ng masayang kanta at siguradong sasayaw si baby at magpapakitang gilas pa kamo. Makisayaw sa kaniya para makita niya ang mga “dance moves” mo, at hintayin mong gayahin ka niya! Alalayan pa rin siya dahil may pagkakataon na matutumba o mapapaupo si baby lalo na kapag sobrang excited na.

Parang bibeng naglalakad si baby, pero huwag mag-alala at normal lang ito. Mahirap din kasing maglakad ng diretso kung naka-nappy. Bigyan siya ng masahe pagkaligo para makatulong sa tuwid niyang paglalakad.

Para naman sa fine motor skills niya, bigyan siya ng mga crayon at blocks para masanay ang mga daliri at kamay. Pati ang mga board books at baby books ay epektibo para sa fine motor skills niya, dahil natututo na rin siyang maglipat ng pahina ng mga libro.

Mga gawain para sa physical development:

Kapag nagbabasa ng libro, hayaang si baby ang maglipat ng bawat pahina. Ipakita sa kaniya kung paano, at saka hayaan siya. Huwag nang magalit o mag-alala kung mapunit ng kaunti, ang importante ay natututo si baby.

Huwag ding masyadong mairita kung makalat ang bahat ngayon, lalo na kung oras ng kainan o crafts time ni baby. Ang mga gawaing ito, kasama na ang pagkakalat ay importante para sa development ni baby.

Hind pa siya nakakahawak ng crayons nang gamit ang tripod grip, pero ensayo na ang “pincer grip” na ginagawa niya. Ituro sa kaniya ang iba’t ibang kulay at hugis at siguradong mabilis niya itong matututunan, lalo na kung gagamitin ito sa mga arts at crafts activities.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung hindi nagtuturo ang bata sa mga bagay at litrato.
  • Kung ang bata ay hindi pa nakakatayo nang walang gabay

Toddler development ng 14 buwan: Cognitive Development

Ngayon ay puno na ng curiosity at pagtataka ang iyong toddler. Patuloy ding umuunlad ang physical skills niya kaya’t nakakaya na niyang tuklasin ang paligid niya—at ang mga loob nito. Asahang makikita siyang nagbubukas ng mga pinto, drawer, cupboards, at mga containers na may takip. Mahihilig din siyang kumuha ng gamit mula sa isang shelf, tapos ay ibabalik ito, at paulit-ulit pa niyang gagawin. Siguraduhing naka-childproof ang bahay para ligtas ang paggala ni baby sa loob ng bahay niyo.

Lahat ng impormasyon na ito isa lang ang ibig sabihn—abalang-abala ang utak ni baby! Isa siyang little explorer at lahat ng senses niya ay aktibo—kaya din lahat ng mahawakan niya ay isinusubo niya. Mahilig pa itong pumulot ng mga bagay sa sahig, sabay subo! Kaya siguraduhing kunin ang mga nahuhulog na pagkain, at maliliit na bagay sa sahig, at baka choking hazard ito, kundi man nakakalason o masama para kay baby.

Itabi ang mga nail polish, shoe shine at shaving cream. Pati ang toothpase ay ilagay sa mga lugar na hindi maaabot ni baby.

Naiintindihan na niya na si Mommy at Daddy, ang sarili niya, at ang mundo ay tatlong magkakaibang bagay.

Ito ang panahon para simulan ang pagtatakda ng boundaries. Masyado pang bata si baby para sa timeout o anumang uri ng consequences. Kaya sa ngayon, kailangan lang paulit-ulit na paalalahanan ang bata sa mga rules, hanggang sa tuluyan niya itong maintindihan at sundin.

Gawain para sa physical development:

Dahil mahilig na siyang magbukas-sara ng mga cabinet, pintuan at drawer, bakit hindi siya bigyan ng mga bagay na pwede niyang buksan at isara, punuin ng laman at itaob? Bigyan siya ng laruan basket o kahon ng laruan, mga laruang kubyertos, plastik na prutas at gulay, at mga plastic bottles na walang laman. Kapag interesado pa rin siya sa pagkuha at paghahalungkat ng mga gamit sa cupboard o drawer, lagyan ito ng pangsara (lalo na kung may mga mapanganib na bagay sa loob), o di kaya ay turuan  siyang magbalik o magligpit ng kinalat niya. Itaas o ikandado ang mga detergent, bleach at iba pang kemikal, at mga matatalas o delikadong bagay.

Bigyan din si baby ng sensory bin para may pagkaabalahan siya. Mangolekta ng iba’t ibang bagay na may iba’t ibang texture, sukat, at kulay para sa pagdevelop ng sensory skills ng bata.

Kung maganda ang panahon, ilabas ang bata at maglaro kayo. Dalhin siya sa park o playground at samantalahin ang sariwang hangin. Napakaraming bagay ang matututunan niya sa paglalaro sa labas.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Hindi pa nakakatayo mag-isa.
  • Hindi nagsasabi ng anumang salita.
  • Hindi pa tumutugon sa tawag ng pangalan niya.
  • Hindi interesado sa anumang laruan.

Toddler development ng 14 buwan: Social at Emotional Development

Kung minsan ay umiiyak si baby kapag naglalaro, huwag mag-alala. May mga madidiskubre siyang nakakatakot para sa kaniya, tulad ng mga madilim na sulok sa ilalim ng hagdan o kusina. Pagmasdan kung ano ang mga bagay na nagsisimula siyang katakutan. Normal lamang ito sa mga 14-buwang-gulang na bata.

Makikitang independent na siya, at mas gusto na niyang naglalaro nang mag-isa. Pero ikaw pa rin, Mommy, at si Daddy ang paboritong mga tao ni baby! Ang mga magulang niya ang gusto niyang kalaro palagi, at makikita mo ang tuwa sa mga mata niya kapag nakikita si Mommy at Daddy.

Lahat ng ito ay nakakatulong sa pagkatuto niya, at matutulungang masanay ang sense of autonomy at self-confidence ng bata. Ito ang pinakamabuting pundasyon para sa pagkatuto niya paglaki niya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:
Napansin mo din bang mahilig na siyang tumulong sa iyo sa mga gawaing bahay? Patulungin siya sa mga simpleng bagay tulad ng pagkuha ng susi sa lamesa, pagligpit ng tsinelas o sapatos, pag-abot sa ‘yo ng mga tinutuping damit o medyas. Bonding moment din ito, habang natuturuan si baby na maging responsable at matulungin.

Makipag-ayos ng play dates sa mga kaibigan o kamag-anak para matulungan si baby na makakilala ng mga ibang tao, lalo na ang mga ka-edad niya.

Maglaro ng “Mirror me” at hayaan siyang gayahin ang malungkot, masaya, umiiyak, nakangiti at galit na mukha. Sa pag-alam ng mga emosyon at tawag dito, umuunlad din ang social-emotional skills niya.

Kailang dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung sobra ang takot niya sa mga bagong mukha o sitwasyon, at ayaw sumubok ng mga bagong gawain o pumunta sa mga lugar sa labas ng comfort zone niya.
  • Kung palagi lang lethargic at walang ginagawa, hindi kumikilos, at parang walang motibasyon na gumawa ng mga bagay bagay.

Toddler development ng 14 buwan: Language at Speech Development

Nagsisimula na ang paglago ng bokabularyo niya, at maaaring nagsasanay ng boses sa pamamagitan ng pagsigaw at paghiyaw.

Nag-iimbento pa nga ito ng mga tunog at salita—na ang ibig sabihin ay patuloy na nagdedevelop ang pagsasalita niya. Kung palagi pang kinakausap at binabasahan, mas marami na siyang alam na salita sa ngayon.

Nakakaintindi na rin siya ng maraming mga salita, na kakayanin din niyang sabihin pagtagal. Mabilis ang pagkatuto niya ng mga bagong salita sa araw-araw, habang patuloy niyang naririnig ang mga ito.

Mga gawain para sa  speech development:

Maglaro ng mga sorting games para sa kaniya, tulad ng paglalagay ng stacking rings o kaya ay shape sorting cube, at pagpapatong-patungin ito. Kausapin siya at itanong kung nasaan ang kulay pula, o ang maliit at malaki. Pangalanan ang mga kulay at hugis na makikita habang naglalaro. Magbilang din kasama si baby.

Kaya na rin ng iyong toddler na sumunod sa mga simpleng instruction, tulad ng, “Iabot mo nga sa akin ang bola.” Kapag nagbabasa, gawing “animated” ang boses at iba-ibahin ang tono, ang hina at lakas. Hikayatin siyang gayahin ang mga animal sounds kung meron. Tanungin siya tungkol sa mga nakikitang larawan sa libro at hikayatin siyang magturo: Nasan ang kabayo? Nasan ang puno?

Toddler development ng 14 buwan: Kalusugan at Nutrisyon

Dahil nga yumayabong ang independence at self-confidence ni baby, mapili na rin siya sa pagkain. Hayaan siyang kumain mag-isa, kahit pa makalat. Kasama ito sa paghikayat ng independence at autonomy niya. Kung nag-aalala sa kalat, maglagay ng plastic mat na malaki sa sahig at saka ipatong dito ang high chair. O di kaya ay maglatag ng diyaryo para itatapon na lang pagkatapos magkalat ni baby.

Siguraduhing nakahanda ang phone number ng pediatrician ng bata para mabilis na matatawagan kung may anumang emergency o kung may tanong tungkol sa kalusugan ng bata.

Tips para sa mga magulang

Ito ang panahon para magtakda at maghanda ng mga boundaries, hindi lang emosyional, kundi pati pisikal. Mag-invest sa paglalagay ng gate para sa hagdan, at ibang kuwarto na delikado para kay baby (tulad ng cleaning closet, garahe, kusina) at para din magkaro’n ng limitasyon ang paggala niya.

Lahat ng bata ay nagde-develop sa sarili nilang bilis o oras. May mga natututo nang magbukas ng pinto, umakyat ng hagdan ng pagapang, pero meron din mga kuntento na sa laruang ibinigay ni Mommy, at iyon ang pagtutuunan ng pansin ng ilang oras.

May mga bata rin na masayang sinasamahan lang si Mommy at tumutulong sa ginagawa niya, at meron ding tahimik na naglalaro mag-isa, at nagbabasa pa nga ng libro at nakaupo lang sa isang tabi.

Lahat ng ito ay walang indikasyon tungkol sa kinabukasan ni baby—sa future development niya o sa pag-aaral niya. May balita nga na si Einstein ay hindi natutong magsalita hanggang 3 taong gulang na siya.

Basahin ang mga articles tungkol sa toddler development sa ika-12, ika-18 at ika-24 buwan, para malaman ang mga early warning signals ng delay na dapat pagmatiyagan. Kung may concern, ikunsulta agad ito sa doktor.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/toddler-development-14-months/

 

[tap-poll id=30037]

The post Development at paglaki ng toddler sa kaniyang ika-14 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng toddler sa kaniyang ika-15 buwan

$
0
0

Handa ka na bang pawalan sa mundo ang iyong baby? Ngayon na ang panahon na wala siyang iniindang takot. Ito ang development ng bata na 15 buwan. Tila ngayong buwan, kailangan na ni Mommy at Daddy ng mga mata sa likod ng ulo, at todong pagbabantay sa kanilang little explorer.

15 buwan

Tingnan kung gaano ka-cute si baby, habang siya ay naglalakad—palabas ng pinto! Sino ba ang hindi aatakihin sa puso, habang pinapanood ang parang daredevil na toddler?

Abala si baby sa pagtuklas ng mundo, kaya’t wala siyang sense of danger. Sa isang banda, magandang balita ito, dahil ang ibig sabihin ng kawalan niya ng takot, ay dahil hindi pa siya nakakadama ng pain o matinding sakit.

Maglagay ng mga soft mats at carpet na malambot, o mga foam tiles, para maiwasan ang aksidente. Kailangan mo rin ng ilang calming essential oils para sa sarili.

Development ng bata na 15 buwan: Physical Development

Kung ang iyong busy explorer ay masayang naglalakad na ngayon, ang lahat ay tungkol sa pagtakas na at kagustuhang tuklasin ang mundo niya.

Ihanda ang sarili (at ang bahay) sa likot at bilis ng bata. Kahit pa naka-strap siya sa stroller o high chair ay makakagawa ito ng paraan na makawala. Kasama na rin ang pagsubok niyang maglakad ng patalikod at pagsampa sa kung saan-saan, kaya may  panganib na madapa o matumba palagi. Nariyan din ang pagsampa palabas ng crib, pagtalon sa sofa, at pagtatago sa loob ng cupboards at shelf. Kaya nga dapat nang ipako ang mga shelf sa pader.

Maging abala sa childproofing dahil ito ang importante sa panahong ito.

Wala pa rin siyang sense of direction, kaya’t kung saan-saan babagsak ang mga bolang itatapon niya. Mag-ipon ng maraming pasensiya, dahil kakailanganin ito.

May mga batang bumabalik sa pag-gapang sa edad na ito, dahil lang gusto nila. Walang masama dito, kaya’t huwag mag-alala. Paminsan-minsan lang ito, dahil nakakapagod para sa kaniya ang paglalakad.

Para sa fine motor skills niya, malapit na rin niyang mapaghusay ang pincer grasp. Kapag pinahaak ng crayon, masaya itong magdo-drawing. Bantayan din ito dahil kapag napansin niya ang puting dingding ng sala ninyo, pagkamulat mo ay may “artwork” na siyang naiguhit dito. Turuan siyang mag-drawing sa papel at ipaliwanag (nang paulit-ulit) na hindi dapat mag-drawing sa sahig at dingding.

Mga gawain para sa physical development:

  • Maglaro sa labas para sa kailangang vitamin D at sariwang hangin. Maglaro ng bola, tumakbo, maglakad at mag-bike kasama si baby.
  • Bigyan siya ng mga malaking crayon para sa pagsasanay ng pincer grip niya. Hindi man Picasso at BenCab ang artwork niya, ang importante ay natututo siyang lumikha at ipakita niya ang naiisip niya, at mahinang din ang mga hand muscles niya.
  • Magpatugtog ng mga masasayang musika at makisayaw sa anak. Bonding moment na, nakakapagsanay pa sa balance at gross motor skills ng bata.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung hindi pa naglalakad si baby
  • Kung palaging natutumba o nadadapa, at wala pang balanse

Development ng bata na 15 buwan: Cognitive Development

Ang mundo ay isang wonderland of discovery para kay bunso.

Nakakatuwa ang edad na ito dahil dito na magsisimulang mag-identify ng body parts si baby. Susubukan niyang sabihin ang pangalang ng mga ito at ituturo ng may galak kapag alam niyang tama!

Kumanta ng “Head, shoulders, knees and toes” ng magkasama, at magbasa ng mga librong tulad ng “From Head to Toe” ni Eric Carle.

Isa itong oras ng pagtuklas sa kaniya, kaya pangalanan ang lahat ng bagay sa paligid at gawing teaching moment ang bawat oras kasama siya.

Mahilig na rin siyang tumuklas sa pamamagitan ng pagtikim. Sensitibo ang panlasa niya kaya naghahanap siya ng maisusubo palagi.

Mga gawain para sa cognitive development:

  • Isang masaya at makabuluhang gawain sa stage na ito ay ang pagdama at paghawak ng iba’t ibang texture at surfaces—malambot, basa, magaspang, malamig, mabalahibo. Bigyan siya ng mga tactile books para tuklasin. Mangolekta din ng mga bagay na meron kayo sa bahay tulad ng steel wool, sponge, mga tela, at kung anu-anong may mga iba’t ibang texture.
  • Magbilang ng mga bagay tulad ng libro, baso, kubyertos, mga prutas at kung anu-ano pa.
  • Gumawa ng sariling playdough gamit lang ang arina, konting asin, konting cooking oil at tubig, lagyan ng food colour at mayron nang non-toxic at safe na playdough. Maglaro gamit ang ilang action words tulad ng twist, poke, pull, squish, pinch, habang naglalaro ng playdough.
  • Patuloy na maglaro ng “Mirror me” at tumuro sa iba’t ibang bahagi ng mukha at katawan para sumunod siya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung hindi pa rin natututo ang bata na ituro ang mga bahagi ng katawan niya
  • Kung hindi napapansin ng bata ang mga pagbabago sa routine at paligid niya
  • Hindi nakakagaya ng mga simpleng galaw na ipinapakita sa kaniya

Development ng bata na 15 buwan: Social at Emotional Development

Ikinatutuwa ni baby ang atensiyon na nakukuha niya palagi. Isa sa developmental milestone niya sa ika-15 buwan ay nakikilala na niya ang sarili sa harap ng salamin. Nakakatuwa din para sa kaniya ang pagtingin sa mga litrato, lalo na kung mga pamilyar na tao ang naruon, at ang sarili niyang mukha.

May mga batang nakakalma kapag nakikita ang mga magulang sa litrato, kaya’t makakabuti kung mag-iiwan ng litrato ni Mommy at Daddy, kung papasok sa trabaho o aalis ng bahay.

Hindi pa sanay sa maraming tao ang bata, kaya asahan na kakawala ito kapag kinakarga ng di kilalang tao. Matututo na rin itong manulak at gumapang sa ibabaw ng mga kalarong bata, dahil hindi pa niya tuluyang naiintindihan na nakakasakit na siya. Sawayin siya at pagsabihan pero huwag nang mag-aksaya ng galit.

