Habang nasa sinapupunan pa ang baby, inaantay nang ilang araw ang ultasound scan para lamang malaman ang kaniyang kalagayan. Ngunit matapos ipanganak, ang buong atensiyon ay nasa kaniyang bigat at anong percentile siya nabibilang, bilang tanda ng kaniyang kalusugan at kalagayan.
Madaling mabahala sa bigat ng baby—kabilang ang pagbawas at hindi sapat na pagbigat (sa iyong paningin).
Subalit, sa pagiging pamilyar sa impormasyon na nasa article na ito tungkol sa newborn baby weight gain at loss, hindi na mababahala—at malalaman kung dapat bang mag-alala.
Baby weight: loss at gain
Ang timbang ng iyong baby pagkapanganak
Ang genetics pati na ang iyong kalusugan at nutrisyon sa pagbubuntis ang makakapagsabi ng timbang ng iyong baby pagkapanganak.
Ayon sa National Nutrition Council, ang average na sanggol (sa 40 linggo) ay may timbang na 3.2kg, kung saan ang karamihan sa malulusog na bagong panganak ay may bigat sa pagitan ng 2.5 hanggang 4.5kg.
Subalit, hindi mahalaga ang timbang niya pagkapanganak—ang mahalaga ay ang bilis ng pagbigat at growth pattern niya sa mga susunod na buwan.
Ang unang 14 araw
Lahat ng sanggol ay mababawasan nang ilang ounce mula sa timbang pagkapanganak sa kanilang mga unang araw.
Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang 5% mababawas na timbang ay kinukunsidera na normal para sa bagong panganak na nagfo-formula at 7-10% na mababawas ay kinukunsidera na normal sa mga pinapasuso. Ito ay inuulit ng Australian Breastfeeding Association na nagsasabing ang pinakamalaking mababawas na timbang na 7-10% ay kinikilalang normal sa mga pinapasuso.
Sa totoo, ayon sa pag-aaral na na-publish sa Pediatrics, ang mga exclusively breastfed na bagong panganak ay mababawasan nang nasa 10% o higit pa ng kanilang timbang sa pagkapanganak sa mga unang araw matapos ipanganak.
Ang pag-aaral din na ito ay may napansin na pagkaka-iba sa nababawas na timbang sa mga vaginally at c-section na naipanganak — nasa 5% ng mga nauna ay nabawasan nang nasa 10% ng timbang pagkapanganak at 10% sa mga sumunod ang nabawasan ng parehong bigat.
Ang madaliang pagbawas ng timbang na ito ay hindi dapat alalahanin, dahil ang mga sanggol ay ipinapanganak nang may pasobrang timbang para masuportahan sila hanggang masimulan ang pagpapasuso.
Si Dr. Jennifer Shu, isang pediatrician at co-author ng Heading Home With Your Newborn, ay itinitiyak sa mga bagong ina sa pagturo na ang colostrum na nalalabas ng breasts pagkatapos manganak, ay nilalaman lahat ng kailangan ng baby sa puntong ito.
Dalawa hanggang limang araw matapos manganak, dadaloy na ang breastmilk. Kasunod nito, may mararamdamang unti-unting pagbigat ng timbang ng baby—kanyang maibabalik ang timbang sa pagkapanganak pagdating niya nang 14 araw.
Sa mga panahon na ito, sinasabi ng mga neonatal experts na dapat madokumento ang pagbigat ng timbang ng baby nang hindi bababa sa kalahating ounce kada araw.
Narito ang normal newborn weight sa philippines ng baby girls
Narito ang normal newborn weight sa Philippines ng baby boys
Pag-intindi sa growth chart ng iyong baby
Mula sa araw ng kapanganakan, ang kanyang timbang ay susuriin at ita-tala sa weight-for-age growth chart. Ang pinaka-karaniwang chart ay ang percentile chart, na nakabase sa Workd Health Organisation growth standards.
Ang mahalaga, ang World Health Organization growth standards ay nakabase sa malusog na pinapasusong mga baby mula sa 6 na bansa sa iba’t ibang kontinente, at maaaring gamitin kahit pa ang iyong anak ay breastfed o formula-fed.
Masnaipapakita nila ang tamang paglaki ng malusog na baby kumpara sa mas lumang mga bersiyon base sa mga nakuhang impormasyon mula sa mga formula-fed na sanggol.
Makikita ang World Health Organization child growth standards percentile charts at table dito:
Ang mga bata ay lalaki sa kanilang sariling ‘curve’, at hanggang sinusundan ang kanyang curve nang tuloy-tuloy, walang dapat alalahanin. Halimbawa, ang baby na nasa ika-limang percentile at laging nasa ika-limang percentile ay mas hindi dapat alalahanin kaysa sa nasa ika-50 na percentile na biglang bumaba.