Ang paglalaro para sa kaniya ay paglalaro ng may katabi lang, pero hindi “nakikipaglaro.” Di magtatagal ay matututo din siyang makipaglaro sa iba.

Mag-ingat sa mga sinasabi at ikinikilos dahil lahat ay gagayahin niya ngayon. Ipakilala din sa kaniya ang mariing “Hindi” o “No” kapag may ginagawa siyang hindi dapat.

Mga gawain para sa socio-emotional development:

Kapag may playdate si baby, hayaan lang ang mga batang maglaro. Mas makakatulong kung hindi makikialam sa gusto nilang laro—dahil nga may bagong tuklas silang independence at self-confidence.

Gawing regular ang mga playdates para mahikayat ang bata na maging sociable.

Huwag asahan na malugod siyang magpapagamit ng mga laruan niya, o matututong mag-share ng walang problema sa edad na ito. Kahit pa isang minuto ay masaya sila ng kalaro, maaaring susunod na minuto ay nag-aagawan na sila ng laruan at nag-aaway. Maging moderator at pag-usapin ang mga batang paslit, pero huwag pagalitan. Ito ang tamang panahon ng pagtuturo na “sharing is caring” na paglaon ay matututunan din nila.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung ang toddler ay hindi gumagawa ng paraan para makuha ang atensiyon ng magulang
  • Kung labis ang pag-iyak kapag hindi nasusunod ang gawaing nakatakda, o kapag sinabihang tapos na ang oras para sa isang gawain at dapat nang lumipat sa kabila.

Development ng bata na 15 buwan: Speech at Language Development

Sino ang makakatanggi kapag nagpapakarga ang napa-cute na bunso, na may pinakamatims na ngiti?

Madalas ay gagamit si baby ng mga gestures tulad ng bukas na mga kamay kapag nagpapakarga, o pagtuturo sa ref o pantry, kung gusto niyang kumain.

Hihilahin niya din ang binti ni Mommy kung gusto niya ng atensiyon, itutulak ang mga laruan, o bowl ng pagkain kung ayaw niya nito. Tumugon sa mga “pakikipag-usap” ni baby, at gumamit ng mga salita para matutunan niya ang paggamit ng angkop na pananalita.

Mapapansin ang mga bagong salita na kaya nang bigkasin ni baby. Nakakasunod na rin siya sa mga simpleng instructions. Asahan ang mga pakiusap niyang “Mommy, karga!”

Mga gawain para sa language and speech development:

  • Para mahikayat ang pagkatuto niyang magsalita at makipag-usap, kausapin siya palagi. Ayon sa mga pagsasaliksik, gumamit ng pakantang boses at tono para sa mas epektibong pakikipag-usap, dahil mas makikinig at maaalala ito ng bata.
  • Kausapin si baby gamit ang buong pangungusap para ito rin ang matutunan ng bata na paraan ng pakikipag-usap. Iparinig din sa kaniya ang mga salitang may paggalang tulad ng “Please” at “Thank you”. Kahit hindi pa niya kayang sabihin ito, matututunan din niya ito.
  • Patuloy siyang basahan ng mga libro at makipagkwentuhan pagkatapos para mapagyaman pa ang language at reading skills niya. Dito niya matututunan ang mga bagong salita at gamit nito sa pakikipag-usap.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

  • Kung hindi pa nakakabigkas ng mga katinig tulad ng “ba, da, ga” o iba pang bokalisasyon para sabihin ang nararamdaman o iniisip niya.
  • Kung hindi niya ginagamit ang sariling pangalan, o sumusunod sa simpleng utos o pakiusap.

Development ng bata na 15 buwan: Kalusugan at Nutrisyon

Ang inaasahang timbang na niya sa edad na ito ay nasa 9.2 hanggang 11.5 kg at may tangkad na mula 72.0 hanggang 81.7 cm.

May mga toddlers na kaya nang kumain gamit ang kutsara, nang walang tulong mula kay Mommy o Daddy. Minsan ay kakamayin, at madalas ay makalat, pero sa kabuuan, kaya pa rin niyang kumain mag-isa.

Mag-ingat sa paggamit ng spices at asin, nuts at sesame seeds. Patikimin siya ng mga pagkaing kinakain ninyong mag-asawa, nang paunti-unti lang.

Kung napatikim na siya ng dairy, painumin lang ng full-fat milk at dairy products, hindi skimmed milk. Kailangan niya ng madaming calories para sa likot niya ngayon.

Maghanda ng bote ng tubig palagi. Limitahan ang gatas at fruit juice, at damihan ang tubig na iniinom. Bigyan siya ng mga healthy snacks dahil ang tiyan niya ay maliit pa at kailangan nang patuloy na pagpupuno.

Pakainin siya ng whole grains, protein at prutas at gulay: 3 servings ng whole grain bread, 1 malaking saging, isang tasa ng tinadtad na gulay, 2 kutsara ng nut butter o 2 servings ng karne (1/3 ng sukat ng iyong palad) at 2 servings ng gatas.

Alamin ang mga bakuna niya ngayong buwan na ito, tulad ng pangalawang dose ng MMR (measles, mumps and rubella) at Diphtheria.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Tandaan na ang development milestones ay nag-iiba-iba sa bawat bata. Kung may mga napapansing delay, huwag mag-atubiling kumunsulta sa doktor.

  • Kung walang interes sa pagkain
  • Kung ang bata ay laging walang gana, tahimik, lethargic at hindi nagdadagdag ng timbang.

 

Source: WebMD

Isinalin sa Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
https://sg.theasianparent.com/toddler-development-15-months/

The post Development at paglaki ng toddler sa kaniyang ika-15 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.


Your baby’s smile: what can it tell you about his development?

$
0
0

Those adorable first baby smiles are so much more than just cute. Starting from birth almost, your little angel’s sweet smiles can give you a peek into his or her emotional and social development, say scientists.

And what is perhaps even more important is how you react to those sweet smiles, because this “can help program babies’ brains for a lifetime of social interactions.”

According to The Wall Street Journalattempts to decipher babies’ smiles are not new and even date as far back as Darwin’s time.

Now, modern efforts see researchers using heart monitors, brain scans and the observation of recorded interaction, and have revealed amazing “cognitive and emotional sensitivities in very young infants.”

baby smile and development

Baby smile and development: One of the types of baby smiles that you’ll read about on the next page is “the newborn smile”.

Researchers unveiling baby emotions through smiles

Scientists at the University of California recently programmed a baby-like robot to smile at volunteers in the same way a four-month-old babies smile at their mums.

Next, using mathematical calculations, “they concluded that while the mothers timed their smiles to maximize mutual smiling, the infants, knowingly or not, smiled just enough to make their mothers smile.”

Meanwhile, developmental psychologists at Johnson State College in the USA hypothesised that young babies would not be able to pick up on something that is humorous unless their parents were laughing too.

But what they actually observed was different to their hypothesis. They noted that five-month-old babies will laugh at a funny sight — such as a person balancing a book on his head — even if no one else was laughing.

1. Spontaneous smiles or “dreaming of angels”

Mum wait eagerly to see that first darling little newborn smile. These smiles, which occur in newborns mostly when they are sleepy or asleep, are known as spontaneous smiles because they are “seemingly unconnected to any outside stimulus.

It is still not known what causes these fleeting smiles. As Dr. Messinger, professor of psychology at University of Miami jokingly says, “We ask them and they don’t tell us.”

And while some may tell you that these first smiles are caused by gas, researchers have ruled this out as these early smiles seem unaffected by feedings.

It’s more likely that newborn smiles come from a primitive part of the brain and this impulse to smile is not yet connected to systems of cognition or emotion.

These beautiful first smiles are appropriately known in Italian as sognando gli angeli, or “dreaming of angels”.

baby smile and development

Your darling 6-8 month old baby is turning into a social butterfly, with smiles to go along!

2. Social smiles

When your baby is around six to eight weeks old, he or she will start smiling in response to external stimuli, such as hearing your voice and seeing your face.

Your baby will smile less when alone and more when people are around, especially favourites like mum, dad and siblings.

You only have to think of the “still face” experiment, where little ones aged three months and older will become upset if an adult who has been smiling at them suddenly stops.

Also at around the same age, babies who are smiling and gazing at a parent will look away on their own while still smiling.

Experts believe this indicates emotion regulation — they are taking a break from the intenstity of one-on-on interaction.

3. The Duchenne smile

You’ll see this smile in babies aged between two to six months of age. It is characterised by raised cheeks and constricted eye muscles and takes place in response to their parents’ smiles.

This kind of smile indicates intense emotion, say experts.

baby smile and development

The open mouth smile is one of the best indicators that your baby is really, really happy!

4. The “open mouth” or playful smile

Tickle your little one at around age eight months and you’ll see this smile, which is a raised-cheek, curled-lips, open-mouthed grin!

According to researchers, it is the strongest expression of joy in a baby of this age and usually occurs when you are playing with your little one or engaging with them in another positive way.

anticipatory smiling

“Mum, these toys are so cool!”, is probably what your little one is trying to tell you with her “anticipatory smile”

5. Anticipatory smiling

When babies are around six months old, they increasingly involve toys into their interactions with people.

For example, they will gaze at a toy then back at an examiner with and without smiling. This is “a sign that they can flexibly engage their own attention and recognize it in others,” Dr. Messinger says.

This kind of smile, when it happens, is a developmental milestone known as anticipatory smiling, first identified by researchers in 1990.

Investigators got babies between the ages of eight and 12 months to play with toys, with their mums sitting behind them. When the toys made a noise, the little ones would smile in reaction, with some of the older babies also turning to their mothers while still smiling.

baby smile and development

Hearing and seeing a baby’s laugh is one of the best things, ever!

6. Laughing

Before they can speak, babies laugh at funny situations, even creating them themselves at around nine months of age, observe researchers.

Psychologist Vasudevi Reddy, professor of developmental psychology at the University of Portsmouth in the U.K., found that most babies under the age of one will exhibit quite a few “clowning” activities that adults engage in, such as blowing raspberries to offering a toy and snatching it back.

Little ones at this age also become more and more aware of their audience’s reaction to their antics, which is another sign of their developing ability to engage with others. Some babies at around seven months old will even start laughing and then stop of others close to them didn’t join in.

Experts say that this behaviour shows how little ones, even at such a young age, are aware of other people’s emotions and will “adjust their emotional responses to match.”

Parents, with all this information, it’s important to not get worried if your baby is not smiling in a particular way by a certain age.

As Professor Messinger, who was earlier quoted in this article, says, “What’s important is to be there, be calm and enjoy the moment.”

Do share your thoughts on this article with us by leaving a comment below. 

The post Your baby’s smile: what can it tell you about his development? appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Toddler Development: Ika-16 Buwan ni Baby

$
0
0

Alamin ang mga nakakabilib na kaya nang gawin ni baby sa edad na ito!

Ang inyong munting anghel ay handa na para sa mundo! Isang mundong siya ang bubuo, ayon sa kaniyang imahinasyon. Yayabong na ang pagkamalikhain niya, ang pagkatuto ng problem solving, ang pagiging masiyahin at mapaglaro, sa exciting na yugto na ito ng toddler development.

Napansin mo ba na malakas ang pag-“vroom vroom” ni bunso kapag “pinapaandar” ang mga laruang kotse niya? Ito na ang simula ng pagyabong ng imahinasyon niya! Ito ang isa sa pinanakakapanabik sa edad na ito.

Ang mundo niya ay hindi limitado lamang ng nakikita niya sa kaniyang harap. Ito ang simula ng mga laro, kuwento, at isang masayang mundo ng creativity at fantasy.

Physical Development

Kailangan mo na ng mata sa likod, dahil mabilis ang mga paa at kamay ni baby ngayon—maliksi at mahirap pa ngang habulin minsan. Kapag tahimik siya, mas nakakakaba pa, dahil paniguradong may ginagawang milagro.

Ang iyong 16-buwang-anghel ay nagsasanay sumampa, umakyat, tumakbo, maglakad, dumakma ng laruan at magtapon din. Nakakapagod magligpit at magpulot, pero kailangang hikayatin ito dahil bahagi ito ng kaniyang development.

Kung kaya-kaya na niya ang paglalakad, susubok na siya ng mas marami at mas mahirap pang mga pisikal na gawain. Magiliw niyang bibitbitin ang isang stuffed toy  at maglalakad papunta sa iyo para iabot ito (hudyat na nakikipaglaro siya, o gusto ka lang niyang pangitiin). Panoorin siyang maglakad ng patalikod o patagilid din.

Bahagi ng 16-buwang milestone ni baby, kaya na niyang kumain mag-isa, nang may kaunti ngunit hindi na kasindami ng kalat tulad ng dati. Sanayin pa siya at di magtatagal ay magiging eksperto na rin siya.

Mga gawain para sa physical development:

Kung maganda ang panahon, maglakad sa labas dahil ito ang paborito niyang gawin ngayon. Lahat ng bagay sa labas ay susuriin niya—mga halaman, bulaklak, pati mga damo ay source of wonder niya. Masaya niyang pagmamasdan ang mga bus, kotse at tao na dumadaan. Dalhin din siya sa beach para maglaro ng tubig at buhangin, at maghanap ng mga isda, pagong, at shells, o di kaya ay magpunta sa park para umakyat, lumundag, magtatakbo, at maglaro sa playground.

Kung masyado pa siyang maliit para umakyat sa monkey bars o sa slide, maupo kasama siya at samahan siyang magmasid at manuod ng mga mas malalaking bata. Sa pagmamasid na ito siya matututo ng mga bagay na susubukan niyang gawin pagtagal.

Para mahikayat ang fine motor skills niya, subukan ang imaginary food play. Bigyan siya ng manyika, tea set, o mga laruang pinggan at lutuan, at mga laruang prutas at gulay. Ipakita sa kaniya ang paggamit ng mga laruang siyanse, kutsara at tinidor, laruang kutsilyo, para masanay ang pincer grip niya, pati ang hand-to-mouth coordination, pati concentration.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung ang bata ay naglalakad pa rin ng patingkayad, at hindi lapat ang buong talampakan sa sahig.

Kung palaging nadadapa o nahuhulog

Kung hindi pa nagsisimulang humawak ng kubyertos o crayons at lapis para mag-scribble

Cognitive Development

Mula 16 hanggang 18 buwan, makakakita na ng pagbabago sa cognitive toddler development: hindi na siya simpleng gagaya lang nga galaw o salita, magsisimula na siya ng symbolic play. Kaya nga mahilig na siya ng mga laruang pagkain, pangluto, mga sasakyan, laruang telepono, para maglaro ng “pretend” o pagkukunwari. Kung ano ang nakikita niyang galaw o gawain ni Mommy at Daddy, gagayahin niya ito, at dadagdagan pa ng sarili niyang imaginative play.

Isa itong nakatutuwa, bukod pa sa ito ay isang major development. Malawak ang imahinasyon niya, at natutuwa siyang magkunwari.

Ngayong buwan ding ito ay gustung-gusto niyang gamitin ang limang senses niya sa pagdiskubre. Maaaring di pa niya lubusang nahahasa ito, halimbawa ay ang pang-amoy niya sa mga pagkain (di niya naaamoy ang manok na nakasahog sa pagkain niya) pero sa tamang pagsasanay, mapapaghusay niya rin ito.

Patuloy ang progreso ng cognitive skills niya, pero ang attention span niya ay maikli pa rin ang attention span niya. Makukuha lang ang focus niya ng ilang minuto, at madali din siyang madidistract. Makikita siyang naglalaro ng blocks at gumagawa ng tower, malingat ka lang ay nasa ibabaw na siya ng sofa at akmang tatalon.

Kausapin siya palagi at bigyan ng mga simpleng instructions, tulad ng “Pakikuha ang sapatos mo, at isusuot ko sa yo” “Tulungan mo akong magligpit ng laruan” at iba pa.

Mga gawain para sa cognitive development:

Maglaro ng mga games na magbibigay sa bata ng pagkakataon na makarinig at sumunod sa mga simple at one-step instructions. Mga larong tulad ng “Simon says” o  “Freeze!” game, ay nakakatuwa at nakakatulong sa development ng bata.

Magkaron ng mini-treasure hunt sa bahay at magtago ng mga paboritong bagay ni baby, para hanapin niya. Mag-ensayo sa pagpapangalan sa mga ito para masanay ang language skills niya.

Kung na-master na niya ang pagturo at pagpapangalan sa mga bahagi ng katawan at mukha, subukan naman ang larong “Mirror me”.

Maglagay din ng isang kahon para sa mga costume at iba pang gamit o props para sa Dramatic o Pretend Play ni baby. Ito ang panahon na magsisimula siyang sumubok magsuot ng kung anu-ano, magbitbit ng laruang bag, o kaya maglaro ng mga gamit ng doktor, firefighter, panluto at marami pang iba.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi nakakasunod sa mga simpleng instructions o utos/pakiusap

Hindi makapagsabi ng mga pangalan ng mga bagay sa paligid niya, o bahagi ng katawan

16 month old development and milestones

Social at Emotional Development

Bahagi ng development ng 16-buwang-gulang na bata ay nakakakilala na siya ng mga pamilyar na tao. Pero ang konsepto ng sharing ay hindi pa rin niya natututunan ng lubusan. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa sarili at sariling pangangailangan lang.

Huwag mag-alala kung ang munting anghel ay hindi pa rin handa sa pagpapahiram ng mga laruan niya—kahit hindi naman niya ito nilalaro. Tandaan ilang buwan lamang ang nakaraan, at hindi pa niya naiintindihan na ikaw at siya ay dalawang magkaibang tao. Lahat ay matututunan niya sa tamang panahon.

Ang mga magulang ang may importanteng papel sa pagtuturo ng iba’t ibang emosyon kay baby, pati na ang konsepto ng empathy. Pangalanan din ang mga emosyon tulad ng “Umiiyak ka, bakit?” “Malungkot ka ba?” “Nakakatuwa ba ang laruang ‘yan?” Sa pagkatuto ng mga ito, matututunan din niyang maintindihan ang mga nararamdaman niya. At kapag nakikita niya ito sa iba, maiintindihan niya din na ang ibang tao ay may parehong pakiramdam din.

Kung may matinding attachment si baby sa isang magulang, huwag itong pabayaan palagi. Siguraduhing makakasama niya at may oras siyang makapiling ang parehong magulang, at ibang kamag-anak at tagapag-alaga din, para hindi rin kayo mahirapan. Magkaron ng “Mommy time” at “Daddy time” na isa-isa niya kayong kasama, bukod pa sa oras niyong magkakasama. Sa simula ay iiyak siya, pero tatahan din ito kapag nakita niya na may exciting kayong gagawin. Paghandaan ito para maging memorable at makabuluhan para sa kaniya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:

Kumanta at sumayaw kasama si baby, lalo na kapag umiiyak siya o hindi maganda ang mood. Madali siyang madidistract sa sarili niyang emosyon kapag nakakarinig ng tugtog. Kausapin siya tungkol sa nararamdaman niya, pero turuan siyang mag-move on at ibaling ang pansin sa ibang mas masayang bagay. Epektibo din ito kapag nagsisimula pa lang ang sumpong o pag-iyak.

Kapag naglalaro, ituro sa kaniya kung paano maghintay ng “turn” niya. Ang “ikaw, tapos ako” o “your turn, my turn” ay isang mahalagang kakayahan para sa isang toddler.  Nasasanay ang kakayahan niyang maghintay, na isang hakbang sa maunlad na emotional development. Kasama dito ang pagpapakita sa kaniya kung ano ang empathy, at magugulat sa pagiging generous at caring ni baby.

Bigyan pa rin siya ng pagkakataon na maglaro nang sa sarili lang niya at pumili ng larong gusto niya. Mahalaga ito para sa umuunlad na independence at confidence niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi pa siya nagpapakita ng affection sa mga kamag-anak o magulang niya

Kung hindi nagpapakita ng interes sa pakikipag-usap o pakikipaglaro sa iba

Speech at Language

Oo, ang iyong toddler ay nakikipag-usap na. Hindi man ito ang makabuluhang pakikipag-usap, pero mahalaga ito para sa kaniya dahil nagsisimula na siyang magsabi ng nararamdaman at iniisip niya, at handang makinig sa sasabihin ng kausap. Napansin mo bang ginagaya din niya ang paraan ng pakikipag-komunikasyon mo?

Kasama na rin dito ang paggaya niya sa pagsasabi mo ng “No” o “hindi” sa kaniya. Kaya isa ito sa pangunahing salita na uulit-ulitin niya. Nag-eeksperimento siya ng mga salita at hinihintay niya din ang reaksiyon ng mga magulang o kausap, na bahagi ng development niya.

Marami na siyang matututunan na salita sa edad na ito, kahit hindi pa gaanong malinaw. Hintayin ang pagbuo niya ng kataga at pangungusap, paglaon. Lalo kung binabasahan siya ng libro gabi-gabi, o palagi.

Huwag magulat kung kumakanta na rin siya o nakakaalala ng mga nursery songs na palagi niyang naririnig. Mas mabilis ang pagkatuto at pag-alala niya kung palagi siyang pariringgan nito.

Mga gawain para sa language at speech development:

Kausapin ang bata ng buo—gumamit ng buong pangungusap at kapag narinig siyang magsabi ng isang salita, ilagay ito sa isang kataga o pangungusap din: kapag sinabing “Dog”, tumugon ito sa pagsasabi ng “Yes, taht’s a dog.”

Mag-ingat din sa pagsasabi ng “no” kapag kausap ang iyong toddler. Baka masanay siyang ito lang ang sabihin kapag ito lang ang naririnig niya.

Patuloy siyang basahan ng mga libro at kantahan ng mga nursery rhymes, dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng mga pangalan ng mga bagay, mga bagong salita at kahulugan nito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung hindi pa bumibigkas ng mga salita

Kung hindi man lang kumakaway o nagpapakita ng anumang gesture

Kung hindi tumutugon sa tawag ng pangalan niya

Kalusugan at Nutrisyon

Hindi lahat ng bata ay gutom pagkagising, lalo kung maraming nakain sa hapunan nung nakaraang gabi. Minsan ay magugutom ito pagkalipas ng dalawang oras pa pagkagising.

Paiba-iba ang oras ng gutom at kain ng bata sa edad na ito, pati ang gana niya. Isang araw ay nakakakain siya ng tatlong bowl ng porridge, kinabukasan ay halos talong kutsara lang ang gustong kainin. Isang araw ay gusto niya ng isda, sa susunod ay ayaw man lang niya itong hawakan.

Ang timbang ng 16-buwang gulang na bata ay karaniwang mula 9.6 hanggang12.2 kg at may taas na mula 79.5 hanggang 85.0 cm. Malamang ay ayaw pa rin niyang umupo sa high chair niya, at masyadong excited at aktibo para umupo at kumain ng buong meal.

Huwag mag-alala. Basta’t aktibo at pisikal na lumalaki ang bata, kahit pa hindi ito masyadong magana kumain. Importanteng ibigay pa rin ang pagkain sa tamang oras at patuloy na subukan siyang kumain. Ang mga toddlers ay may maliliit na tiyan at bituka, at hindi masyadong kakain. Bigyan siya ng nakakabusog na meryenda tulad ng crackers at prutas, at iwasan ang pagbibigay ng matatamis dahil hindi ito mabuti para sa kalusugan niya.

Patuloy siyang pakainin ng whole grains, protein at prutas at gulay. Bigyan siya ng 3 servings ng kalahating tasa ng kanin, 1 tasa ng prutas (hiniwa-hiwa), 1 tasang mashed potato o tinadtad na gulay, 2 servings ng manok o anumang poultry na kasukat ng 1/3 ng palad niya. Huwag kalimutan ang 2 tasang gatas kada araw.

Huwag kalimutan ang bakuna niya sa buwan na ito tulad ng DTaP. Asahang makakaranas siya ng mild diarrhoea, lalo kung mahilig mahilig siyang magsubo ng kung anu-anong bagay na madampot niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor:

Kung nahihirapan pa rin siyang ngumuya at lumunok ng pagkain

Kung hindi pa rin marunong kumain mag-isa at walang tulong.

*Tandaan na ang development milestones ay iba-iba para sa bawat bata. Kung nag-aalala sa lakusugan at development ng bata, huwag mag-atubiling kumunsulta sa pediatrician.

Source: WebMD

Isinalin mula s wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-16-months/

The post Toddler Development: Ika-16 Buwan ni Baby appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Help your toddler do these 5 nakaka-wow moves for their development

$
0
0

Parenthood is a tough balancing act between safeguarding your children and giving them enough space to grow. Before babies even learn to roll over, we are constantly reminded never to leave them unattended!

There is a fine line, however, that separates keeping babies safe and keeping them too safe. It may seem contradictory, but the best way to keep them from getting hurt is to actually allow them to be active, practice and learn through experience in a safe environment. By allowing them to move freely, they will learn how to balance better, and coordinate different body parts. What’s more, they will develop confidence in themselves and their abilities.

Mastering physical skills takes time and practice – in other words, baby steps! Each milestone also serves as the foundation for higher-level movements. For example, cruising allows a toddler to strengthen leg muscles without having to worry too much about balance. Without these strengthening exercises, learning to walk without holding on to anything will be impossible. This progression is called developmental continuity.

Developmental continuity is not just limited to physical skills, however. A study has shown that early mastery of motor movements is linked to the development of important adaptive skills — the ability to adjust to change — and cognitive skills such as memory. Plus, seeing your child beam with pride after accomplishing a feat independently is priceless!

Might be okay to leave this sentence out as this does not build the point of the article.

Setup for Success

Aside from teaching your child to walk, you may want to stretch his limits by seeing if he will do slightly more complex movements. Check out the toddlers in this video who wowed their parents. Although their moms were initially worried, notice how the children managed to happily move around and play when they were being gently encouraged. They weren’t prevented from trying, and they rose to the challenge.

To help your baby do amazing moves, ensure that conditions are just right. This may mean choosing the right time based on your baby’s energy level. Or it may be about finding a well-lit, clear area where there’s nothing that might cause accidents. For example, cover sharp corners and secure anything they might climb over or pull.

What baby’s wearing is important, too. Did you know that “lawlaw” diapers might hinder a child from balancing properly?   It is not just uncomfortable; the added weight and too much bulk between the legs may adversely affect an infant’s gait — the way your adorable little one walks. Consequently, this may discourage movement altogether! If you can imagine walking around with a bulky bag between your thighs, you get the picture.

Success in doing new skills will also hinge on providing your child with a sense of security. When your little one feels that she can try – and fail – in a safe environment, this encourages exploration. You, or another grownup, can help extract your child from a distressful situation if needed (some children might not yet be ready to go down a slide, for example). To maximize learning and make it easier to ask your child to perform the skill in the future, describe what the child is doing as it happens so that the actions become associated with words.

Prepare to be Wowed

Here are five play exercises (“playcercises”) that your child might be ready to do right now!physical activity for toddlers

SLIDEN’WOW!


Starting with a toddler-sized slide (about three feet long), place your child at the top and wait at the bottom with arms outstretched. Get ready for a workout if your child wants to do it again (and again and again). Check every so often to see if she’s ready to climb up by herself! Teaching her to use the slide makes her feel independent and more comfortable in a playground setting. This feeling of independence and confidence in her abilities is perfect not just for physical skills but also, eventually, for meeting and learning how to interact with other children.Physical activity for toddlers

WOW-VERTHEBARRIER!

Call your baby from the other side of a low, steady barrier and see if she will attempt to cross over. This playcercise is crucial for teaching your child how to safely go down from a bed or a step stool. Once she masters this technique, you might not be able to leave her in a crib anymore!Physical activity for toddlers

GO-BABY-GOAL!

Simply put a ball in front of your child and ask her to kick it. If she picks it up instead, try to demonstrate kicking the ball first. Slowly progress the skill to kicking towards a certain direction, then towards a goal or target. Not only is this great practice for future involvement in sports, your child is also subconsciously observing how different forces interact to move objects (that’s Physics!). Who knows? You might have a champion footballer or award-winning scientist in the making.Physical activity for toddlers

BABYSQUAT!

Squatting is a great exercise — and not just for grownups. Try to place a toy on the floor and see if she squats to pick it up. You might be surprised by how well she can balance her body weight already. This is a great time to teach her how to pack away her toys after playing, too. Instead of bending over to get something from the ground, most young children squat down. Encourage them to squat even as they grow older because the position is better for the spine and even makes bowel movements easier.Physical activity for toddlers

SKYHIGH!


Children love reaching for high fives and they can learn coordination and perseverance while they’re at it. Instead of always asking for a high five that’s easy for your child to reach, ask for one above her head — or even higher — so that she needs to tiptoe or jump in order to reach your hand.  As she learns to balance while shifting her weight, she is well on her way to jumping higher or hopping on one leg.

Remove Barriers

Remember, if your child isn’t ready to do the moves, don’t force her or show disappointment. Just keep the opportunities to move around available. Shower her with praises even if she can’t quite do it perfectly yet.

Be on the lookout for barriers to free movement like a caregiver who insists on always carrying your baby, allowing your child to spend too much time using gadgets or watching TV — or a bulky diaper.

The folks behind the design of Pampers Dry Baby diapers understand how a “lawlaw” diaper makes it harder for babies to balance and practice their gross motor skills. The diaper’s magic gel channels absorb moisture faster and more evenly, preventing it from sagging and restricting the toddler’s movements.

Worrying is a part of parenthood that will never go away (just ask parents of teenagers!). But, as a mother bird knows, the best way to keep our chicks from falling is to teach them how to fly! Moms, with a less “lawlaw” diaper like Pampers, you can surely let your toddlers enjoy moving freely and set them up for future success.

Your baby can wow you too with less “lawlaw” diapers! Join the Wow, My Baby Can Do That Challenge and get a chance to win as much as three months’ worth of Pampers diapers and other prizes. Just capture the priceless moments of your baby trying the five playcercises above and share how proud you are of your galing baby!.

The post Help your toddler do these 5 nakaka-wow moves for their development appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-17 buwan

$
0
0

Ito ang “cute” na edad ni baby, pero higit pa dun—napansin mo ba kung gaano na kabilis ang paglaki niya? Alamin ang mga mahahalagang milestone ng iyong anak ngayong 17 buwan na siya.

Mahigpit at sigurado na ang paghawak niya ng mga bagay ngayon. Mabilis ang development ni baby, pagdating sa pisikal na aspeto, at ang pincer grip niya ay na-master na niya sa ngayon. Ibig sabihin ay kakayanin na niyang sumubok na magbukas-sara ng zippers at humawak ng lapis o crayon. Sa emosiyonal na aspeto, nagsimula na siyang makilala ang mga iba’t ibang emosyon na nararamdaman niya at nededevelop na rin ang empathy niya. Natututunan na niyang maintindihan ang pakiramdam ng ibang tao, kaya’t isa itong exciting na journey para sa buong pamilya!

Bukas, sara, on at off, zip at unzip, lahat ay nakakaya nang gawin ni baby! Dapat talaga ay gawin ito ng paulit-ulit, para lalo pa niyang mapagbuti ang pagkatuto.

Physical Development

17 month old development and milestones

Habang mabilis na umuusad ang gross motor development ni baby, kasunod na nito ang fine motor skills niya.

Bigyan na siya ng lapis, crayon at papel, at panoorin siyang mag-drawing ng iba’t ibang larawan. Kaya na rin niya ang paghawak ng malaking zipper, at hilahin ito pataas at pababa, nang may tulong mula kay Mommy o Daddy.

Susubukan na din niya ang pagbubukas ng pinto gamit ang doorknob, pati na ang pagbubukas ng mga drawers. May mga natututo ding magtanggal ng diaper nila lalo kapag naiinitan na. Kaya’t bantayan mabuti si baby! “Cute” pa din naman ang kakulitan niya, bagamat nakakapagod minsan. Kung binibigyan niya ng pansin ang pagpunta sa banyo ngayon, maaaring handa na siya para sa potty training.  Bagamat karamihan sa mga bata ay hindi pa lubusang nagkakaron ng kontrol ng bladder nila hanggang mag-2 taong gulang, may mga nakakapagsimula na sa edad na ito nang may gabay. Madalas ay humihingi pa ng tulong kay Mommy o Daddy para mapaalala kung kailan pupunta sa banyo, pero magandang simula na ito.

Hindi pa buo at matatag ang coordination niya. Madadapa, matutumba, at babangga palagi sa silya, lamesa—pero huwag mag-alala dahil normal na bahagi ito ng development niya.

Mahihilig din siya sa pagsayaw kung palaging pinapatugtugan ng mga masasayang musika. Kahit pa hindi siya sakto sa ritmo, pero nakakatuwa pa rin dahil makikita ang galak sa mga mata niya. Ang isa pang exciting na bagay sa edad na ito ay ang pagkakaron ng hand preference ng bata—kung kaliwete ba siya o kanan ang gagamitin sa pagsusulat o iba pang bagay.

Mga gawain para sa physical development:

Lumabas at makipaglaro kay baby. Tumakbo, maglaro ng bola, magbisikleta—samantalahin kapag maganda ang panahon.

Kung nasa loob ng bahay, magpatugtog ng musika, bigyan din si baby ng mga laruang gitara, piano, drums—o gumawa ng sariling musical instruments. Kumuha ng nahugasang plastic water bottle, bigyan si baby ng hilaw na pasta, corn kernels, mga shells o bato na pwede niyang ipasok sa loob ng bote. Kahit konti lang ang laman, takpan ang bote, idikit o lagyan ng tape at mayron ka nang shaker! Matutuwa si baby na alugin ito na parang maraccas. Kumanta, sumayaw, mag-yoga o mag-ehersisyo, at siguradong pareho kayong mag-eenjoy ng bata. Higit sa lahat, nasasanay pa ang coordination, rhythm at galaw ni baby.