Kung may makitang sanggol na malaki ang ibinababa sa chard, papabalik-balikin ang sanggol para suriin ang timbang at subukang pakainin siya ng masmarami, ayon kay Dr. Shu. Kung siya ay kumakain ng tama ngunit hindi bumibigat, magsasagawa ng mga pagsusuri upang mahanap ang totoong dahilan, tulad ng alerhiya sa pagkain.
Timbang ng bagong panganak: Mga laging tatandaan
Breastfed na baby vs. formula-fed na baby
Ang mga baby na gumagamit ng formula ay mas hindi nahihirapan magpabigat kaysa sa mga breastfed na baby. Sa katotohanan, ang mga gumagamit ng formula ay maaaring bumigat nang sobra dahil ang formula ay mas concentrated kumpara sa breastmilk at madalas, gusto ng mga magulang na ipaubos ang buong bote.
Ayon kay Dr. Jack Newman, kilala sa buong mundo na eksperto sa breastfeeding at pediatrician, ang sobrang pagbigat ng timbang ay hindi gaanong problema sa mga breastfed na baby.
Ito ay dahil ang pagpapasuso ay natitigil pagbusog na ang bata (imbes na kung ubos na) kaya, masnako-kontrol ang dami ng gatas na naiinom nila.
Hindi kailangang alalahanin ang mabilis na paglaki sa breastfed na baby na kuntento at masigla, ayon kay Dr. Newman.
Ang pagkapuno o pagkatuyo ng diaper ay magandang indikasyon kung nakakakain siya ng sapat o hindi.
Bantayan ang mga unang diapers
Sa unang tatlong araw pagkapanganak, siya ay magkakaron ng maiitim na dumi, o meconium. Sa ikatlo o ika-apat, ang kanyang dumi ay magiging malambot at madila (kung punapasuso) o maitim at matigas (kung nagfo-formula).
Kung ang kanyang dumi ay hindi nagbabago nang ganito, pinapayo ng mga eksperto na hindi siya nakakakuha ng sapat na gatas.
Isa pang indikasyon na hindi siya nakakakain nang sapat ay hindi pagkakaroon ng sapat na basang diapers sa isang araw. Sa kabuohan, ang dalawang araw na gulang ay magkakaroon nang dalawa hanggang tatlong basang diapers sa isang araw. Ngunit, dapat ay dumami pa ito nang anim hanggang walo kapag siya ay isang linggong gulang na.
Kung ang tingin ay hindi siya nagkakaroon ng sapat na basang diapers, o mapansin mong may kakaiba sa kanyang dumi, kausapin agad ang kanyang pediatrician.
Average na pagbigay sa unang taon
Ang alam ng man ng karamihan ay ang sanggol ay dapat bumigat nang average na 140 hanggang 201 grams (5 hanggang 7 1/2 ounces) kada linggo, sa unang tatlong taon, pinapayo ni Dr. Newman na huwag masyadong bantayan ang mga average na ito.
Sa halip, iminumungkahi ni Dr. Newman na dapat tandaan na:
“Ang baby na sumusunod sa ika-95 na percentile sa growth chart ay makakakuha ng masmataas.
Ang baby na sumusunod sa ikatlong percentile ay makakakuha ng masmababa. Ito ang isang rason kung bakit ang growth curves ay magandang pagbasehan ng paglaki ng baby.”
Tandaan na sa pagitan ng ikatlo at ika-anim na buwang gulang, ang kanyang average na paglaki ay babagal sa pagitan ng 105 at 147 grams kada linggo. At sa pagitan ng anim at 12 na buwan, lalo pa itong babagal sa 70 hanggang 91 grams kada linggo.
Sa kabuohan, madodoble na nila ang kanilang bigat sa kapanganakan sa pagdating ng limang buwan, at mati-triple ito sa isang taon.
Kung ang iyong baby ay hindi nagla-latch nang maayos, makakahadlang ito sa kanyang pagbigat.
Kung ang iyong baby ay hindi sapat ang pagbigat ng timbang
May ilang mga rason para sa hindi sapat na pagbigat ng timbang** sa bagong panganak, kabilang ang mga sumusunod:
1. Ang baby ay hindi nagla-latch nang maayos
Mukha lang madali, ngunit ang pagtulong sa baby na maglatch nang maayos ay kinakailangan ng ensayo sa nanay at sanggol. Kung ang tingin ay hindi siya nakakakuha ng sapat na breast milk, dapat ayusin ang kanyang pag-latch ayon kay Dr. Newman.
“Mahalaga na alam ng nanay kung nakakakuha ng gatas ang baby imbes na nakakagat lamang. Kung hindi nakakakuha ng sapat ang baby, ang compression ay maaaring makatulong,” kanyang payo.
Ang breast compression ay ang pagpiga sa suso habang nakasubo sa baby, ngunit hindi umiinom. Ito ay tilad ng pagsubo ng gatas sa bibig ng baby.
Kung nahihirapan na ipag-latch ang baby, magpakonsulta agad sa pediatrician, o sa lactation consultant/nurse, magagabayan ka sa tamang techniques dito.