Maglatag ng mga lumang diyaryo o papel, at bigyan si baby ng crayons para mag-drawing. Ipakita sa kaniya kung paano gumuhit ng linya, bilog, parisukat, bulaklak at kung anu-ano pang hugis para masanay din ang hand control niya, pati ang pagkilala niya sa mga kulay at bagay.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung hindi pa pumupulot ng mga maliit na bagay gamit ang mga daliri at kamay

Kung hindi pa nakakapaglakad

Kung hindi ginagamit ang parehong kamay o braso, at paa at binti

Cognitive Development

Ang mas mahusay na pincher grip ay nangangahulugan din na handa na siya sa mas komplikadong yugto ng mga laruan para sa toddler development: sorting games! Bigyan siya ng mga shape sorting cubes, makulay na stacking cups, blocks at wooden puzzles na may knobs o hawakan, para makuha niya ang bawat puzzle piece.

Kapag nagtuturo ng hugis ng mga bagay, banggitin din ang kulay ng mga ito. May mga toddler na nagkakaron kaagad ng paboritong kulay 9tulad ng dilaw, na popular sa mga bata) pero huwag mag-alala kung hindi pa siya kaagad interesado o nakakaalala ng mga pangalan ng kulay at hugis. Simula pa lang ito, kaya huwag mainip. Pagtiyagaan ang pagtuturo at makukuha niya rin ito.

Mahihilig din siyang magsubo ng mga bagay sa bibig. Normal lang ito dahil nasa sensory stage siya ng development, kung saan ang lahat ng pagkatuto niya ay sa pamamagitan ng kaniyang 5 senses—kasama na ang sense of taste. Siguraduhing nahuhugasan ang mga laruan niyang madalas na sinusubo at punasan palagi para maiwasan ang pamamahay ng mikrobyo dito.

Makikita ang pag-usad ng development at milestones ni baby sa mga kaya na niyang sabihin, kilalanin, at maalala. Mapapansin na niya ang mga maliliit at malalaking detalye, tulad ng sapatos at damit ni Mommy, o kapag binago ang lugar ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng sofa at lamesa.

Mga gawain para sa  cognitive development:

Bigyan siya ng mga simpleng instructions tulad ng pagliligpit ng laruan niya o pagkuha ng sariling sapatos kung paalis kayo ng bahay.Makipagkuwentuhan din sa bata, at pag-usapana ang mga napuntahang lugar, nakita o nakilalang tao, para masanay ang pag-alala o memory.

kapag nagbabasa ng libro, tanungin siya ng mga bagay na nakikita niya sa mga pahina. Ilatag ang mga makukulay na blocks at shapes at tingnan kung naaalala niya ang kulay at hugis. Ipakita sa kaniya kung paano pagsama-samahin ang magkakapareho—ng kulay, ng hugis, at iba pa.

Mas interesado na siya sa mga iba’t ibang bagay ngayon, kaya’t hidi kailangang gumastos sa pagbili ng mamahaling laruan. Magugulat ka na mas interesado pa siya sa kahon ng laruan kaysa sa mismong laruan. Bigyan siya ng mga kahong walang laman, mga laruang plato at kubyertos, plastic bottles na walang laman, at iba pang mga bagay na ligtas pero para sa kaniya, interesting ang mga ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung hindi nakakabuo ng tower sa pamamagitan ng pagpapatong ng hanggang 3, o mas marami pang bloks

Kung hindi nakakasunod sa simpleng instructions

Social at Emotional Development

Ang iyong toddler ay patuloy na natututo na ng maraming bagay tungkol sa mundong ginagalawan niya, emotionally at physically. Marami na ang emosyon na nararamdaman niya, mula tuwa at lungkot, hanggang galit at frustration.

Pangalanan ang mga emosyon niya kapag nakikita ito: “Malungkot ka?” “Alam kong naiinis ka na” “Nakakatawa di ba? Ang sayang laruin nito.” Gawing simple ang pagpapangalan, at ipakita na naiintindihan mo ang pakiramdam niya at tutulungan mo siya sa  kung ano man ang kailangan niya.

Nagsisimula na rin siyang maintindihan na minsan ay pareho kayo ng nararamdaman, na basehan ng pagkilala niya sa konsepto ng empathy.

Asahan na minsan ay hirap pa si baby na harapin o kilalanin ang nararamdaman niya, lalo na kung bago ito. May mga naghahanap o nangangailangan pa ng comfort toys, tulad ng stuffed toy, kumot, pacifier, at iba pang bagay na gusto niyang hawakan o yakapin kapag nalulungkot. Habang lumalaki, unti-unti ding matututunan ang pagwawalay sa mga comfort toys na ito.

Ang mga boundaries, routines at consistency ang kailangan ni baby para makaramdam ng seguridad. Mas tutugon din siya kung sasabihin sa kaniya ang gagawin, kaysa sa hindi dapat gawin. give him a sense of security. Maging realistic sa mga inaasahan mula sa bata. Tandaan na marami ang nasasa isip niya at doble pa ang trabaho ng utak niya. Hindi lahat ng rules ay maaalala niya agad.

Ikaw pa rin ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya, at ang atensiyon at approval ng magulang. Lahat ng praise mula kay Mommy at Daddy ay ikatutuwa niya, at magiging inspirasyon niya na higitan pa ang nagagawa niya. Yakapin at halikan siya, at palaging kausapin ng may positibong pananalita para mapanatili ang tuwa sa mga mata niya.

Mga gawain para sa socio-emotional development:

Ito na ang panahon para turuan ang bata tungkol sa konsepto ng “sharing”.

Sa pagpapaliwanag ng limitasyon at boundaries, gumamit ng malilinaw na salita at maikling paliwanag, para mas maintindihan niya.

Kapag binabasahan siya ng libro, ituro ang mga bagay sa litrato at pansinin ang mga emosyon ng mga tauhan, at pag-usapan ito. May kani-kaniyang bilis ang development ng mga bata, kaya’t huwag madaliin. May mga batang uupo lang sa isang tabi at hindi kikibo, may mga nagwawala at umiiyak ng malakas, bilang paraan ng nagpo-proseso ng emosyon.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung ang mga emosyon ng bata ay paiba-iba, at hirap sa transisyon mula isang gawain papunta sa susunod

Kung hindi nagpapakita ng emosyon ang bata, lalo na sa mga taong malapit sa kaniya

Speech at Language Development

17 month old development and milestones

Ang speech niya ngayon ay tungkol sa pagbigkas ng tunog, at ang iyong toddler ay nagsusubok ng maraming paraan para gumawa ng tunog. Isang minuto ay bumubulong, susunod na minuto ay nagsisisigaw na ito.

Bahagi ng toddler speech development ay ang pagsasanay ng kaniyang bibig, dila at vocal cords, at paggalaw nito sa iba’t ibang direksiyon para makabuo ng bagong tunog at salita.

During his 17 month old development and milestones, you can begin introducing descriptive words because he can understand better now. Before, communication was simple, noun and verb. Now you can add in adjectives, like: “Look, there’s a white flower” and “do you see the big doggie?” Very soon you will hear him describing things back to you!

May mga instructions na komplikado pa rin para sa bata, kahit pa one-step instructions ito. May pitong salita—o higit pa—na ang natutunan at palaging ginagamit ng bata, at nabibigkas niya ng tama. Tulungan siyang matuto pa ng mas maraming salita at gamitin ito sa pangungusap o kataga. Magbasa pa ng iba’t ibang libro kasama siya, kumanta at makipag-usap palagi para masanay pa ang pakikipag-usap niya.

Mga gawain para sa language and speech development:

Mag-imbento ng mga laro tulad ng whispering contest, o pagkanta ng mga nursery rhymes o songs gamit ang iba’t ibang boses (malakas, mahina, pabulong, pasigaw, galit, malungkot, masaya). Magkunwaring kayo ay lion o dinosaur, at magkasamang mag-roar. Magkaron din ng paligsahan sa pagkanta, o kung sino ang mas malakas kumanta.

Kapag nakikipag-usap sa iyong toddler, samahan ng galaw ang sinasabi. Pati ang mga kanta ay mas maaalala niya kung may kasamang galaw na nagpapakita ng kahulugan nito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung wala pa siyang nasasabing salita, o hindi pa nakikipag-usap sa kahit kanino

Hindi siya tumutugon sa tawag ng pangalan niya.

Kalusugan at Nutrisyon

Paiba-iba din ang eating habits niya sa edad na ito. May mga gusto siyang pagkain ngayon, at bukas ay ayaw na niya ito. Minsan ay palaging gutom, minsan ay ayaw kumain ng kahit ano.

Ang timbang niya ay nasa 12.0 kg hanggang 15.2 kg at may karaniwang taas na 82 cm hanggang 86.0 cm.

Huwag mag-alala. Patuloy na bigyan siya ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon. Bigyan din siya ng iba’t ibang klase ng pagkain, at gawing relaxed at komportable ang kaniyang paligid kapag kumakain. Kung ayaw niyang kumain, hayaan siya dahil hindi mo rin ito mapipilit. Kakain din siya kapag nagutom. Kapag hinayaan siya na tumugon sa sariling gutom niya, makakatulong ito na magkaron siya ng positibong pagkilala sa pagkain.

Kailangan ng isang toddler ng 1,000 hanggang 1,400 calories sa isang araw, depende kung gaano siya ka-aktibo. Kailangan niya ng 3 servings ng kalahating tasa ng lutong pasta, 1 cup ng prutas, 1 cup ng lutong mashed o tinadtad na gulay, 2 servings ng isda o karne na kasukat ng 1/3 ng iyong palad. Kailangan din niya ng 2 cups ng dairy, tulad ng yoghurt o gatas.

Siguraduhing mabakunahan si baby ng DTaP at iba pang bakuna na kailangan ng bata sa edad na ito. Magbasa tungkol sa paggamot ng sipon at ubo, at ear infections, dahil ang mga ito ang mga karaniwang health concerns sa edad na ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Kung hindi maayos ang pagkain ng bata, at hindi balanse ang diet niya

Kung ang bata ay aktibo at hindi bumibigat ang timbang, o masyado na siyang mabigat

*Tandaan na ang development milestones ay iba-iba para sa bawat bata. Kung nag-aalala sa lakusugan at development ng bata, huwag mag-atubiling kumunsulta sa pediatrician.

Source: Kids Health

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-17-months/

The post Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-17 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-19 buwan

$
0
0

Naririnig mo ba ang tunog ng “click-clack” sa sahig? Oo, nadiskubre na ng toddler mo ang shoe cabinet, at iniisa-isa na niyang isukat ang mga sapatos ninyo. Ang kailangan lang niya ay ilang boundaries para maging ligtas pa rin ang paligid niya habang tinutuklas niya ito.

Palagi siyang “on the go”, tumatakbo, gumagapang, nagsasayaw, sumasampa sa kung saan—anumang oras, kung saan-saan sa loob (pati nga sa labas) ng bahay. Ang taas ng energy level niya, kaya dapat ay mapantayan ng mga tagapag-alaga. Lahat ay bubuksan at isasara, iinspeksyunin, at kakalikutin. Handa ka na ba sa walang humpay na habulan?

Physical Development

Ihanda na ang damit panlabas at sapatos dahil oras na para ilabas ang iyong toddler!Outdoor fun ang katapat ng high energy niya, kaya’t maghanap ng magandang park at playground kung saan kayo pwedeng pumunta at kung saan makakakilala si baby ng mga bagong kalaro. Kailangan niya ng malawak—at ligtas—na lugar para makatakbo, magbisikleta, maglaro ng bola kasama si Mommy at Daddy. Mas magaling na siyang bumato, sumalo at sumipa ng bola ngayon.

Tips

Ang fine at gross motor skills niya ay mahihinang sa edad na ito, kung maraming pagkakataon na maibibigay sa kaniya para sanayin ang mga ito. Bigyan siya ng  iba’t ibang bagay na may iba-ibang bigat at sukat. Mahilig ang mga toddlers na pumulot, bumato, at maghulog ng mga gamit na mahawakan niya. Dito niya maiintindihan ang konsepto ng bigat at sukat, kasama na rin ang kakayahan niyang humawak at gamitin ang mga daliri at buong kamay niya.

At dahil sa dami ng energy na ginagamit niya, kailangan niya ng sapat na oras para matulog at pagpahinga. Nasa 12 hanggang 14 na oras ang kailangan ng isang toddler para mabawi ang energy na ginagamit niya araw araw, kasama na ang pag-idlip sa tanghali. Bawat bata ay iba, kaya’t huwag ipag-alala kung hindi mahilig matulog ang iyong anak, o kung mahirap naman gisingin minsan.

May mga toddlers din na sa sobrang aktibo ng utak sa maghapon, ay nananaginip pa sa gabi at naglalakad-lakad ng tulog. Normal ang sleepwalking sa edad na ito, kaya’t siguraduhing childproof ang kuwarto niya. Kung makitang naglalakad ang bata sa gabi, ibalik lang siya sa higaan at tapikin para makatulog.

development at paglaki sa ika-19 buwan

Cognitive Development

Magsusubok na siyang magbihis mag-isa, na may kaunting tulong na lang ni Daddy o Mommy. Mahihilig din siyang maglaro ng dress-up, gamit ang mga damit ng magulang, o mga costume na pang superhero at iba pa. Huwag na ring magulat kung isusuot ang high heels ni Mommy o tsinelas ni Daddy. Maghanda na rin ng mga sumbrero at shawls dahil nakatutuwa itong paglaruan at isuot.

Kaya na rin niyang gumamit ng kutsara at tinidor sa edad na ito, at uminom sa baso nang walang kalat. Alam na niya na ang kubyertos ay para sa pagsubo ng pagkain, ang gunting ay panggupit, ang laruang kutsilyo ay panghiwa, at ang baso ay para sa mga inumin. Makikita rin niyang paglalaruan ang mga gamit sa bahay tulad ng remote control, at magkukunwaring ito ay cell phone ni Daddy. Ito na ang mga paborito niyang gawin dahil halos lahat ng nakikita niyang ginagawa ng mga matatanda ay ginagaya niya.

Tips

Paborito pa rin niya ang kantang “Paa, tuhod, balikat, ulo” habang tinuturo ang mga bahagi ng katawan at mukha. Kantahin ang mga awit na may kinalaman o gamit ang mga bahagi ng katawan tulad ng “Daddy Finger” o “Where is Thumb Man”.

Kaya na rin ng iyong toddler na sumunod sa mga utos at pakiusap, tulad ng “Maupo muna tayo” o “Kain na”. Hindi lang siya maaasahan na manatili sa pagkakaupo nang matagal, kaya’t habaan ang pasensiya at maging “firm” din sa pinapagawa sa kaniya.

May mga paborito na siyang kumot, laruan, unan ngayon edad na ito. Kapag may tantrums siya, makakatulong ang mga paboritong bagay na ito para kumalma ang bata.

Lahat ng bata ay may kani-kaniyang oras ng pagkatuto. Huwag madaliin ang development, at hayaan siyang tuklasin ang sariling kakayahan at hilig sa araw-araw na paglalaro niya.

Kung napapansin na hindi pa rin nagsasalita ang iyong toddler, hindi ito naglilikot, at hindi man lang tumitingin sa iyo, ikunsulta ito sa kaniyang pediatrician.

Social at Emotional Development

Puno ng pagmamahal para sa iyo—at sa mundo—si baby! Gustung gusto niya ng yakap at halik, bagamat kakawala na siya kapag napatagal na. Mas gusto niya ng maikli at mabilis na yakap, dahil madami pa siyang gagawin!

Tips

Basahan ang iyong toddler araw araw, kahit na 20 minuto lang. Mahihirapan ka minsan na paupuin siya ng ganito katagal, pero masasanay din siya lalo na kung makikita niyang binubuksan mo ang paboritong storybook niya. Pumili ng mga kuwentong maikli, o kaya ay gumamit ng mga laruan o puppets sa pagkukuwento. May mga librong may saliw din na kanta tulad ng mga kwento ni Julia Donaldson at Eric Carle, kaya pag-aralan ito at ituro sa bata habang binabasa ang libro. Kung ayaw niyang maupo, huwag namang pilitin. Kapag nasa mood siya, makikita mong kusa siyang uupo. Mas gusto ng mga toddler ang may interaksiyon, at nakikipaglaro pa rin sa mga adults.

Magsisimula na siyang magpakita ng social awareness, kaya matuwa kapag nag-aabot ng laruan si baby sa kalaro niya. Turuan siya ng salitang sharing at kung bakit ito mahalaga. Hindi niya kaagad matututunan pero di magtatagal ay maiintindihan din niya ito.

Mas makakabuti ang paghihikayat sa mga ginagawa niyang positibo, kaysa ang pagalitan siya kapag may mali. Maikli lang ang attention span niya kaya’t gumamit ng maikli at simpleng salita at huwag pigilan kapag gusto niyang tumigil sa isang gawain para maglaro ng iba pa.

Kung napapansin na hindi aktibo ang bata at parang walang interes palagi sa paglalaro o paglilikot, palaging nakaupo o nakahiga, ikunsulta sa doktor.

development at paglaki sa ika-19 buwan

Speech at Language Development

Karaniwang natututong magsalita ang bata mula edad 8 hanggang 24 na buwan. Huwag mag-alala kung hindi pa bihasa sa pagsasalita ang iyong toddler. May mga late bloomers at early birds, pero lahat ay magiging pare-pareho ang kakayahan pagdating na ng 4 na taon. Basta’t patuloy na kinakausap, kinakantahan at binabasahan ng libro ang bata, mabilis siyang makakapulot ng mga salita at pamamaraan ng paggamit nito sa pakikipag-usap.

Tips

Kung ang bata ay may higit na isang wika o lengwahe, tulad ng English o Mandarin, o kaya ay Cebuano o Bisaya, at kinakausap siya sa mga wikang ito, may mapupulot siyang iba’t ibang salita sa mga wikang ito at minsan ay pagsasamahin niya sa isang pangungusap o kataga. Walang masama dito. Pagdating niya sa edad na papasok na sa eskwelahan, malalaman niya ang pagkakaiba at maiintindihan niya kung kanino at kailan niya gagamitin ang wika.

Sa ngayon, ang mga magulang ang pinakaimportanteng teacher ng bata, kaya’t kausapin siya ng malinaw, iwasan ang baby talk, at gamitin palagi ang mga salitang gusto ninyong matutunan ng bata, sa wikang gusto ninyong gamitin din niya.

Kung may pacifier o dummy pa ang iyong toddler, unti unti nang alisin ito. Sa umpisa lang siya iiyak, pero paniguradong handa na siyang mawalay dito dahil madaldal na siya. Makakahadlang pa ito sa pagsasalita niya, at makakaapekto sa pagtubo ng ngipin niya.

Kalusugan at Nutrisyon

Oo, makalat pa rin minsan ang pagkain ni baby. Huwag mabahala dito. Maglagay lang ng sapin sa sahig at bib sa bata para maiwasan ang mantsa sa mga gamit at damit. Patapusin muna siyang kumain bago maglinis o magpunas kundi ay mapapagod ka lang kakalinis. Ituro din ang pangalan ng mga pagkain para alam na niya sa susunod kung ano ang hinahain sa kaniya, at masasabi niya kung ano ang paborito niyang pagkain.

Pwede na ring magsimulang ipakilala ang sepilyo at paglilinis ng ngipin kay baby. Turuan siya at gawing kagiliw-giliw na habit ito pagkatapos kumain.

Ang mga batang 19 buwang gulang ay karaniwang may bigat na 9.8kg hanggang 12.2 kg, at ang taas ay nasa 79.6cm hanggang 85.0 cm.

Tips

Kahit makalat pa siya sa pagkain, ipagamit pa rin ang kutsara o tinidor sa kaniya. Itanong sa doktor kung kakailanganin ba ng karagdagang vitamins tulad ng A,C at D.

Gawing masaya ang mealtime. Bigyan ng mga prutas at gulay na iba’t ibang kulay, at gawing mga hugis ng hayop, sasakyan at iba pang bagay. Huwag kalimutan ang mga karne na mayaman sa protina, na kailangan niya para mabawi ang energy na nagagamit niya. Mainam pa rin ang gatas, lalo ang gatas ng ina, pero limitahan sa hindi lalagpas ng 600 ml ng gatas sa kada araw.

Patikimin pa rin siya ng iba’t ibang putahe at pagkain, para masanay sa iba’t ibang texture at lasa. Samahan siyang kumain at ipakitang masarap ang mga ito. May mga batang mapili sa pagkain. Normal lang ito, kaya’t huwag pilitin. Unti-untiin at huwag biglain para makasanayan din niya ang lasa.

Makikita din siyang nagsusubo at kumakagat sa mga laruan, lalo na mga malalambot na bagay. Siguraduhing nililinis o hinuhugasan ang mga laruan at gamit sa bahay para maiwasan ang pagtatae dahil sa aksidenteng pagkain ng dumi galing sa mga sinusubo.

Maging alisto, bilang magulang. Huwag hayaang may mga nakakalat na pagkain sa sahig dahil pupulutin ito ng bata at kakainin. Itago ang mga maliliit na bagay na maaaring choking hazard sa bata. Pati ang mga pagkain ay siguraduhing kayang nguyain o hindi babara sa lalamunan tulad ng grapes at mga mabutong pagkain.

May mga batang nahihirapan sa pagdumi o nakakaranas ng constipation sa edad na ito kung walang sapat na liquid intake, lalo na ng tubig. Sanayin ang bata na uminom ng tubig a maghapon, lalo kung mainit.

May mga nagsisimula nang mag-potty train, kundi pa nakapagsimula nang mas maaga. Basta’t nagsimula na kasing magsalita at magsabi ng nararamdaman, maaaring turuan na sa edad na ito. Mas kaya na rin kasi ng bata na mag-kontrol lalo ng ihi, bagamat maaaring mas matagal masanay sa pagdumi. Kausapin ang bata tungkol sa potty training bago tuluyang isabak siya. Magkaron ng trial at ihanda ang sarili sa paglilinis ng mga “pee accidents”, pati na “poop accidents”.

<for the visual>

19 Buwan

Mastered Skills

  • gumamit ng kubyertos
  • nakakatakbo sa hardin at parke
  • kayang magbato ng bola
  • naglalaro ng clay o play dough
  • kayang magsabi ng mga katagang may 2 o higit pang salita

Emerging Skills

  • nakakaintindi ng hanggang 200 salita
  • alam niya kung may mali sa sinasabi ng iba (kapag sinabi ng isang bata na “pusa” ang isang “aso”

Advanced Skills

  • nakakapaghugas at nagtutuyo ng mga kamay nang walang tulong
  • naituturo ang mga larawan o bagay kapag sinabi ang pangalan
  • nakapagsasabi na kung kailangan niyang mag-banyo para umihi

development at paglaki sa ika-19 buwan

Source: WebMD

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-19-months/

The post Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-19 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-20 buwan

$
0
0

Napapalapit na ang ika-2 birthday ni baby—ilabas na ang paintbrush at pintura para sa umuusbong na imahinasyon at creativity ng iyong toddler! Ito at marami pa ang mga bagong skills ng iyong toddler sa edad na ito.

At sa panahong ito ng kaniyang paglaki, si Mommy at Daddy ang gabay niya sa bawat hakbang.

Apat na buwan na lang, 2 taong gulang na ang munting anghel ninyo. Ang bilis ng kaniyang paglaki, hindi ba? Patuloy siyang nagiging independent at nagsusubok ng kayang gawin, sa bawat minuto.

Lahat ng bata ay natututo sa sarili niyang panahon at oras. May mga madaldal at matatas nang makipag-usap sa edad na ito, at mayron namang natural na mahiyain at gumagamit pa rin ng sign language o senyas ng mga kamay.

Mabilis man o hindi pa kaagad, hindi naman ito indikasyon ng future development at pagkatuto ng bata. Palagi ngang pinapaalala ng mga eksperto na si Einstein ay hindi natutong magsalita hanggang 3 taong gulang na siya.

Physical Development

Hindi takot sa hagdan ang iyong toddler—at hindi na rin ito delikado dahil kaya na niya ang sarili niya, at maalam na rin siyang humawak para gabayan ang sarili. Manhik manaog na siya sa hagdan, at sige ang pagtakbo sa kung saan niya maisipang pumunta sa loob ng bahay. May mga kaya nang lumukso, tumalon at tumayo sa isang paa lang para maglaro ng piko, halimbawa.

Tips

Ang pagtayo sa isang paa lang ay isang mahalagang aspetong pisikal ng toddler development. Magsanay na gawin ito kasama si baby, sa saliw ng tugtog o kanta.

Mahilig na rin siyang umakyat at sumampa sa mga kasangkapan sa bahay kaya mag-ingat. Makikita mo na lang nasa ibabaw na siya ng center table o sofa, o kaya ay umaakyat sa book shelf.

Kapag binigyan ng lapis o pangkulay, kaya na niyang gumuhit ng mga hugis at linya. Hindi pa ito diretso o perpekto, pero matututunan din niya ito.

Mahilig siyang magpintura at maglaro ng play dough para maensayo ang koordinasyon at fine motor skills niya. Kapag nagpipintura, lagyan siya ng art bib o suotan ng lumang mga kamiseta para hindi mamantsahan ang maaayos na damit niya. Mas mabuti ring sa labas ng bahay o balcony gawin ito para kahit magkalat siya ng pintura ay walang masisirang gamit sa loob ng bahay, at mas madali ring maglinis.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Ito na ang panahon din na puro dapa, tumba, bukol at galos ang bata dahil nga sa sobrang likot. Natural lamang ito, at walang bata na hindi dumaan sa ganito. Mag-childproof pa rin ng bahay at alisin sa abot kamay niya ang mga gamit na babasagin at  mga makakasakit sa bata.

Maghanda ng First Aid Kit para sa mga aksidente, at ice pack sa freezer para sa mga untog at galos. Kung walang tigil sa pag-iyak ang bata, nagsusuka pagkatapos mauntog, o may matinding pamamaga, kailangang dalhin sa doktor.

Cognitive Development

Aktibo ang utak ng isang 20 buwang bata, kaya nga laging sabik na matuto at inuusisa ang paligid niya. Lumalawak ang imahinasyon niya at mayron na siyang takot ngayon. Seryoso ang takot na ito, kaya’t huwag pagtawanan o gamitin para lalong takutin siya. Hindi pa rin niya kasi naiintindihan ang pagkakaiba ng hindi totoo sa totoo. Iparamdam sa kaniya na ligtas siya sa piling mo, at sinisigurado ng pamilya na siya ay hindi mapapabayaan.

Tips

Maikli pa rin ang attention span niya, kaya’t kahit natatakot siya, madali siyang libangin ng kuwento, kanta o laruan. Yakap nga lang at halik ng mga magulang ay sapat na para matigil siya sa pag-iyak.

Paborito din niya ang mga sensory activities tulad ng paglalaro sa buhangin, tubig, damo, dahon, pati nga putik. Ayon sa mga eksperto, ang mga bata ay dapat na pinapabayaang maglaro sa mga ito, kahit pa maduming tingnan. Basta’t nakabantay kayo para hindi niya kanin, makakatulong sa development niya ang messy play at sensory activities. Suotan siya ng damit na pwedeng marumihan at maligo o magpunas pagkatapos ng laro.

Bigya siya ng mga baso, bote, tasa, o bowl na pwede niyang gawing pansalok ng tubig, putik o buhangin. Mainam din na may laruan siya kapag naliligo, kaya nga sikat ang rubber ducky at mga rubber fish at laruang bangka.

Ginagaya niya ang mga adults sa palligid niya, kaya mag-ingat sa mga kinikilos at sinasabi sa harap niya.

Lahat ng oras ay oras ng paglalaro para sa kaniya, kahit pa oras ng pagkain. Kaya dapat ay isabay siya sa pagkain para matutunan niya ang tamang ugali at manners kapag nasa harap ng hapag-kainan.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung nakikita na labis ang aggression o palaging galit at nananakit ang bata, o sa kabilang banda ay tahimik palagi at hindi kumikibo.

20 month old development

Social at Emotional Development

Children learn best when they feel secure and loved. Comfort your child when he needs it, and, for now, go easy on the expectations! All children develop at their own pace, and whether they hit their developmental milestones right on time, earlier or later, research has shown that by school age all children are pretty much on the same level.

Tips

Maghanda sa mga malalaking sumpong  o tantrums ng bata. Madalas ay ipipilit niya ang gusto niya at magwawala kapag hindi ito nakuha o nasunod. Kahit sa gitna ng departments store ay magsisisigaw, maninipa, mangangagat, o magpapatihulog sa sahig kapag may gusto siya na hindi ibinibigay sa kaniya.

Kumalma lang, at huwag ibigay ang gusto niya hangga’t hindi siya tumitigil umiyak o magwala. “Kapag kalmado ka na, at hindi ka na umiiyak, pwede nating pag-usapan an gusto mong kunin o mangyari. Ipakita sa kaniya ang tamang paraan ng paghingi, ang tamang ugali sa pamamagitan ng halimbawa. Kung magsisisigaw ka din, aakalain niyang ito nga ang tamang paraan ng paghingi.

Kung patuloy na nagsisisigaw, dalhin siya sa isang lugar na walang nanonood o tumitingin, dahil madalas ay mas nagpapakita siya ng ganitong ugali kapag may nakatingin. Para kasing “performance” niya ito. Ipaliwanag sa kaniya na kailangan niya munang tumahimik, kumalma, at saka kayo mag-uusap.

Pakiramdaman kung bakit ganito ang tindi ng tantrums niya. Maaaring gutom, inaantok, pagod, o masyado lang aktibo ang utak at katawan. Minsan, kapag tinanong kung gutom siya at binigyan ng inumin o meryenda, kahit biskwit lang, tatahimik na ito at mahihimasmasan.

Magtakda ng mga playdates o oras ng pakikipaglaro sa ibang bata. Gawin itong maikli at may tiyak na gagawin. Maghanda ng mga laruan, at art activities, pati mga larong pisikal para may iba’t ibang gawain. Huwag lang silang iwan na manood ng TV o maglaro ng gadgets. Marunong na siyang makipaglaro ngayon at makipag-share ng laruan, kaya’t nakakatulong ang mga gawaing ito sa development niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Nag-aalala na ba kayo na hindi na ma-kontrol ang ugali ni baby? Isa sa bawat apat na toddlers ay sensitibo at hirap pang masanay sa mga pagbabago. Sila ang mas malapit sa pagkakaron ng tantrums. Kung labis ang pagwawala at pagiging agresibo ng bata, at nananakit palagi ng kapwa bata at sarili, kumunsulta sa isang childhood developmental specialist para matulungan ang bata at magkaron ng intervention para sa kaniya.

Speech at Language Development

Karaniwang nasa 15 hanggang 20 salita ang kaya na niyang sabihin at alam na niya ang kahulugan at gamit sa edad na 20 buwan. Tandaan pa rin na iba-iba ang bawat bata, kaya’t magugulat ka sa kaya nang sabihin ni baby, lalo pa kung palaging kinakausap at binabasahan ng libro.

Tips

Marami na ring tanong ngayon si baby. Marunong na siya ng tonong patanong, at pakiusap. Nagdudugtong na rin siya ng 2 salita tulad ng “baby milk” o “throw ball”.

Mapapansin na hindi pa siya gumagamit ng panghalip tulad ng “I’ o “Ako” at mas sanay pa rin siyang banggitin ang pangalan niya o tawagin ang sarili na “Baby”. Ito na rin kasi ang nakasanayan niya mula nung umpisa—ang tumawag ng “mommy”, “daddy” at “baby”. kaya’t ito ang gamit niya palagi.

Sabik pa rin siyang matuto ng mga bagong salita at bagong gawain. Turuan siya ng mga bagong salita gamit ang mga librong may litrato o larawan, at patuloy na turuan siya ng mga bagong kanta.

Iwasan ang pagsasabi ng ‘NO’ sa lahat na lang ng gawin o hingin niya. Imbis na negatibo ang pangungusap, gawin itong positibo. “Ito ang gawin mo” imbis na “Huwag iyan” o “Hindi ganyan!”

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung hindi pa nagsasalita ang bata hanggang ngayon, kumunsulta sa doktor at espesyalista para sa speech delays.

Kalusugan at Nutrisyon

Nasa 90% ng utak ng bata ay nagdedevelop sa unang 5 taon niya. Kaya nga sinisiguro ng lahat na ang formative years na ito ay masaya at makabuluhan.

Importante ang nutrisyon ng bata, at may direktang kinalaman ito sa brain development. Patuloy siyang bigyan ng mga masustansiyang pagkain.

Tips

Para sa isang 20 buwang gulang na bata, madaling magkasakit at gumaling din. Natural lang ito, at nakakatulong din sa pagbuo ng immunity ng bata.

Kung napansin na nagkakamot o matamlay ang bata, tingnan agad ang body temperature.

Ang karaniwang timbang ng isang 20 buwang gulang ay 17.4 kg, at may taas na 86.4cm hanggang 100.4 cm.

Lahat ay pupulutin o dadamputin niya, at isusubo! Siguraduhing walang nakakalat na pagkain sa sahig, at lahat ng ibibigay sa kaniya ay masustansiya at sariwa, at hindi choking hazard. Matutuwa din siya sa mga makukulay na pagkain, kaya’t ito ang ihain sa kaniya.

Pakainin siya ng isang buong prutas (50-100 gm), isang bowl ng gulay, at 250ml hanggang 300 ml ng gatas kada araw. Bigyan siya ng protina na nasa itlog at karne.

20 month old development

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-20-months/

The post Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-20 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Safe bang patulugin ang baby nang nakadapa?

$
0
0

Hindi ba’t may ginhawang nararamdaman kapag napatulog mo si baby? Pagkatapos ng mahaba-habang ritwal sa pagpapatulog, sa wakas ay mahimbing na siya. Ang anak ko ay mahilig matulog ng nakadapa, kaya naman naisipan namin na magbasa ng mga artikulo at libro tungkol sa ganitong posisyon ng pagtulog ng baby.

Posisyon ng Pagtulog ng Baby: Ang mga dapat malaman ng mga magulang

Ang mga unang buwan ay mahalaga pagdating sa posisyon sa pagtulog. Ang pinakaimportante ay ang malaman—at sundin ang mga sumusunod na guideline para sa ligtas na pagtulog.