2. Maaaring may tongue tie ang baby
Ang ilang sanggol ay mat tongue tie, ibig sabihin ay ang lingual frenulum—ang bahagi ng balat na naguugnay sa dila at ibabang bahagi ng bibig—ay masyadong makapal o maikli. Nakakasagabal ito sa paggalaw ng dila, na nagpapahirap sa kanyang pagpapasuso.
Isang senyales na dapat bantayan na makakapagsabi kung mayroon siyang ganitong kondisyon ay ang dulo ng kanyang dila ay nakabali pababa kapag umiiyak nang nakabukas ang bibig.
Kung naghihinala na siya ay may tongue tie, ipaalam sa pediatrician o lactation consultant, na maaaring sumuri. Ang remedyo sa ganitong kondisyon ay ang paggupit ng duktor sa frenulum.
Ang tongue tie ay mas problema ng mga breastfed na sanggol kumpara sa mga gumagamit ng bote, dahil ang mga sumunod ay mas hindi ginagamit ang mga dila para makakuha ng gatas.
Masyado ba siyang antok para kumain
3. Ang sanggol ay hindi masyadong kumakain
Ang mga bagong panganak ay dapat kumakain kada dalawa at kalahating oras, o kaya, ayon sa La Leche League International (LLLI), nasa walo hanggang 12 beses kada 24 oras.
Ayon kay Dr. Shu, ang ilang sanggol ay nagiging sobrang antok, kaya nalalampasan ang ilang pagkain. Ngunit sa puntong ito, ang pangangailangan kumain sa regular na pagitan ay mangingibabaw para sa masarap na tulog—at least haggang sabihin ng pediatrician na maaaring bawasan ang dalas ng pagkain.
Kung ang iyong anak ay hindi madalas kumain lalo na sa mga unang bahagi, hindi nahihikayat ang iyong katawan gumawa ng sapat na gatas, ibig sabihin ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon ang iyong anak. Ito ang naggiging dahilan ng kanyang sobrang pagka-antok para kumain.
Kung ang iyong anak ay napipikit na habang sumususo, gawin ang makakaya para magising siya sa pamamagitan ng paghimas ng kanyang paa o pisngi. Kung hindi maging epektibo, ilayo siya sa dibdib para magising, tsaka ire-latch, payo ng mga eksperto sa lactation.
Iwasan ang problema sa supply sa pamamagitan ng pagkakaroon ng suporta sa pagpapasuso sa simula pa lamang.
4. Mayroon kang problema sa supply
Mahirap man sabihin kung nakakakuha siya ng sapat na breast milk, hanggang sa nagkakaroon siya ng rekumendadong dami ng basang diaper at madalas dumumi, tama ang iyong ginagawa.
Subalit, upang maipagpatuloy ang supply hindi lamang ang madalas na paglatch ang kailangan—kailangan din ng maraming suporta.
Kadalasan, ang problema sa supply ay nagsisimula sa kakulangan ng suporta ng ina sa simula, na maaaring magdulot ng negatibong impact sa pagtaguyod sa full supply.
Makipag-usap sa lactation consultant, ibang ina na nagpapasuso o duktor simula pa lamang, at madalas.
Laging itimpla ang formula ng bata babg sinusunod ang tamang instructions.
5. Hindi natitimpla nang maayos ang formula
Ipinaliwanag ni Dr. Shu na ang ilang magulang ay nagdadagdag ng sobrang tubig sa formula para makapagtipid o dahil iniisip na ito ang nagiging rason ng constipation ng sanggol.
Sundin ang mga tamang sukat—ang sobrang tubig at hindi sapat na nutrisyon ay delikado sa mga bagong panganak, kung, kahit ano man ang rason, binibigyan siya ng formula at hindi breast milk***.
Hangad namin na ang mga impormasyon na ito ay makatulong sa inyo. Tandan na huwag ikumpara ang iyong baby at kanyang laki o bigat sa iba pang sanggol.
Bawat isa ay unique at bibigat sa iba’t ibang bilis.
*Mangayaring tandaan na ito ay isang pangkalahatang gabay. Dapat sabihin ang lahat ng bagay na nauugnay sa kalusuhan ng iyong baby sa isang ispesiyalista.
**Agad na magpakonsulta kung ang pagbigat ng iyong anak ay bumagal o huminto.
***Ang mga medical professionals sa buong mundo ay nagsasabing ang breastmilk ang pinakamagandang mapagkukunan ng nutrisyon para sa bagong panganak na sanggol. Sila ay nagmumungkahi na magkaroon ng nasa anim na buwan na tanging pagpapasuso lamang.
Sources: American Pregnancy Association, La Leche League International, Australian Breastfeeding Association, Parents, Medscape
Basahin: Heraclene: Gamot na nakakatulong sa pagdagdag ng timbang ni baby
The post Timbang ng newborn: Gabay sa pagtaba at pagpayat ni baby appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.