Sa mga unang taon ni baby, narito ang mga dapat tandaan:

  1. Ang kama ay dapat na patag at walang bumper pads, dahil maaaring maging sanhi ng “suffocation”.
  2. Patulugin si baby ng nakatihaya muna. Kung siya mismo ang dadapa, hayaan lang.
  3. Ang kama ay dapat nasa kuwarto ng mga magulang, pero ang bata ay hindi dapat matulog sa kama ng mga magulang.
  4. Wala dapat ang mga sumusunod sa higaan o paligid ng bata:  soft toys, mobile hangings, unan, kumot.

Habang lumalaki ang bata, mahihilig silang dumapa kahit walang tulong. Kaya ang rule #2 ay magiging mahirap na gawin, lalo sa edad na 4 na buwan. Madalas ay gugustuhin na niyang matulog kaagad ng nakadapa. Ganito man ang sitwasyon, pilitin na lang hangga’t maaari na patulugin pa rin muna ng nakahiga, bago tuluyang dumapa.

Kaya nga minsan ay hindi makatulog ang mga magulang at tagapag-alaga dahil nga mahilig matulog ang bata sa isang “hindi ligtas” na posisyon.

May mga teorya  kung bakit mahilig na matulog ng padapa hindi lang ang mga bata kundi mga matanda rin.

Bakit nga ba mahilig matulog ng nakadapa ang mga bata?

babies sleeping positions

Ang pagtulog ng nakadapa ay cute pa rin namang tingnan, hind ba? Ang mga baby lang naman ang sadyang nakakatuwa kapag nakatuwad at nakaumbok ang puwit habang tulog.

Maniniwala ba kayong ang dahilan ng ganitong posisyon sa pagtulog ay nagmula sa ebolusyon?

Bago pa natutong maglakad ang tao, tulad din ng mga hayop, gamit natin ang “all fours”—dalawang kamay at dalawang binti (o tuhod), sa umpisa. Kaya naman ang mga hayop ay may matibay na likod at malambot na tiyan. Kaya ang tiyan ang karaniwang inaatake ng mga kalaban ding hayop.

At para protektahan ang sarili kapag tulog, animo’y itinatago nila ang kanilang tiyan. Para sa mga humans, ang muscles sa likod ang mas matibay kaysa sa  abdominal muscles. Kaya instinct na rin ang pagtulog ng naka “fetal position” at nakadapa, at likod ang naka-expose.

Ganundin ang mga babies. Sanay sila sa fetal position mula sa sinapupunan, kaya patuloy ito hanggang pagkapanganak at habang lumalaki. Mas ligtas ang pakiramdam ng mga sanggol kapag nakabalot o naka-swaddle.

Ligtas nga ba ang pagtulog ng nakadapa?

Magsisimulang magpaikot-ikot ang iyong sanggol sa edad na 4 na buwan. Walang problema kung kusa siyang iikot o dadapa kapag natutulog, basta’t siguraduhin na walang suffocation hazard (mga nabanggit sa itaas) sa kaniyang kama o crib.

Ang pagpapatulog sa sanggol ng pahiga muna, ay para maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome (SIDS). Mahirap pilitin ang bata minsan, pero kailangang pagtiyagaang gawin.

At kung marunong na talagang dumapa sa kaniyang paglaki, hindi na kailangang bantayan ito. Hayaan lang sa kaniyang pagtulog at sabayan na lang siya sa pagpapahinga.

Natutulog ang toddler ko ng nakatuwad. Okay lang ba ito?

Mas aktibo kasi ang mga toddlers kaysa sa babies. Ito ang edad kung saan nagkakaron na silang mga panaginip—may masaya, at mayron ding nakakatakot o nightmare. Kaya naman malikot na sila sa pagtulog.  Dapat pa ring simulan ang tulog nang nakahiga. Kung malikot na ang bata at nagpapaikot-ikot at dumadapa na, siguraduhing hindi siya mahuhulog sa kama, walang laruan, kumot, o unan na makaka-suffocate sa kaniya. Kung maaari nga, ilapag ang kutson o mattress sa sahig at paligiran siya ng unan para siguradong hindi ito mababagok sa pagkahulog.

Wala naman talagang downside sa pagpapatulog kay baby ng “bottoms up”! Basta’t proactive at sisiguraduhing ligtas ang tinutulugan niya.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS-VILLAR
https://sg.theasianparent.com/babies-sleeping-positions/

The post Safe bang patulugin ang baby nang nakadapa? appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.


Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-21 buwan

$
0
0

Oras na para pag-isipan ulit ang dating routine ninyo sa bahay—dahil panibagong adventure, at panibagong plano na naman ang iniisip ni baby ngayong edad na ito!

Marami na ang nagsabi na hindi tatanggapin ng isang toddler ang mahabang listahan ng do’s at dont’s ng mga magulang, dahil may sarili siyang plano. Hindi niya tanggap ang pagsaway palagi sa kaniya. Sa edad na ito, para din siyang salamin na napakagaling gumaya ng ginagawa ng mga nakatatanda. Ang atensiyon niya sa ika-21 buwan niya ay makatuon sa mga magulang o sa mga palagi niyang kasama. Kaya naman doble ang ingat sa mga sinasabi at ginagawa na nakikita niya.

Ika 21-na buwan ng iyong anak: Kamusta ang kaniyang development?

21 month old toddler development

Physical Development

Napapansin mo bang kaya na niyang mag-alaga sa sarili niiya? Kaya na niyang maghugas ng kamay at paa ng walang tulong ng matanda. Kaya na rin niyang magsuot ng tsinelas at sapatos nang mag-isa (kahit minsan ay nagkakamali sa kung alin ang sa kanan at kaliwa). Magaling na rin siyang kumain mag-isa!

Kahit parang palagi siyang malikot at di mapakali, alam niyo bang ang 20% ng oras na gising siya ay nakatitig lang siya sa mga bagay sa paligid niya at nagmamasid?

21 month old development and milestones

Tips

Ito ang edad na puto takbo, lakad, akyat-baba, sampa at sayaw ang gusto niyang gawin. Minsan ay makikita din siyang masayang tumatalon!

Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng mga soft mats at kutson sa sahig, para makaiwas sa bukol at untog.

Kaya na rin niyang gumawa ng “tower” gamit ang blocks. Magaling na siyang magpatong-patong ng mga blocks at tapos ay bubuwagin ito!

Kapag binigyan ng bola, excited siyang sisipa o ibabato ito, at pag-aaralan kung anon ang pwede niyang gawin dito.

Gabayan siya sa pag-akyat-baba sa hagdan, pati sa mga playground equipment. Independent na siya, pero mas makabubuti na hawakan at tulungan siya para mas maging confident.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung nagpakita na ng bagong kakayahan ang iyong toddler nuong mga nakaraang buwan, at biglang hindi na niya ito ginagawa ngayon o kaya ay parang hindi na kaya, may dapat ngang ipag-alala. Ikunsulta ito sa doktor.

Cognitive Development

21 month old development and milestones

Ang paglalaro ay ang pinakaimportanteng paraan ng pagkatuto ng isang toddler. Maikli lang ang attention span niya pero mahilig siyang maglaro. Kaya na niyang maglaro ng puzzles na may 3 hanggang 4 na piraso, o mga pegboard puzzles kung saan itutugma niya ang hugis.

Maikli man ang attention span niya, nagsisimula na siyang magkaroon ng “sense of time”. Sa umpisa ng araw ninyo, kausapin siya at ipaliwanag ang mga gagawin niyo sa buong maghapon, at sa bawat gawain, ay ulitin o banggitin ulit: “Kakain muna tayo ha. Pagkakain, magliligpit tayo tapos maglalaro tayo sa labas…”

Ang pagpapaliwanag sa kaniya tulad nito ay makakapagbigay sa kaniya ng ideya kung paano nga ba ang buhay sa mundong ginagalawan niya. Makakapagbigay sa kaniya ito ng pakiramdam na ligtas siya at walang dapat ikatakot. Tandaan na kapag may sinabing schedule sa kaniya, dapat ay gawin ito at huwag papalit-palit.

Tips

Mapapansin na ang iyong toddler ay sinasabi na kung gusto niya ng mga “pambabae” o “panlalaking” gamit o laruan.

May idea na siya ng pagkakaiba ng kasarian sa edad na ito. May mababanggit siya na ang laruang ito ay “pambabae”, at iyan ay “panlalaki” kadalasan ay dahil sa turo ay naririnig sa mga magulang o nakatatanda. Huwag limitahan ang gusto niyang laruan—kung gusto ng anak na lalaki na maglaro ng manyika, walang masama dito. Kung gusto ng anak na babae na maglaro ng laruang kotse o trak, hayaan siya. Kailangang turuan ang mga bata na walang masama na sabihin ang gusto nila, at anumang kulay o laruan ay pwede at hindi makakasama sa pagkatao nila. Ang “gender sensitivity” ay itinuturo na ngayon sa mga paaralan, at kailangan nang ituro sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kalayaan na pumili, nang walang nagsasabi na pambabae o panlalaki lamang ito.

Mag-ingat sa pagbibigay ng mga laruan may mga maliliit na bahagi dahil mahilig nga siyang magsubo at magsuksok ng mga bagay sa bibig, ilong at tainga. Itago ang mga barya, beads, buto at mga kapareho nitong maliliit na bagay.

Ang iyong munting anghel din ay magpapakitang gilas na sa pampublikong lugar sa edad na ito—at hindi na siya mitulang anghel. Ipapakita niya ang sumpong niya at ipaparinig niya ang lakas ng hiyaw at sigaw niya, kahit nasa mall pa kayo.

Huwag magtagal sa mga pampublikong lugar dahil kapag nainip siya, dito na siya magwawala at iiyak. Hindi niya pa kayang maupo ng matagal sa MRT, bus, o jeepney, o kotse, dahil na nga sa dami ng energy niya at ikli ng attention span.

 

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung may naisubo siya, kailangang dalhin agad sa doktor para maalis ito. Kapag napapansin na hindi palakibo, hindi tumitingin kapag maingay o may tumatawag, o kaya ay palagi lang nakahiga o nakaupo at hindi naglilikot, maaaring may karamdaman ito, kaya’t dapat na dalhin na sa doktor para maobserbahan pa.

Social at Emotional Development

21 month old development and milestones

Dahil mayron na siyang sense of time, importanteng magkaron na ng routine ang iyong toddler. Makakatulong sa bata ang magkaron ng pagkakataon na makapaghanda para sa transisyon o pag-iiba ng gawain. Hindi kasi siya handa sa mga sorpresa o paiba-iba ng gawain. Mas makakatulong sa development niya ang pagkakaron ng karaniwang oras ng pagtulog, pagkain, routine para sa paliligo at pagtulog, at iba pa. Kung may bedtime routine siya halimbawa, tulad ng paliligo, pagkatapos ay pagsisipilyo, pagbabasa ng libro, mas magiging relaxed siya at madaling makakatulog.

Ang stage na ito ng toddler development ay tungkol sa pagtatakda ng “expectations”, para sa bata at para kay Mommy at Daddy. Maraming paraan para gawin ito: kausapin siya, maglagay ng mga paalala tulad ng visual schedule.

Tips

Gumawa ng isang chart para sa isang buong linggo at ilagay ito sa fridge. Hayaan siyang maglagay ng marka, tulad ng magnet o sticker, kapag natapos na ito. Matututo siya ng mga araw at linggo sa pamamagitan nito.

Bigyan siya ng warning na matatapos na ang oras ng isang gawain, halimbawa kapag naglalaro sa labas o kung may play date. Sa ganitong paraan, makakapaghanda ang bata sa transition, at hindi gaanong kahirap ang pag-iwan ng isang gawain. Karaniwang sapat na ang ilang minuto. Kung humingi man ng ilan pang minuto, pagbigyan siya, pero magtakda ng hangganan o maximum na oras.

Ganito rin para sa behaviour. Ipaalam sa kaniya kung ano ang inaasahang ugali o behaviour. Sa edad na ito ay susubukin ng bata ang boundaries at limitasyon, at titingnan kung paano ito tatanggapin ng mga magulang niya. Ipaliwanag kung alin ang hindi dapat at kung ano ang katanggap-tanggap. Turuan din siyang maging mahinahon at iwasan ang maging agresibo at palaaway. Huwag ding pilitin ang anak na makipaglaro sa ibang bata kung ayaw niya. Kaya na niyang pumili ng makakalaro.

Ang good news? Handang handa siya sa mga halik at yakap mo! Si Mommy at Daddy pa rin ang paborito niyang mga tao, kaya naman kapag nakikita kayo, ay labis ang tuwa nito kaya’t ang bilis ng takbo pagpasok niyo pa lang ng pinto.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung labis ang pagiging agresibo at palaging umiiyak, galit, at nananakit ng kalaro o pati mga nakatatanda, maaaring ikunsulta ito sa doktor. Kung hindi naglilikot, hindi palakibo, at hindi nakkikisalamuha sa iba, banggitin ito sa doktor sa susunod na well-baby check-up.

21 month old development and milestones

Speech at Language

Mabilis ang word acquisition o pagkatuto ng salita at pakikipag-usap ng bata sa edad na ito. Kapag nagsimula nang magsalita at makipag-usap, magugulat kayo sa tatas niya. Kung nung nakaraang buwan ay 15 salitang alam niya, ngayon ay lumalagpas na ng 20. Huwag mag-alala kung hindi pa ito naaabot ni baby. Ang speech at language milestonse ay karaniwang iba-iba sa bawat bata.

Tips

Ipagpatuloy ang pagkanta at pagsayaw kasama si baby. May ibang mga toddlers na libro naman ang hilig, at kaya nang “magbasa” ng libro—kukuha ng libro, bubuksan ito at titingnan ang mga larawan, at minsan ay gagayahin pa ang paraan ng pagkukwento ni Mommy o Daddy. Bigyan siya ng mga board books at mga soft books para hindi madaling masira.

Maglaro din ng memory games kasama si baby. Turuan ng mga salita o pangalan ng mga bagay, hayop, pagkain, at banggitin ito palagi sa araw araw. Natural lang ang pagkaka-utal minsan, kaya’t huwag mag-focus dito. Huwag siyang pagtawanan at huwag tuksuhin ang bata. Malalagpasan niya din ito.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung sa tingin ay may delay o may napapansing problema sa pagsasalita ng bata, ikunsulta ito sa doktor.

Kalusugan at Nutrisyon

Ilabas ang mga tasa at baso dahil kaya nang uminom ni baby ng walang straw. Nahahawakan na niya ng dalawang kamay ang baso kapag umiinom at hindi na ito matatapon. Tulungan pa rin siya, at kapag hindi pa gaanong sanay dito, bigyan ng sippy cup o tasang may takip.

Bigyan na rin siya ng straw at makikitang natural niya itong matututunang gamitin.

Tips

Magplano nang mabuti bago lumabas kasama ang iyong toddler. Tandaan na magugutumin ang bata, at may mga paborito na siya ngayon—at mayron na rin siyang mga ayaw na kainin. Palaging magdala ng meryenda kapag lalabas ng bahay, kahit na malapit lang ang pupuntahan.

Huwag kakalimutan ang bote ng tubig, sweater o panlamig, bimpo, at spare clothes o pampalit na damit, para sa mga emergency.

Your 21 month old’s body is still small and needs to be kept warm in a strong cold weather or around AC. Always carry a small blanket or jacket for the same.

They will now develop preferences towards certain food items and sometimes ignore it completely. Make sure you serve them innovative food items and eat it along with them to build in the trust.

Ang average na timbang ng isang 21 buwang gulang na bata ay 10.1kg hanggang 12.7 kg, at may karaniwang taas na 81.4 cm hanggang 87.0 cm.

Pakainin siya ng tinapay, pagkaing mayaman sa protina, isang itlog kada araw, full fat milk (200ml), isang mangkok  ng gulay dalawang beses isang araw, at isang buong prutas. Ipakilala na ang nuts sa kaniya, kahit sa powdered form. Isang almond o walnut kada araw ay makakatulong sa kabuuang paglaki at development ng iyong toddler.

Source: Livestrong

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/toddler-development-21-months/

The post Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-21 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng bata na 22 buwan

$
0
0

Naririndi ka na ba sa paulit-ulit na “bakit?” at “ano yan?” mula sa iyong toddler?

Hindi man niya lubusang nabibigkas ng malinaw, alam mong sabik na siyang marinig mula kay Mommy at Daddy ang lahat ng bagay tungkol sa mundong ginagalawan niya.

Ito ang panahon na minsan ay naiisip mong sana huwag munang lumipas ang panahong nang sobrang bilis. Malapit nang mag-dalawang taong gulang ang iyong anak, at di mo napansin na ang “terrible twos” na nababasa at naririnig lang sa mga kuwento ay narito na sa harap mo.

Napakaraming madidiskubre sa kakayahan at pag-uugali ng iyong 22-buwang-gulang na anak. Mula sa pag-alam ng dominanteng kamay na gagamitin niya sa pagsulat at marami pang ibang gawain, nariyan ding maiirita ka minsan dahil sa labis na pagkalikot ng iba’t ibang bahagi ng katawan niya (lalo na ang ilong), dahil na nga natututo na ito ng maraming bagay tungkols sa katawan niya, at sa kayang gawin ng kaniyang mga kamay.

Magbaon na ng mahabang pasensiya dahil kakailanganin ito sa mga susunod na araw, linggo at buwan.

Ika-22 na buwan ni baby: Kamusta na ang kaniyang development?

22 month old development and milestones

Physical Development

Inaabot ba ng iyong toddler ang laruan niya gamit ang kaliwang kamay? Hawak niya ba ang crayon sa kanang kamay? Mayron na siyang dominanteng kamay ngayon! Huwag mag-alala kung kaliwete man siya, dahil hindi ito mali. Ayon sa mga pagsasaliksik, walang hayagang pagkakaiba kung kanan man o kaliwa ang gamit sa pagsulat o dominanteng kamay ng isang bata o isang tao.

Huwag din mag-alala kung hilig na kinakalikot ng bata ang kaniyang nappy, at pati na ang ari niya. Walang malisya ito sa kanila, at natural lang ito sa edad na ito dahil nga natututunan pa lang nila ang kanilang sarili, kasama ang mga bahagi ng kanilang katawan. Pagsabihan na alisin ang kamay sa pagkakalikot pero huwag gawing malaking bagay, o huwag pagalitan ang bata. Ipaliwanag na ginagamit ang kamay sa pagkain at pagsusulat, at hindi dapat na kinakalikot ang ibang bahagi ng katawan.

Ang lahat ng ito ay bahagi ng journey ng isang bata.

Mayron na ring buong set ng ngipin ang bata sa edad na ito, bagamat ang sa iba ay tumutubo pa lang.

Tips

Alam mo ba kung ano pa ang nadidiskubre ng iyong toddler? Pagtayo ng blocks. Napapagpatong-patong niya ang hanggang 5 blocks nang walang tulong. At syempre pa, ano pa ang mas masaya kundi ang patumbahin ang itinayong tore?

Napakalikot na niya—parang buhawi! Umiikot, tumatakbo, nagsasayaw, tumatalon, at kung anu-ano ang ibinabato, sinusulit ang lahat ng kayang gawin ngayong 22 buwan na siya. Kaya na rin niyang bumato ng bola (kung hindi ito masyadong mabigat).

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung napapansin na lethargic, o walang gana at palagi lang nakahiga at nakaupo ang bata, at hindi kayang humawak ng mga bagay nang maayos, mas makakabuti na ikunsulta ito sa doktor.

22 month old development

Cognitive Development

Natututo ang isang toddler sa pamamagitan ng pagmamasid at paglalaro. Sa stage na ito ng toddler development ang pormal na edukasyon ay malayo pa. Nag-eeksperimento pa lang siya at pinagmamatiyagan ang lahat ng ginagawa ng mga matatanda sa paligid niya. Ipakita sa kaniya kung paano gawin ang isang bagay, tulad ng kung paano gamitin ang isang laruan, o kung paano gawin ang isang puzzle—at sa simpleng pakikipaglaro sa kaniya.

Mahilig siyang humawak ng mga bagay bagay, lalo kung curious siya. Minsan pa ay isusubo niya ito para lang malaman kung ano nga ba ito at kung ano ang mangyayari, at kung ano ang lasa!

Mahilig din siyang manira ng mga gamit minsan. Hayaan siyang magbato (basta walang masasaktan o masisira na mamahalin) o magbagsak ng mga bagay sa sahig tulad ng pagkain. Ito kasi ang paraan niya ng pagkatuto. Hindi niya pa naiintindihan na makakasira o makakasakit siya, kung hindi mapapaliwanag sa kaniya.

Tips

Isa pang paboritong laro sa edad na ito ay ang pagkakabit ng mga bagay, at pagpuno ng mga lalagyan tulad ng bote (plastik), basket at bowl—at pagkatapos ay itataob ito. Bigyan siya ng mga basket o lalagyan na walang laman at mga bagay na pwede niyang ilagay dito.

Ilagay ang mga laruan niya sa kaya niyang abutin para malaya siyang makapaglaro. Huwag lang bigyan ng masyadong maraming choices dahil nakakalito naman kapag ganito.

Kumanta o magpatugtog ng mga nursery rhymes, at ituro ito sa bata. Patuloy na basahan siya ng mga libro para mas mapaunlad ang language at literacy development niya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Dapat ay marunong na siyang tumugon at makaintindi ng mga sinasabi sa kaniya, at kapag sinsasabing hindi puwede o itigil ang ginagawa. Kung hindi kayo pinapansin kapag may sinasabi sa kaniya, o talagang parang walang naririnig at walang takot kahit kanino, mas mabuting kumunsulta sa doktor.

 

Social at Emotional Development

Si Mommy pa rin ang paboritong kalaro ni baby, at lubos ang galak niya kapag nakikita si Mommy, pati na rin si Daddy. Sa piling kasi ng mga magulang ay nakakaramdam siya ng seguridad.

Sa edad ba ito, mas marami na siyang naiintindihan at natututunan, kahit hindi pa ito gaanong napapansin ng mga magulang. Kaya nga minsan ay nagpapakita siya ng “frustration” at umiiyak na lang bigla dahil nga alam niya ang gusto niya, pero hindi niya pa alam kung paano ipapaalam ito sa inyo. Patience is key, ika nga. Tandaan na ang bata ay natututo sa nakikitang halimbawa ng mga magulang.

Tips

Umaasa ang bata sa routine at mas uunlad siya kung alam niya kung ano ang mangyayari at susunod na gagawin. Magtakda ng regular na oras para sa pag-idlip at pagkain, pati mga morning at bedtime tiruals. Magugulat ka na lang at marunong na rin siyang tumulong sa pagliligpit ng kinainan o mga laruan, o kapag kusa na itong pupunta sa banyo at magtatangkang magsipilyo mag-isa. Ito ay dahil makikita at matatandaan niya ang mga routine na ito kung palaging ginagawa kasama siya.

Ang predictability na ito ang nagbibigay ng idea sa bata na may kontrol siya sa mga nangyayari at ginagawa niya. Iwasan ang pabago-bago ng routine dahil ito ang nagiging dahilan ng mga sumpong at tantrums. Bigyan palagi ng warning kung matatapos na ang paglalaro, halimbawa, at oras na para kumain o kaya ay maligo.

Napansin niyo bang natututo na siyang makipaglaro at magpahiram ng mga laruan sa iba, lalo na kung mas bata? Dahil na rin sa marunong na siyang makinig sa mga rules at instructions, ito ang tamang panahon para simulang turuan siya ng values at mabuting asal. Hayaan din siyang makipaglaro sa mga batang kaedad niya para mas matuto ng social skills.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Huwag mag-alala kung madalas ay takot siya o ilag na makisalamuha sa mga tao, lalo na ang mga hindi niya kakilala pa. Ang nakakapag-alala ay kapag takot siya at hindi nakikipag-usap o nakikipaglaro sa mga magulang at kamag-anak na palagi niyang kasama.

22 month old development

Speech at Language Development

Makipagkwentuhan sa inyong anak at tiyak—walang katapusan at hindi niya ito tutuldukan. Non-stop ang paggana ng utak ng iyong toddler at napakarami niyang gustong sabihin. Mas marami pa ang gusto niyang malaman at matuklasan kaya maghanda na ng mga sagot sa “bakit”, “ano” at “kailan” niya. Maging matiyaga sa pagpapaliwanag ng mga bagay sa kaniya, at gumamit ng mga salitang tama, pero hindi mahaba at komplikado. Pumili din ng isang language muna at iwasan ang paghahalu-halo ng mga salita (Tag-Lish, Bisaya-Tagalog, atbp.).

Kwentuhan siya tungkol sa iba’t ibang bagay na interesado siya, tulad ng pagpapaliwanag na ang kotse ay may busina, at may iba’t ibang gamit ito, at ang kalan ay mainit kapag may niluluto si Mommy o si Ate. Dito na din maaaring simulang turuan siya ng mga magkasalungat na salita at mga pang-uri (describing words). Kaya narin niyang intindihin ang mga simpleng proseso tulad ng “Una, kunin mo ang tasa. Tapos ay ilagay ang gatas sa tasa. Ngayon ay pwede mo nang inumin.”

Tip

Pangalanan ang mga bagay, halimbawa na lang ay ang bahagi ng katawan. Gawin itong parang laro, at saliwan ng musika tulod ng mga kanta.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung hindi pa nagsasalita o nakakabigkas man lang ng mga salitang may dalawa at higit pang pantig, maaaring maging red flag para sa isang problema.

Kalusugan at Nutrisyon

May kumpletong ngipin na ang iyong toddler. Hindi ibig sabihin nito ay pwede na niyang kainin ang lahat ng gusto niya—o gustong ipakain ni Mommy at Daddy sa kaniya. May mga pagkaing choking hazzard at allergen kaya’t mag-ingat pa din. Iwasan ang candy, nuts, popcorn at lollipop, halimbawa. Ang mga pagkain tulad ng ubas ay kailangang hiwain para hindi makaharang sa lalamunan.

Ang karaniwang timbang ng mga batang 22 buwang gulang ay 9.8 kg hanggang 15.5 kg, at taas na 81.7 cm hanggang 94.2 cm. Sa edad na ito din karaniwang nangangailangan ng influenza shot ang bata. Siguraduhing updated ang mga bakuna ng bata.

Tips

Turuan ang iyong toddler ng tamang pag-aalaga ng ngipin, gums at bibig. Ang mabuting oral hygiene habits ay mahalaga, at kasama dito ang pagsisipilyo sa umaga at gabi, at pag-iwas sa mga matatamis na pagkain.

Ilang karaniwang sakit sa edad na ito ay sipon, ubo at lagnat, tigdas at HFMD. Huwag mag-alala dahil ang mga sakit na ito ay makakatulong sa pagpapatibay ng immunity ng bata. Huwag ipagwalang-bahala at siguraduhing kumunsulta sa doktor kapag may sakit ang bata.

Sa edad na 22 buwan, kaya na ng toddler na sumunod sa mga instructions at gumaya sa ginagawa ng mga matatanda. Para mapangalagaan ang kalusugan ng bata, at matuto ng healthy choices, maging mabuting halimbawa sa anak—kumain din ng masustansiyang pagkain at iwasan ang junk at matatamis. Bigyan ang bata ng mga masustansiyang pagkain.

Limitahan ang pag-inom ng gatas sa hanggang 2 hanggang 3 beses sa isang araw, ng  200ml. Bigyan siya ng isang prutas o higit pa, kada araw, o isang tasa ng halu-halong prutas tulad ng saging, mansanas, watermelon, pear, orange, na hiniwa-hiwa, 1 piraso ng tinapay, 1 biscuit/cracker/cookie at iwasan ang mga processed food.

Iwasan din ang sobrang maalat at sobrang matamis.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Kung ang iyong toddler ay may reaksiyon sa mga pagkain, na makikita sa balat niya, o kung nabubulunan o biglang hindi makahinga pagkakain ng isang uri ng pagkain, maaaring allergic siya dito. Kumunsulta agad sa doktor. Kung napapansin din na masyadong malapit ang pagtingin niya sa tablet, gadget o TV, o kapag tumitingin sa libro o mga larawan, kumunsulta sa isang pediatric ophthalmologist.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

https://sg.theasianparent.com/22-month-old-development

 

Basahin: Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-21 buwan

The post Development at paglaki ng bata na 22 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

How to improve your baby’s brain and body development

$
0
0

Play is not just play! It has wide-ranging effects on your child’s development. When you focus on play and exercise—or playcersise!—you’ll be happy to discover an explosion of growth in your child’s mind and body.

Through play, children learn and discover more about the world and themselves. Play helps children to build confidence, feel loved, happy and safe, and learn about caring for others. It also allows them to improve their social skills at the same time develop language and communication skills.

“Movement can help children develop, not only motorically but emotionally and socially as well,” says G S Don Morris, an expert in this area. “Their well-being can be greatly enhanced if they are given simple foundations in all areas during their early years. These foundations will carry through as they continue to develop and learn at home and at school.”

Aside from improving children’s motor, social and emotional skills, playing is also essential for boosting their cognitive skills and early brain development. In fact, a newborn’s brain has 100 billion neurons that are not yet connected in networks—and these connections, which play can help to form and reinforce, are what really make the brain work.

“The experience of play changes the connections of the neurons at the front end of your brain,” says Sergio Pellis, a researcher at the University of Lethbridge in Alberta, Canada. “And without play experience, those neurons aren’t changed.”

It is absolutely essential that parents understand the role that play (movement) has in the development of a child’s overall development. By being aware of play’s countless benefits to a child’s physiological, cognitive, social as well as emotional well-being, parents will be able to support their children and help them achieve their fullest potential.

The best part? Play comes naturally to every child, and it’s fun! There’s no better way to create a closer bond with your little one.

But here is an important thing to remember: Children must be free to move around to play, and if they wear bulky or lawlaw diapers, it hinders their movements. For example, if your toddler is chasing a ball while wearing a lawlaw diaper, the bulk between her legs makes her sakang. You don’t want that to happen to your child, right?

When your child has less lawlaw diapers, they are free to move and enjoy play unhindered! Here are a few playcercises for your tiny tots that you can do from ages one to 24 months:

Moms, toddlers have a surprisingly fast learning curve, especially when bulky or lawlaw diapers do not hinder their movements. Unhindered movement is crucial to your child’s brain and body development. With the above playcercises, you can help boost your child’s growth!

Make sure child’s diapers don’t impede his or her movements and only choose a diaper that’s less lawlaw! The new Pampers Baby Dry has magic gel channels that help distribute wetness evenly, helping to give a diaper that’s less lawlaw. You can also join the “Wow, my baby can do that” challenge by Pampers, and stand to win 3 months supply of New Pampers Pants and other 2,130 rewards!

All you need to do is 8 fun missions.  You show us what your baby can do with New Pampers Pants. Get points for every Mission you complete, based on the effort involved. There are a total of 2,000 points to win!

So are you up for the challenge? Register here.

The post How to improve your baby’s brain and body development appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Your baby’s smile: what can it tell you about his development?

$
0
0

Those adorable first baby smiles are so much more than just cute. Starting from birth almost, your little angel’s sweet smiles can give you a peek into his or her emotional and social development, say scientists.

And what is perhaps even more important is how you react to those sweet smiles, because this “can help program babies’ brains for a lifetime of social interactions.”

According to The Wall Street Journalattempts to decipher babies’ smiles are not new and even date as far back as Darwin’s time.

Now, modern efforts see researchers using heart monitors, brain scans and the observation of recorded interaction, and have revealed amazing “cognitive and emotional sensitivities in very young infants.”

baby smile and development

Baby smile and development: One of the types of baby smiles that you’ll read about on the next page is “the newborn smile”.

Researchers unveiling baby emotions through smiles

Scientists at the University of California recently programmed a baby-like robot to smile at volunteers in the same way a four-month-old babies smile at their mums.

Next, using mathematical calculations, “they concluded that while the mothers timed their smiles to maximize mutual smiling, the infants, knowingly or not, smiled just enough to make their mothers smile.”

Meanwhile, developmental psychologists at Johnson State College in the USA hypothesised that young babies would not be able to pick up on something that is humorous unless their parents were laughing too.

But what they actually observed was different to their hypothesis. They noted that five-month-old babies will laugh at a funny sight — such as a person balancing a book on his head — even if no one else was laughing.

1. Spontaneous smiles or “dreaming of angels”

Mum wait eagerly to see that first darling little newborn smile. These smiles, which occur in newborns mostly when they are sleepy or asleep, are known as spontaneous smiles because they are “seemingly unconnected to any outside stimulus.

It is still not known what causes these fleeting smiles. As Dr. Messinger, professor of psychology at University of Miami jokingly says, “We ask them and they don’t tell us.”

And while some may tell you that these first smiles are caused by gas, researchers have ruled this out as these early smiles seem unaffected by feedings.

It’s more likely that newborn smiles come from a primitive part of the brain and this impulse to smile is not yet connected to systems of cognition or emotion.

These beautiful first smiles are appropriately known in Italian as sognando gli angeli, or “dreaming of angels”.

baby smile and development

Your darling 6-8 month old baby is turning into a social butterfly, with smiles to go along!

2. Social smiles

When your baby is around six to eight weeks old, he or she will start smiling in response to external stimuli, such as hearing your voice and seeing your face.

Your baby will smile less when alone and more when people are around, especially favourites like mum, dad and siblings.

You only have to think of the “still face” experiment, where little ones aged three months and older will become upset if an adult who has been smiling at them suddenly stops.

Also at around the same age, babies who are smiling and gazing at a parent will look away on their own while still smiling.

Experts believe this indicates emotion regulation — they are taking a break from the intenstity of one-on-on interaction.

3. The Duchenne smile

You’ll see this smile in babies aged between two to six months of age. It is characterised by raised cheeks and constricted eye muscles and takes place in response to their parents’ smiles.

This kind of smile indicates intense emotion, say experts.

baby smile and development

The open mouth smile is one of the best indicators that your baby is really, really happy!

4. The “open mouth” or playful smile

Tickle your little one at around age eight months and you’ll see this smile, which is a raised-cheek, curled-lips, open-mouthed grin!

According to researchers, it is the strongest expression of joy in a baby of this age and usually occurs when you are playing with your little one or engaging with them in another positive way.

anticipatory smiling

“Mum, these toys are so cool!”, is probably what your little one is trying to tell you with her “anticipatory smile”

5. Anticipatory smiling

When babies are around six months old, they increasingly involve toys into their interactions with people.

For example, they will gaze at a toy then back at an examiner with and without smiling. This is “a sign that they can flexibly engage their own attention and recognize it in others,” Dr. Messinger says.

This kind of smile, when it happens, is a developmental milestone known as anticipatory smiling, first identified by researchers in 1990.

Investigators got babies between the ages of eight and 12 months to play with toys, with their mums sitting behind them. When the toys made a noise, the little ones would smile in reaction, with some of the older babies also turning to their mothers while still smiling.

baby smile and development

Hearing and seeing a baby’s laugh is one of the best things, ever!

6. Laughing

Before they can speak, babies laugh at funny situations, even creating them themselves at around nine months of age, observe researchers.

Psychologist Vasudevi Reddy, professor of developmental psychology at the University of Portsmouth in the U.K., found that most babies under the age of one will exhibit quite a few “clowning” activities that adults engage in, such as blowing raspberries to offering a toy and snatching it back.

Little ones at this age also become more and more aware of their audience’s reaction to their antics, which is another sign of their developing ability to engage with others. Some babies at around seven months old will even start laughing and then stop of others close to them didn’t join in.

Experts say that this behaviour shows how little ones, even at such a young age, are aware of other people’s emotions and will “adjust their emotional responses to match.”

Parents, with all this information, it’s important to not get worried if your baby is not smiling in a particular way by a certain age.

As Professor Messinger, who was earlier quoted in this article, says, “What’s important is to be there, be calm and enjoy the moment.”

Do share your thoughts on this article with us by leaving a comment below. 

The post Your baby’s smile: what can it tell you about his development? appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Development at paglaki ng bata na 23 buwan

$
0
0

Ang iyong munting anghel ay nalalapit nang maging “terrible twos”, pero napakarami pang makukulay na “adventures” ang iyong toddler ngayong 23 buwan na siya, maliban sa tantrums. 

Bagamat ang pagiging animo’y matigas ang ulo ay bahagi ng edad na ito, makikitang maraming mabuting kakayahan at katangian ang iyong anak. Mahilig siyang matuto at sadyang napakalambing niya pang lalo kay Mummy at Daddy. Nagiging mas independent na rin siya ngayon.

Napakaraming milestones ang makikita sa kaniya ngayong 23 buwan na siya.

Tandaan na ang iyong toddler ay katangi-tangi at iba, at maaaring may sariling bilis o panahon sa pagkatuto, kaya’t huwag ma-pressure kung hindi pa niya nagagawa ang ibang nakalagay na milestone.

23 Buwan: Development at Milestones

23 month old development and milestones

Pang-araw araw na kakayahan

Halos 2-taong-gulang na siya, at hilig niya ang gayahin si Mummy at Daddy—sa pananalita at sa mga kilos. Huwag magulat kung magkukunwari itong nakikipag-usap sa cell-phone hawak ang lego niya o dinosaur na laruan, o kunwari ay nagluluto sa lamesa niya.

Gagayahin niya palagi ang mga taong nakikita niya at nakakasama, pero minsan din ay gagawin niya ang sarili niyang gawa. Hindi madali para sa kaniya ang anumang pagbabago, lalo na sa paliligo, pagsisipilyo, pananamit at anumang may kinalaman sa schedule. Lahat ito ay bahagi ng learning process niya.

Tips: 

  • Hikayatin siyang maging independent at turuan siya ng mga simpleng gawaing bahay, tulad halimbawa ng pagliligpint ng mga laruan, pagwawalis, o pagpupunas ng lamesa pagkakain.
  • Turuan ang bata ng pagkain ng tama at masustansiya sa hapag kainan. Maghain ng grilled chicken imbis na pritong manok, o bigyan siya ng mga prutas at gulay, kahit paisa-isang uri, tuwing kakain. Huwag painumin ng soda o softdrinks para hindi niya hanap-hanapin paglaon.
  • Pagdating sa pagbibihis at pag-aayos ng sarili, bigyan siya ng mga pagpipilian para magkaron siya ng kakakayahang mag-desisyon at pumili ng gusto niya. Turuan siyang magbihis nang mag-isa para maging independent din.
  • Mag-ingat sa mga salitang ginagamit sa harap ng bata, pati na rin mga kilos at galaw dahil nga lahat ito ay gagayahin niya.  Sa edad na ito nagsisimulang matuto ang bata ng mga “bad words” dahil nga naririnig ito nang madalas sa paligid niya, pati na rin sa mga pinapanuod sa TV.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Huwag ipagwalang bahala ang mga maliliit na sakit tulad ng masakit na tainga, o makating balat. Hindi pa niya masasabi ng lubusan o eksakto ang nararamdaman, kaya baka hinihila na ang tainga, iyon pala ay masakit na.
  • Sa ika-24 buwan ni baby, kailangang bumisita sa kaniyang pediatrician para sa isang “well baby checkup”. Ilista ang mga tanong na gustong masagot ng doktor tungkol sa paglaki, development at behaviour, para walang makaligtaan.
23 month old development and milestones

Pagdating sa  development ng 23 buwang gulang na toddler, mahalagang malaman na sila ay napakagaling manggaya, at labis ang pananabik at attachment kay Mommy at Daddy. | Image courtesy: Dreamstime

Physical Development

Gross Motor Skills

Mapapansing mahilig siyang tumingkayad, sumipa at bumato ng bola. Kayang kaya na rin niyang tumakbo nang mabilis at bihirang madapa.

Makikitang umaakyat na rin siya sa mga kasangkapan sa bahay at sa hagdan kaya’t huwag aalisin ang tingin sa kaniya. “Unstructured play” at “dramatic play” ang mabisang makakatulong sa bata sa pag-unald ng kaniyang pisikal at cognitive skills.

Tips:

  • Siguraduhing naka-child-proof ang buong bahay, at walang sasampahan ang bata na delikado para sa kaniya. Lagyan ng sarahan ang mga drawers at naka-bolt sa pader ang mga matataas na bookshelves. Siguraduhing hindi niya maaabot ang mga bintana, at hindi siya makakalabas lalo na sa mga terrace o balcony kung nakatira kayo sa mataas na gusali.
  • Bigyan siya ng bola na pambata (malambot) na pwede niyang sipain at ibato. Nakakahinang ito ng motor skills, at makakatulong pa sa bonding ninyong mag-anak.
  • Maglakad-lakad sa mga parke at playground kung saan marami siyang makikita, magagawa at makikilala. Bantayan siya para hindi madisgrasya, at makipaglaro din sa kaniya.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung ang iyong anak ay hirap na sumipa o tumingkayad, ikunsulta agad sa doktor.

 

Fine Motor Skills

Ang iyong toddler ay kaya nang magpatong-patong ng blocks o cubes para makagawa ng tore, o ihanay ang mga ito para gawing tren, makakopya ng linya o mag-drowing ng pabilog, at gumamit ng kutsarita nang hindi na gaanong makalata.

Tips: 

  • Maupo at samahan si baby na lumikha ng mga art projects.
  • Kapag nagbabasa, hayaan siyang maglipat ng mga pahina.
  • Bigyan na siya ng mga puzzles na bagay sa edad niya, para masanay ang fine motor skills niya, pati ang abilidad na makakita ng mga patterns at kumopya ng mga hugis.
  • Magpatulong sa bata sa pagbubuhat ng mga bagay na hindi mabigat, tulad ng bag ni Mommy, sapatos ni Daddy, para makita niya ang kakayahan niya at matutunan niya ang kabutihan ng pagtulong sa kapwa. Nakakasanay din ito sa  fine motor skills tulad ng paghawak at pagdampot.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung hirap ang bata na humawak at tumangan ng mga bagay tulad ng bola, crayons, lapis, ikunsulta ito sa kaniyang paediatrician.
23 month old development and milestones

Tandaan na ang memory ng isang 23-buwang-gulang na bata ay mabilis na nahihinang at nasasanay. | Image courtesy: Shutterstock

Cognitive Development

Bukod sa umuusbong na bokabularyo,  humuhusay na rin ang memory ng bata sa edad na ito. Nagpapakita na siya ng signs ng pag-intindi sa konsepto ng “object permanence”. Halimbawa, naaalala niya kung naiwan niya sa kuwarto ang laruan niya.

Kaya na rin niyang mag-isip ng solusyon sa mga simpleng “problema”, naiintindihan ang konsepto ng oras (time), at nakaka-visualise ng mga bagay sa isip niya. Para siyang sponge, kaya naman “ibabad” ito sa mabubuting bagay lamang!

Tips:

  • Maaaring nagpapakita na ng artistic inclination ang iyong toddler sa edad na ito. Hikayatin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga  crayons, clay, o non-toxic watercolour na pwede niyang gamitin.
  • Sanayin pa ang pagkakaalam niya ng konsepto ng  object permanence sa pamamagitan ng pagtatago ng mga bagay sa kuwarto, pagkatapos ay ipahanap ito sa bata.
  • Kapag nagbabasa, ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga salita sa kaniya. Gumamit ng mga halimbawa sa paligid o mga bagay na palagi niyang nakikita o ginagamit.
  • Tanungin ang bata tungkols sa mga bagay sa paligid niya, halimbawa ay kulay, bilang, sukat, o pakitaan siya ng mga bagay at itanong ang tawag o pangalan ng mga ito.
  • Habaan ang pasensiya at huwag pilitin ang bata na sumagot sa bawat tanong, o makipaglaro sa iyo ng Q&A kung ayaw niya. Huwag asahan na matatandaan niya lahat palagi. Mas natututo ang bata kapag positibong hinihikayat ng magulang, at hindi sapilitan.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung hindi niya naaalala ang pangalan o tawag sa mga pamilyar na bagay sa paligid, itanong sa doktor kung ano ang mga paraan para matulungan na mahinang ang memory ng bata.

Social and Emotional Skills

Social Skills

Bagamat mas matindi ang separation anxiety sa edad na ito, kung saan ayaw mawalay ni baby kay Mommy at Daddy, makikita rin namang sobrang excited siya kapag nakakakita ng ibang batang makakalaro. Makulit pero cute pa din naman, at nagsisimula nang magpakita ng “individuality” at “independence”.

Tips:

  • Tandaan na gusto ng iyong toddler na maglaro katabi lamang ng ibang bata, at hindi pa ito tuluyang makikipaglaro (o kaya ay makikipaghiraman ng laruan). Huwag pilitin na makisalamuha, at hayaan lang na naglalaro ang mga bata nang magkakasama sa isang kuwarto o lugar.
  • Turuan ng mga laro na magtuturo ng pakikisalamuha sa iba tulad ng habulan.
  • Hikayatin siya palagi, at ipakita kung paano ang tamang pakikinig sa sinasabi ng iba. Hayaan din siyang tumugon at sumagot sa mga tanong, habang binibigyan siya ng mga encouraging words.
  • Kung may alitan o nakikipag-agawan halimbawa ng laruan sa ibang bata, tulungan silang ayusin ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila. Sa ganitong paraan ay matututo siya, paglaon, ng pag-aayos ng problema o alitan sa tamang paraan.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung mariing tumatanggi ang bata na makipaglaro o makisama sa ibang bata, o labis ang iyak kapag may mga nakikitang tao, at gumagamit din ng mga pagalit na salita sa mga ibang bata, ikunsulta ito sa paediatrician para makahingi ng payo sa kung paano nga ba gagawing kaaya-aya ang pakikisalamuha at hindi maging stressful para sa bata.

Emotional Skills

Mas umiigting ang  separation anxiety stage sa ika-23 buwan, at lalo pa itong makikita nang mas madalas.

Mapapansin na mas iritable ang bata, pero alamin na ito ay isang paraan lang niya para makuha ang atensiyon ng mga magulang dahil nga palagi siyang sabik dito. Kaya palagi niyang gustong yumakap, humalik, o magpakarga kay Mommy at Daddy, at lahat na lang ay gustong ipakita sa inyo, tulad ng drawing niya o anumang laruan na makita niya.

Tips:

  • Bigyan siya ng papuri o praise kapag nagpapakita ng mabuting asal o kapag sumusunod sa sinasabi.
  • Tandaan na mas importante ang “praise” kaysa parusa.
  • Iwasan ang masyadong “nega”—walang buting maidudulot ang negatibong salita at pakikitungo sa kaniya. Iwasan ang puro NO at HUWAG, at patuloy na maging mahinahon sa pakikipag-usap sa kaniya, kahit na labis ang pagbubuwisit niya minsan, o kapag mahirap siyang sawayin.
  • Kapag may ginawa siyang salungat sa tama o hindi nararapat, huwag mag-focus dito, bagkus ay gamitan ng positibong salita, habang tinuturo o sinasabi ang dapat na ginawa o tamang asal.

When to Talk to Your Doctor:

  • Kapag ang separation anxiety o tantrums ay madalas at mahirap kontrolin, lalo na sa mga pampublikong lugar at sa eskwela, ikunsulta ito sa doktor para mabigyan ng rekomendadong behaviour specialist, o developmental pediatrician.

Speech and Language Development

Ang iyong  23-buwang-gulang na anak ay may umuusbong na bokabularyo. Kaya nan iyang magkabit-kabit ng 4 na salita, o kaya ay isang buong pangungusap na diretso at tama. Naituturo niya ang mga bagay at litrato kung itatanong sa kaniya kung nasan ito, o kung ano ang pangalan ng mga ito.

At dahil mahilig siyang gumaya, uulit-ulitin niya ang mga salita at kataga na naririnig niya sa mga nakatatanda pati sa TV o pelikula. Dahil dito, kaya na niyang sumunod sa mga simpleng instructions. Masasabi na niya nang malinaw ang kailangan niya o gusto niya, tulad ng pagpunta sa toilet o kapag gusto niyang magpakarga o sumama kay Daddy. Kapag nagkukwento siya, tatawagin niya ang sarili sa pangalan, hindi sa panghalip.

Tips:

  • Magbasa ng mga librong bagay sa 23-buwang-gulang na bata. Turuan siya ng mga salita, pag-usapan ang mga nasa larawan, at hikayatin siyang ulitin ang mga salita o pangalan.
  • Pakitaan siya ng mga larawan ng mga pamilyar na tao tulad ng mga kamag-anak at sabihin ang mga pangalan nito (at kung nasaan sila).
  • Ituro ang mga bahagi ng katawan at pangalanan ito.
  • Gumamit ng “Ako”, “Aking”, “I,” “me,” at “ikaw”, “siya”, at “you” sa araw-araw na pakikipag-usap sa kaniya para matutunan ang tamang panghalip at gamit nito.
  • Hikayatin siyang gumamit ng salita imbis na ituro lamang ito. Hal.: “Gusto mo ba ng libro?” kapag tinuturo ang libro.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung hanggang ngayon ay hindi pa kayang bumigkas ng mga simpleng salita ang bata, o pangalanan ang mga kapamilya at kasama sa bahay, kahit paulit-ulit pa itong itinuturo sa kaniya, kumunsulta sa kaniyang paediatrician.
  • Kung hindi pa nakakasunod sa mga simpleng  instructions o nakakapagsabi ng mga nararamdaman niya o iniisip, o hindi man lang gumamagamit ng mga hand gestures,  ikunsulta ito sa doktor.

Kalusugan at Nutrisyon

Mapili ang mga toddler sa edad na ito. Habaan ang pasensiya at patuloy na bigyan siya ng mga pagkain masustansiya at mayaman sa mga bitamina at mineral, tulad ng calcium para sa nagdedevelop na buto at ngipin niya. Ang normal na taas ng bata sa edad na ito ay nasa 80.5 cm hanggang 89.9 cm, at may timbang na 10.7 kg hanggang 13.4 kg.

Tips:

  • Huwag pilitin ang bata na kumain, kung sinabi niyang hindi siya gutom.
  • Bigyan ng  healthy food choices tuwing kakain. Kahit ang mga maseselan at mapili sa pagkain ay natututo ding masanay sa mga pagkain kung paulit-ulit niya itong natitikman.
  • Kung nagsisimula nang mag “toilet train” ang bata, turuan na siya ng tamang pag-aalaga sa sarili, kasama ang proper hygiene, tulad ng pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay, at paliligo.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor: 

  • Kung walang gana ang bata palagi, at hindi bumibigat ang timbang, ikunsulta ito sa doktor ng bata.

 

Tandaan na kung hindi pa naaabot ng bata ang mga milestones, huwag mag-alala. Minsan ay may nauuna, minsan ay may nahuhuli ng kaunti, pero palagi naman silang humahabol.

Hindi naman lubusang “terrible” ang mga “tw0-year-olds”, basta’t handa ang mga magulang sa dapat asahan, at bukas ang isip sa pagtulong sa development ng bata para maging masaya ang kaniyang paglaki at pagkabata.

23 month old development and milestones

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

Sources: WebMD, CDC.gov, Stanford University

Your toddler’s previous month: Toddler development and milestones: your 22 month old

Your toddler’s next month: Toddler development and milestones: your 24 month old

 

The post Development at paglaki ng bata na 23 buwan appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.

Viewing all 5501 articles
Browse latest View live